Wrong Timing.,! hayyy!

7.2K 70 6
                                    

ETO na yung UD.,. sensiya na.,., tanatamad eh.,.,pasensiya na talaga!!!

,

.

,

.

.

.

.--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakahinga ng maluwang si Karylle ng makasakay na siya ng Taxi. Kung sana nakuha man lang ni Vice kahit one fourth ng karakter ni Ryan, siguro wala silang pagtatalunan.

Taxi Driver: Ma'am saan po tayo?

Karylle: Sa bus terminal sa Cubao.

Karylle's POV:
 

Thanks God. Huh, kala mo ha..Sa wakas makakalayo na rin ako ulit kay Vice. Sigurado akong aabutin ng anim na buwan bago mo ulit ako mahanap. Kung magiging maingat ako baka ng ataon pa. Kailangan ko lng inagatan ang pag gamit ng ATM card ko para hindi niya ako ma trace. Mabuti na lng malaki-laki rin ang na-cash advance ko mula sa credit card niya.Ah, freedom at last!


natigil ang pag iisip ni Karylle ng tumunog ang cellphone niya. Kinakabahan niya iyong kinuha. Numero iyon ng producer ng TV series kung saan isa siya sa scriptwriters. mabilis niya iyong sinagot.

Karylle: Yes, Erick?

Erick: Natanggap ko na 'yong e-mail mo. Punta ka rito sa network para sa revision.

Karylle: W-what? Bakit?

Erick: Emergency meeting, Dalian mo ha?

(Naramdaman niya ang pagbagsak ng sikmura. Sigurado siyang kapag nalaman ni Vice na nawawala siya, ang station kaagad ang isa sa pupuntahan niya. Nahilot niya ang sentido.)

Erick: Be here in thirty minutes, darating si Direk at saka 'yong ibang scriptwriters. See you.

Yun lng at ibinaba na ng kausap ang telepono. She groaned. Bakit sa dinadami-dami ng araw, ngayon pa nila naisipang mag meet-up? Nanlulumong binalingan niya ang driver.

Karylle: Manong wag na pala sa Cubao, sa Mother Ignasia na lang. Sa ABS building.
Taxi Driver: Okay.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagdating sa ABS-CBN Network, dumerecho muna siya ng restroom para mag freshen up. She really needed to splash cold water in her face right now. Pagkatapos maghilamos pumasok muna siya sa isa sa mga cubicle paar umihi. Akmang magpa-flush na siya ng marinig ang ilang boses sa labas.

Coleen: Girl, pwede bang i-email ko na lng 'yong script this whole month? Balak ko kasing  magbakasyon sa Boracay muna, pero gagawin ko parin yung mga episodes na sa 'kin.  Papayag kaya 'yong head writer natin?

Anne: Ano ka ba, Girl, hindi pwede 'yon. Alam mo naman na madalas kailangang 'andoon tayo  kapag gumagawa ng revisions, di ba?

Coleen: Eh, bakit 'yong isang writer sa primetime show umuubra. Sabi ni Soleen, halos buong taon  lng noon ine-email ang gawa niya, pinapabayaan nman. Ni hindi nga raw pumupunta rito  sa Station, eh. Samantalang hindi pa rin nman siya ganoon katagal na writer.

Anne: Hmm.... Sino ba yang sinasabi mo? Si Karylle Tatlonghari ba yan?

Coleen: Oo.,

Anne: Eh, sira ka pala. Gagaya ka doon. Bakit? May-ari ba ng fastfood chains ang tatay mo?  Shareholder ba ng station ang fiance mo? Natural, binibigyan siya ng special treatment.

Coleen: Ay gan'on ba yon?

Anne: Ay, Dear, ano ka ba! Hindi ka ba nakikinig sa mga tsismis? Alam mo ba kaya lang naman  'yon nabibigyan ng project ay dahil sa koneksyon niya. Bakit sa tingin mo sa primetime  agad siya. Napanood mo na ba 'yong episodes na siya ang sumulat? Girl, sinasabi ko,  walang kalalim-lalim. Marami pa siyang kakaining bigas.

Coleen: Hmmm.,.,Ang sarap ng anak-mayaman no? Hindi mo na ailangan magpagod o maghirap,  ibibigay sa'yo lahat. Tingin mo, bakit pa siya nagsusulat?

Anne: Malamang hobby lang niya. O kaya alam mo na, pampalipas-oras lang niya. Wala lang  sigurong magawa.

Coleen: Siguro nga.

Narinig ni Karylle ang pagbukas ng pinto at paglayo ng dalawang boses. Pagsar ng pinto, tuluyan ng nawala ang boses ng dalawang babae. Nanginginig na napaupo siya sa toilet bowl.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

>

>

.

.

,

ITUTULOY

.

.

,

,

Sa mga fan ni ANNE at Coleen jan PEACE po.,. :))))

I LOVE ANNE and Coleen!

.

.

,

.

,

Till next UD.,,. Love YOU!!! :)))))

The Man That I Desire (Vicerylle edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon