Kabanata 13

325 18 0
                                    

Si Julio Vedal o mas tawagin ni Lauren ng Francois Julian Vedal ay hindi naman talagang magkasama. Naunang umuwi sa Filipinas si Lauren Collins na galing sa Inglatera na kaniyang kinalakihan at kinagisnan ganon pa man ang kaniyang abuela lamang ang kaniyang kasama nang sila'y umuwi. Naninirahan sila sa isang hacienda na walang nagmamay-ari hanggang sa pinangalanan iyon nang kaniyang lola nang hacienda Collins. Masasabi natin na wala talagang salin Español ang kanilang apilido. Masaya at tahimik silang nanirahan dito. Marami rin nagkagusto kay Lauren Collins ngunit miisa ay walang pumasa. Hanggang sa dumating sa kaniyang buhay si Julio Vedal. Ang lalaking kaniyang tunay na minahal. Isang talentadong lalaki. Marunong sumulat, gumuhit, sumayaw ,kumanta at tumugtog at ito ay ubod pa nang kagwapuhan. Wala nang mahihiling pa si Lauren sapagkat ito rin ay nuknukan nang kabutihan at galang. Naging magkaibigan at nagkalapit nang maigi sina Lauren at Julio. Sabay nilang nililibot ang buong Filipinas nang sa ganon ay marami silang memoria sa isa't isa. Sa Agosto 12,1776 ang kaarawan ni Lauren at nung mga panahon na iyon ay nandirito siya sa Filipinas. Si Lauren ay nagpagawa nang isang napakaeleganteng at magandang damit para sa kaniyang napakaespesiyal na araw at ang damit na ito ay walang katumbas ang ganda. Dumating ang panahon ay kinailangan na niyang magbalik sa Inglatera at iyon ay Enero 4, 1777. Kasama niyang nagbalik sa Inglatera si Julio at ang kaniyang lola ngunit miisa na mula rito sa Filipinas ay wala silang kinarga pabalik sa Inglatera kung kaya lahat nang ari-arian at pinagawa nila ay nagkalat sa bawat sulok.

Ang haba nang kwento ni Gabriel.

Pero para sa akin hindi pa sapat iyon. May kulang pa. May kailangan pa akong kutkutin sa kaduduluhan nang tunay na pangyayari. Ewan ko pero may kutob lang ako sa kaniya. Hindi naman masaya at hindi rin maganda in short I'm confuse.

"Sino namigay sa inyo niyan?" Tanong ko sabay turo sa painting portrait ni Lauren Collins.

"Si Julio," sagot niya.

At pinagtataka ko lang bakit niya tinatawag nang Francois Julian si Julio kung iyon lang naman ang pangalan niya at wala nang iba?

"May alam ka pa ba tungkol sa kaniya?"

"Wala na. Iyon lang ang huling naaalala at alam nang lahat," sabi niya.

"Buhay pa ba siya ngayon?" Tanong ko.

"Hindi ko alam."

Bigla tuloy akong natakot na baka hindi ko na siya makausap sa mga nagyari. Since era ito nang Spaniards makakapunta ako sa kung nasaan siya dahil may pakiramdam ako na parehas lang kami nang panahon.

"Gabriel, anong petsa ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Agosto 1, 1777, " sagot naman niya.

August na pala. Malapit na ang birthday niya. Eleven days nalang.

"Gabriel, ihatid mo na ako sa amin," utos ko.

Tumingin siya sa akin na para bang siya ay nagtataka ngunit tumango nalang siya bilang tugon at hinatid na niya ako sa amin.

Nang sa pagkahatid niya sa akin ay hindi na ako nakapagpasalamat o nakapagpaalam sapagkat ako'y nagmamadali kaya nung pagtigil nang karwahe kanina kumaripas na ako nang takbo papasok.

Hinanap ko kaagad si Emilia at hindi ako nabigo.

"Emilia, sina Mama at Papa...andito ba?" Hinihingal kong tanong.

"Wala po sila rito Señorita. Inimbita sila nang familia Carmona para makipaghapag," sabi niya.

"Kailangan nating magmadali. Dali sa aking silid!" Utos ko.

Kumaripas kami nang takbo paakyat nang hagdan at nung makapasok na kami sa aking silid pinakandado ko muna ang pinto.

"Señorita, bakit ninyo po pinakandado ang inyong silid?" Nagtatakang tanong niya.

"Dahil ngayon ay mabubunyag na kung ano ang buhay ni Lauren Collins," sabi ko.

Inabot ko sa ilalim nang higaan ko ang box. Mukhang may kinalaman ito kay Lauren.

"Señorita! Paano ninyo po nahanap ang kahon na pagmanay-ari ni Señorita Lauren Collins?" sabi niya nasiyang kinalaki nang aking mga mata.

May bigla tuloy akong naalala.

Kasama niyang nagbalik sa Inglatera si Julio at ang kaniyang lola ngunit miisa na mula rito sa Filipinas ay wala silang kinarga pabalik sa Inglatera kung kaya lahat nang ari-arian at pinagawa nila ay nagkalat sa bawat sulok.

Nagkalat? Ibig sabihin kinuha ito nila Mama, pero bakit? Anong mayroon. Anong meron sa kahon na ito? Kung hindi mga dagat na sulat lang.

Binuksan ko muli ang kahon na minsan ko nang binuksan. Nakita ko nanaman muli ang mga dagat-dagat na sulat.

Kumuha ako ng isa upang basahin. Nagulat ako sa aking makita.

July 6, 2017

Kinagulat ko ang date. Paano makakapag-time travel ang sulat?! Kaya pala halatang luma na.

Nais basahin ni Emilia ngunit hindi siya marunong mag-English.

Binasa ko ang unang sulat na nadampot ko.

July 6, 2017

Dear Life,

I'm afraid that I'm already tried on my life. I tried to kill myself once but I failed. Instead I feel like I'm in a dream. I don't know what to do
in my useless life. Am I should be thankful because I'm still alive or not.

Eleanor

Eto ang mas surprising. Sino si Eleanor?

Ano ba ang meron at ano ba talaga ang nagyayari.

Napatingin ako kay Emilia.

"Ano po ang nilalaman nang sulat Señorita?" Tanong niya.

"I-isang... Isang babae na balak nang tapusin ang kaniyang buhay," sagot ko.

Nagulat si Emilia.

"Ang ngalan niya ay Eleanor, ngunit sino si Eleanor?" Nagtatakang tanong ko.

Tumingin muli ako kay Emilia baka may alam siya kung sino si Eleanor.

"Kilala mo ba sino si Eleanor?" Tanong ko.

"Hindi po. Si Señorita Lauren Collins lang po ang tanging aking kilala," sagot niya.

Napatingin ako muli sa box at ibinalik nang maayos ang mukhang suicide note ni Eleanor.

Paghugot kong muli isang makaluma na bagong papel. Basta! Mahirap i-explain.

Sa pagbuklat ko nang letter nakita ko naman ay ...

July 6, 1776

Gusto ko mapamura sa same date.

Binasa ko nalang ang nilalaman.

Dear Life,

I don't understand why this is happening. A person should not imagining any paronormal experiences. There's no rebirth or anything. This is so hard to believe. This isn't even proven by the scientific explanation why should I believe it? Should I be thankful that I have another life. Am I back from the dead?

Lauren Collins

Eto ang moment na hinihintay namin ang sulat ni Lauren Collins.
Pero mukhang nagre-regret siya o mayroon siyang ayaw paniwalaan. Bakit kaya? Ano ba ang meron sa buhay niya. Anong nagyari at bakit may ayaw siyang paniwalaan?

Napatingin ako kay Emilia.

"Señorita? Bakit biglang namutla kayo?" Nag-aalalang tanong niya.

Napatingin ako sa salamin. Namumutla nga ako.

Mukhang hindi kinaya nang sistema ko ang horrifying truths.

At Bigla na akong nahimatay.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon