Kaagad nangilid ang mga luha ni Luccia sa nasaksihan. Kaagad niya itong nilapitan upang alalayan sa upuan dahil wala iyung sandalan. "D-Dhark, why you didn't tell her?" She whispered. Her voice cracked and faded. She's sobbing.
She already knew that something is going to happen in that water-trip. Something that she feared the most and something that she's been wanting to tell Shu about. "Y-you have come here to die! Why didn't you tell her?" Muli pa nitong saad. Pigil ang pag-iyak upang hindi marinig ni Shu sa labas.
"L-Luccia, my dear cousin. The best things she's meant to see does not include my death." Garalgal naman ang tinig na tugon ni Dhark. Nakahawak parin sa bandang dibdib at hirap sa paghinga. Butil-butil din ang kanyang pawis sa noo. His eyes were reddish and weary.
"But Dhark! She deserves to know! She should be by your side during this moment! At your very last breath!" Histerikal namang bulalas ni Luccia.
"N-Not with this state, Luccia. I-- I look horrible. I want her last memories of me to be my smile and not this horrible look. I'm-- I'm out of breath and blood is all over me--"
"HAN! Han, what's taking you so long? Halikana, samahan mo na ako dito. Ang ganda ng view! I didn't know that there's an island in here. May nakikita pa akong rest house or something sa tuktok ng isla." Walang anu-ano'y malakas at masayang sigaw ni Shu mula sa labas dahilan para magtinginan silang magpinsan.
"Y-you have to wipe the blood all over my mouth. I don't want her to see it." Hirap sa pananalitang sambit naman kaagad ni Dhark. Naninikip naman ang kalooban na sumunod si Luccia. The moment she wiped the blood on his mouth ay siya namang pagpasok ni Shu. "Han, bakit dika pa sumusuno--" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sa nasaksihang itsura ni Dhark.
Sa isang iglap ay naglaho ang saya sa kanyang mukha. Tila walang buhay na nakaupo si Dhark. Nakayuko ito at bagsak ang katawan na nakasandal sa tagiliran ni Luccia.
Lumipat kay Luccia ang kanyang mga mata. Ang pagiging sapa ng mga mata ni Luccia ang nagpaliwanag ng lahat sa kanya. Tila may kung anung tumutusok sa puso niya at sa kabilang banda naman ay para siyang binubuhusan ng sangkatutak na niyebe.
"L-Luccia..." Sa wakas ay nagawa niyang naisambit.
Luccia looked at her hopelessly and slightly shook her head twice. Noon na nagsimulang bumulwak ang mga naipong luha sa kanyang mga mata. Matagal silang nagtitigan. Lots of questions were asked and answered through those stares.
"W-what is this? Han..." Halos walang boses niya pang naisambit kahit na alam niya kung anu ang nangyayari. But of course, she's indenial.
Noon naman gumalaw si Dhark. Pilit nitong itinuwid ang ulo at tumingin sa kanya. He smiled, but t'was a smile saying goodbye to her. "My love, why are you crying? Come here." Mahina pa nitong wika. He's wearing a genuine yet forced smile.
Tila hindi siya makagalaw sa kinatatayuan ngunit pilit siyang sumunod sa gusto nito. Mabibigat ang paghakbang siyang naglakad patungo sa tabi nito at pumalit sa pwesto ni Luccia upang alalayan ito. He can no longer hold his own body. He needs someone to lean on.
Pilit itong nagtaas ng kamay upang hawakan siya sa mukha ngunit parang hindi na nito kayang abutin ang pisngi niya kaya siya na ang yumuko saglit upang salubungjn ang palad nito.
Napatalikod si Luccia dahil sa labis na pagluha. Parang hindi nito kayang makita ang ganoong estado ng pinsan.
"My love, c-can you fullfil a wish for me?" Kapagkuwa'y, hirap at mahina ang tinig na mungkahi ni Dhark.
BINABASA MO ANG
The Demon General's Young Wife
RomanceApat na taon nang kasal si Shu sa isang lalaking hindi niya pa kailanman nakikita o narinig ang boses. Hindi siya dapat ang ikakasal dito; dapat ay ang nag-iisang anak na babae ng mayamang pamilyang pinagtatrabahuhan ng kanyang ina. Isang magulong k...