UD po ulit!!!!!!
______________________________________________________________________
*Napailing si Karylle habang pababa siya ng hagdan. Her family was obviously excited, lalo na si Sophia. Hindi ito mapakali. Hawak-hawak ang paborito nitong unan habang paroo't parito sa sala. Ganoon talaga ito palaging masaya pag aalis. Iyon ang unang pagkakataon na makaakrating ito sa La Union.
Karylle: Good Morning, Sweetie.
*Masayang bati ni Karylle sa anak. Ngumiti ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
Sophia: Morning, Mom. I'm excited! Let's go! Let's go!
*Natawa na lang siya sa sinabi ng anak. Inilapag niya ang bitbit na duffel bag, pagkatapos ay humalik siya sa pisngi nina Coco, Anne at Zia.
Karylle: Morning girls!
Coco: Kumain ka na muna, Ate. O gusto mong sa daan na lang kumain?
*Itinuro nito ang nakahaing pagkain sa lamesa. Mababakas ang kasabikan sa boses ng kapatid niya. Mula ng tumira ang mga ito sa America ay ngayon lang sila makakapamasyal sa Pinas. Tumawa siya.
Karylle: Ay! Hindi naman halata na masyado kayong excited noh. Mukhang naipasok niyo na sa kotse ang mga dala n'yo, ah.
Zia: Mas malala si Ate Anne. Parang hindi na babalik sa Maynila sa dami ng dala.
Anne: Mabuti na ang laging handa kung saka-sakaling matagalan tayo ro'n. 'Yan lang ba ang dala mo, Girl?
*Nagtatakang tanong nito sabay turo sa dala niya. Umupo na siya at nagsalin ng kape sa tasa.
Karylle: Oo, hahatid ko lang naman kayo doon. Mga dalawang araw lang ako mag-i-stay ro'n, 'tapos ay babalik din ako rito. Marami pa akong dapat gawin sa opisina.
Anne: Ikaw naman, Girl, maano ba kung mag-relax ka. Hindi naman siguro pababayaan ni Billy ang kompanya niyo noh.
Karylle: Nakakapag-relax naman ako ah. Napapasaya ako ng mga ginagawa ko.
Anne: Kung gano'n, para ano pa't pumayag kang magbakasyon kami sa La Union ng dalawang linggo kung hindi ka rin sasama sa amin?
*Tinutoo ni Vice ang pagdala sa kanila sa La Union para magbakasyon ng dalawang linggo.
Karylle: Eh, gano'n talaga. Tawagan niyo na lang ako kung kailan kayo magpapasundo.
Anne: Teka, hindi ba--
Vice: Okay na. May kulang pa ba sa mga gamit ninyo?
*Narinig ni Karylle na tanong ni Vice. Muntik na niyang maibuga ang iniinom niyang kape. Nanginginig ang mga kamay na ibinaba niya ang hawak na tasa sa ibabaw ng mesa. Nilingon niya ito. Maaliwalas ang mukha nito. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito nang makita siya.
Vice: Good Morning, Karylle.
Karylle: G-good morning. Ano'ng ginagawa mo rito?
*Mataray na tanong niya. Pinandilatan siya ng mata nina Zia at Coco. Bale-walang binuhat nito ang bag niya.
Karylle's POV:
Why does my bag look good on him, considering it's bag for girls?
End of Karylle's POV.
Vice: Nag-volunteer ako na makisabay sa inyo.
Karylle: Bakit pa? May sasakyan naman kami, ah. Pwede convoy na lang tayo. Susundan ko na lang yung sasakyan mo para hindi kami mawala.
Vice: Ayoko lang na mahirapan ka. Tutal, pare-pareho naman tayo ng pupuntahan bakit hindi na lang tayo magsabay-sabay. Makakatipid pa tayo ng gasolina.