UD na poh ulit!
Last Ud na po muna. Di ko po sure if makakapag Ud ako nitong mga susunod na araw. May pasok na po kasi ako sa school. Sana po maintindihan niyo. Salamat!! Enjoy reading. (~_~)
________________________________________________________________________
*Mahinang tunog na nakababagot ang narinig ni Karylle nang magising siya. Wala na ang putukan at tilian. Nasaan na si Vice? Bakit tila nag-iisa siya sa lugar na ito? Matagal bago napagtanto ni Karylle na nakapikit pala siya kaya hindi siya makakita. Dumilat siya, malabo ang dating ng mga bagay.
Karylle: Vice.......
*Mahinang tawag ni Karylle. Bgunit, walang tinig na namutawi sa bibig niya. Sinubukan niyang igalaw ang kamay na hawak ng binata nang mapangiwi siya sa sobrang sakit. Nanghilakbot si Karylle -- hindi rin niya kayang igalaw ang kamay.
*Muli siyang pumikit. Pinagana niya ang isipan. Gusto niyang maigalaw ang mga kamay. Nagising si Vice sa mahinang paggalaw-galaw ng mga daliri ni Karylle. Tumayo si Vice at pinagmasdan si Karylle, kumibot-kibot ang tuyo nitong mga labi.
Vice: Karylle..? Tita Z! Anne! Nagkakamalay na si Karylle!
*Malakas ang boses na tawag niya sa mga ito na nakahiga sa lounging sofa. Halos panabay na tumakbo sa kinahihigaan ni Karylle ang mga ito.
Zsazsa: Salamat sa Diyos!
Vice: Tita, dininig niya ang panalangin natin.
Anne: Sandali lang. Tatawagin ko lang ang Attending Physician ni Karylle.
Vice: Karylle? Naririnig mo ba ako?