Kabanata 72

146 9 0
                                    

Ilang linggo na rin ang nakakalipas matapos ang pagyayaring iyon. Sariwa pa rin sa aking puso ang mga sugat. Binigyan na muna ako ni Emilio ng panahon upang makapag-isa dahil alam niya kung gaano ko siya kinamumuhian.

Wala naman yatang kalendaryo rito.

Napahinga na lamang ako ng malalim. Lumabas ako ng aking silid at nakita si Aling Tesang na sinusukatan sila mama at papa ganon na rin ang aking doncella na si Emilia.

Anong kaganapan ang mayroon?

Napatingin ako kay Aling Tesang habang bumababa sa pangalawang palapag.

"Mama? Papa? Emilia? Anong meron?" Nagtatakang tanong ko.

Nagkatinginan silang tatlo ng pansandalian at malungkot na ngumiti sila sa akin.

"Anak, nalimutan mo na ba ang kasal nila Señorita Ramira at Señor Gabriel?" Tanong ni mama.

Biglang pumasok sa aking isipan ang binigay na sobre ni Gabriel naimbitado pala kami sa kasal nilang dalawa ni Ramira sa ika-20 ng Agosto.

"Ah- paumanhin Mama ngunit nalimutan ko na," tanging sambit ko na lamang. "Ngunit bakit kailangan na tayo'y sukatan samantalang bisita lamang tayo sa kanilang gagawing kasal hindi ba?" Hindi pa kuntento kong tanong.

"Hija," pag-agaw ng atensyon sa akin ni papa.

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Isa ka sa kaniyang mga ginawang abay sa kasal nila ni Gabriel kung kaya pinapasukatan niya tayo kay Aling Tesang," pagpapaliwanag sa akin ni papa.

"Lo siento, Papa ngunit hindi ko alam. Hindi nga ako pumapayag na maging kanyang abay. Ano naman ang pumasok sa isip ng babaeng yun?" Kunot noo kong tanong sa aking papa.

Nagkatinginan na lamang sila ni mama.

At tsaka hindi ba sa akin na nagtratrabaho si Aling Tesang?

Napatingin ako kay Aling Tesang na ngayon ay nakayuko lamang. Mukhang nahihiya siyang harapin ako ngunit bakit?

"Señorita, kayo naman po ang susukatan ng Ginang," sabi sa akin ni Emilia.

"Bueño," malungkot kong sabi.

Sinumulan na ni Aling Tesang na sukatan ako. Nagapasalamat na lang ako ng matapos niya akong sukatan.

Pinaliwanag sa amin ni Aling Tesang kung anong kulay ang magiging damit ko at kung anong kulay naman ang magiging damit nila mama, papa at Emilia.

Nakakapagtaka lamang ngunit bakit nais ni Ramira Kahel ang kulay ng mga damit ng kaniyang abay sa kasal. Hayst! Bakit ko ba siya pinoproblema eh kasal naman niya iyon at hindi akin.

Nang matapos na ang lahat-lahat bumalik na sila mama at papa sa kanilang gawain habang kami ni Emilia ay nanatili sa kinalulugaran.

Lilisan na sana si Aling Tesang nang siya ay aking pinigilan.

"Aling Tesang nais ko po kayo makausap,"sabi ko sa kaniya.

Bigla siyang napatigil at hinarap ako ng dahan-dahan. Bakas sa kaniyang mukha ang nakakaibang pagkatakot.

Napatingin ng dahan-dahan sa akin si Emilia. Kita ko naman sa kaniyang mukha ang pangangaba niya.

Hukmakbang ako papalapit kay Aling Tesang. Kailangan kong tapangan ang sarili ko.

"Bakit ginawa mo po sa akin ito?" Mahinahon kong tanong sa kaniya.

Napayuko si Aling Tesang sa kaniyang kahihiyan.

"Bakit hindi man lang po kayo nagbigay alam sa akin?" Tanong ko pa. "ANO BA ANG GINAWA KONG HINDI KANAISNAIS NA AKO AY IYONG TAYDORIN! ANG PAMILYA NAMIN!" Sumasabog sa galit na sigaw ko sa pagmumukha niya.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon