Breakfast in BED!

8.2K 65 6
                                    

Uy galing ng mga kapatid ko ah.,.,.:))))

4 days na tayong trending.,

Balak niyo bang sakupin ng isang linggo ang buong Philippines trends

hahaha KEEP IT UP.,.,

Kahit wala akong twitter at facebook PROUD ako sa inyo

Please follow my cousin account na lang.,., @marrace28 sa twitter.,

Gift ko sa anniversary nila.,. sana ma follow niyo.,!! Thanks

Gift niyo na rin sa akin.....Salamat!!!!

.
.
.
.
.
.
.
----------------------------------------------------------------------------------

Pasado alas-nwebe na nang maisip ni Vice na bumaba sa kusina para tignan kung ano ang hinanda ni NANAY AGNES para sa breakfast. Sa mga bisig niya, mahimbing na natutulog si Karylle. Nakasandal ito sa kanya at magkadikit ang hubad na katawan. Ibinaba niya ang mga labi para gawaran ito ng halik sa balikat bago marahang hinila ang brasong ginagamit nitong unan.

Sumimangot si Karylle bago ito muling nahimbing sa pagtulog. Hindi mapigilan ni Vice ang mangiti. Muli niya itong hinalikan sa balikat bago hinila ang kumot para takpan ang hubad nitong likod. Tumungo siya sa closet para kumuha ng damit. Isinuot niya iyon bago lumabas ng silid.

Sa kusina, naabutan niya si Nanay Agnes na naghahanda ng pagkain sa lamesa.

Vice: Good  morning Nay.

Nanay Agnes: Good morning Tutoy. Oh! asan si Karylle?

Vice: Tulog pa po Nay. Napagod po ata kagabi.

Nakangiting turan ng binata.

Nanay Agnes: Ganoon ba? Sabagay medyo malayo rin ang biyahe papunta rito. O siya gisingin mo na ng makakain na kayo ng almusal at magtatanghali na rin.

Vice: Kayo po Nay kumain na kayo?

Nanay Agnes: Oo nauna na ako kanina pa.

Vice: Ah ganoon po ba? Dalhan ko na lang po siya ng pagkain at doon na lang po kami kakain Nay.

Nanay Agnes: Oh sige. Papahanda ko lang sa katulong----

Vice: Ako na po Nay.

Nanay Agnes: Naku si Tutoy nagpapa-empress.

Vice: Syempre naman Nay. Para di na ako ipagpapalit ni K...

Nanay Agnes: Nako! Si Tutoy oh! Inlove na inlove kay Karylle.

Vice: OO nman Nay. Mahal na Mahal ko yung ng higit pa sa buhay ko.

Nanay Agnes: Oh siya, sige ikaw na ang bahala rito at may pupuntahan pa ako.

Vice: Sige po Nay. Mag iingat po kayo.

Lumabas na ang matanda. Sinimulan na rin ni Vice ang Paghahanda ng Breakfast na dadalgin niya sa Kwarto nila ni Karylle. Pagpasok niya sa kwarto nila naabutan niyang nasa banyo na si Karylle kaya sinimulan na niyang ayusin sa isang lamesa ang pagkain para paglabas ng dalaga makakain na sila.

Sumisipol-sipol pa si Vice habang hinahanda ang almusal nila. Muntik na niyang maihulog ang hawak na pinggan ng makita itong nakatayo sa pinto ng banyo.

Gulong-gulo ang buhok nito na alam niyang dahil sa kanyang mga daliri. Mapungay ang mga mata ng dalaga at maga ang mga labi dahil sa kanyang halik. At higit sa lahat, suot nito ang isa sa mga t-shirt niya na nahuhulog hanggang gitna ng mga hita nito.

Mahiyain itong ngumiti sa kanya. Binaba niya sa lamesa ang pinggan bago lumapit sa dalaga. Awtomatiko itong humilig sa kanyang katawan at yumakap sa leeg niya. Huminga siya ng malalim ng maamoy ang sarili sa balat nito.

Vice: Good morning Mahal! How are you?

Karylle: Morning din Mahal. Eto medyo masakit ang katawan. Ikaw kasi eh.

(Naka pout na sabi ni Karylle)

Vice: hahaha.....Ang cute ng Mahal ko.!

Ngumiti ito at masuyo siyang hinalikan.

Vice: Ang sarap namang breakfast nun Mahal.

Tumawa lang siya at pinisil ang pang-upo ng dalaga bago ito pinakawalan.

Vice: Halika na. Kumain na tayo.

Karylle: Is that EGG?

Vice: Yes. Hungry?

Karylle: Uh-huh,

Tinalikuran niya ang dalaga para kunin ang kape at lagyan ang tasa nila. Pero nang pumihit siya para humarap kay Karylle, nalimutan niya kung ano ang gagawin niya sa kape dahil nakatingin ang dalaga sa kanya na parang dibdib pa lang niya ay busog na ito. Mabagal na nag-angat ng ulo ang dalaga hanggang sa nagtama ang kanilang mga mata. Her eyes were filled with mischief as she slowly licked her lips. Nalunok yata ni Vice ang dila niya.

Vice: Nagugutom kana ba talaga o pwedeng mamaya na tayo kumain?

Muling bumaba sa labi niya ang mga mata ni Karylle.

Karylle: Medyo.

(Anito sa tinig na nagsasaad na hindi ito nagugutom para sa hinanda niyang pagkain.)

Muling ibinalik ni Vice ang lagayan ng kape bago lumapit kay Karylle. Inaangat niya ito sa upuan hanggang sa nakaupo na ito sa lamesa, tumatawa at nakayakap sa kanya.

Karylle: Ikaw? Hindi ka ba nagugutom?

Vice: Kanina nagugutom ako, pero ngayon.,.hmmmm??

Karylle: hahaha Ikaw talaga...Binibiro lang kita. Tara na kain na tayo.

Vice: Ikaw talaga mahal mahilig ka mambitin..

Karylle: hahaha ikaw kasi eh... masyado kang Hot..

Hinalikan siya ni Karylle sa labi. Bago umayos ng upo para makakain na.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.

.

.

.

.

ITUTULOY.,.,.,

-----------------------------------------------------------------------------------

Yan na muna guys.,.,

may mabasa man lang kayo.,.,.,

Pasensiya na kung pucho pucho.,.,:))))

Di pa kasi bumabalik si Kuryente!

Lowbat na laptop.,..,

Love you guys!!!!!

The Man That I Desire (Vicerylle edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon