Etooooooo naaaaaaa!!!!!
grabeh!!!! wala ng sunod na ganap.,.,., tsssssskkkk
PASENSIYa na sa paghihintay ng matagal,
THANK YOU sa pagbabasa!!!!
.
.
.
.
.
.
Apat na araw ang nakalipas mula nung umalis si Vice at isang beses pa lamang itong tumatawag kay Karylle. At tanging ang sinasabi lang nito ay marami pa itong ginagawa at baka abutin pa ito ng dalawang araw sa trabaho. Sumimangot na lang si Karylle habang ine-edit nito ang plot line ng ginagawang episode sa laptop.
Karylle POV:
Napakahirap ba talagang ipaliwanag ang problema niya? Kailangan ko bang kumuha ng PhD para maintindihan yon? Come on, naintindihan ko nga ang quantum mechanics, I'm sure kumpara doon, sisiw ang problema niya no. And was it really so hard to call? Ano ba nman 'yong tumagal siya kahit sampong segundo lang sa phone? O kaya kahit e-mail na lang, lagi nman siyang nasa harap ng laptop niya,ah. He could at least told me where he was, nasa abroad ba siya o nasa kabilang building lang? my God, he's really impossible. and he wants me to marry him when he's like this? Huh! Hindi pa ako tanga, ano. Bakit ko nman gugugulin ang buhay ko kasama ang taong may empathy level kagaya sa patay na koala bear? Why would I want to marry a selfish person who doesn't consider my feelings. He only does what he wants and never even bothers to share what's troubling him! Hindi ako masokista, ano! Hindi ba iyon ang point ng marriage? To share the good and the bad? He won't even share anything! Damn, ano bang ginagawa ko? I'm hopeless.
(Nahilot niya ang ulo at naiumpog sa unan)
End of Karylle's POV
Ang totoo alam ni Karylle kung bakit ganito ang ugali ni Vice. Magkasabay silang lumaki, paanong hindi niya malalaman? Bata pa lamang, may trust issue na si Vice.
His father used his mother to enter the BORJA CORPORATION. Nanatili itong maraming babaae habang kasal sa nanay ni Vice.
Nang mamatay ang nanay ni Vice nagpakasal kaagad ito sa kerida at ginawa pa itong shareholder sa kompanyang pagmamay ari ng nanay niya. sino ang hindi mato-traumatized doon? At dahil mismong tatay nito ang gumawa nun, Vice couldn't trust anyone. Kailangan nitong makipaglaban ng ngipin sa ngipin para manatili ang kompanya ng ina sa sarili.
Hindi sa walang tiwala si Vice sa kanya, nasanay lang itong hindi sinasabi sa iba ang nararamdaman nito. Kaya nga kahit sa kanya, hindi nito magawang buksan ang sarili.. Dapat niya itong bigyan ng panahon. Hindi ganoon kadaling baguhin ang kinalakihan nito. Hidi ganoon kadaling maghilom ang malalalim na sugat. Someday, maghihilom din iyon... someday, magagawa rin nitong papasukin siya sa isipan nito. She would patiently wait for that day.
Narinig ni Karylle ang pagbukas ng pinto at mabilis siyang napaupo.Hindi niya maiwasan ang pagsilay ng isang matamis na ngiti at dali dali itong tumayo para salubungin si Vice. Nasa may threshold na siya ng living room ng marinig ang boses ni Vice.
Vice: Yes naayos ko na. Sigurado na ang kasal namin ni K.
(natigilan si Karylle sa kinatatayuan nang marinig ang pangalan.)
Vice: I'll make sure we get married this year. Pagkatapos ng kasal namin siguradong mawawalan na ng lakas ng loob ang mga tao sa kompanya para suportahan si Jhong....Of course, walang problema. I can lend you some capital. Magiging father-in-law na rin naman kita, I couldn't possibly turn you down.