Paalam Na!

5.2K 35 18
                                    

UD na!! :))

Wala ako magawa eh. Kaya mag UUD na lang.

____________________________________________________________

*Tuluyan na ngang nadelay ang buwanang dalaw ni Karylle na lalong nagpatibay sa resulta ng pregnancy test pack. Hindi siya maaaring magpatingin sa Doctor sa takot na baka makilala siya, siya na anak ng isang mayamang may ari ng Chain of Restaurant. Nahihiya rin siya na ang isang dalagang katulad niya ay magpapatingin sa isang OB-GYNE tungkol sa pagdadalantao.

*Kung sana kasi hindi na niya nakita kung gaano kasaya sina Marian at Vice nung gabi ng engagement party. Sana nasabi na niya ang tungkol sa pagdadalantao niya at sana di siya namomroblema ng ganito ngayon.

Karylle's POV:

Kailangang makaalis ako kaagad patungong America bago pa nila malaman na buntis ako. Lumalala na ang morning sickness ko kaya bago pa malaman nila Papa at kuya ay mabuti pang nakaalis na ako. Bahala na kung paano ko ipapaliwag kay Mama ang pagdadalantao ko. Siguro naman mauunawaan niya ako.

End of Karylle's POV

 *Tumawag na muna siya sa Mama niya para sa kanyang plane ticket bago niya kinausap ang kanyang Papa, Kuya Billy at pati na si Anne. Mabuti na iyon para wala nang magagawa ang mga ito para pigilan siya.

*PHONE CONVO*

Karylle: Mama.

*Aniya sa inang nasa kabilang linya.

Zsazsa: Karylle?

Karylle: Mama, gusto ko nang pumunta diyan.

Zsazsa: May problema ba, Anak?

Karylle: No... yes.. uhm

The Man That I Desire (Vicerylle edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon