You're Beautiful, Indeed. More Than Beautiful, In Fact.

5K 49 11
                                    

UD na po.....

____________________________________________________________________

*Nasa kotse pa lang sina Vice at Karylle ay abot-tainga na ang ngiti ni Vice. Hanggang sa pagkain nila ay hindi parin nabubura ang ngiti nito. Hindi na napigilang magtanong ni Karylle dito.

Karylle: Why are you smiling?

Vice: Nothing.

Karylle: Ngumingiti ka mag-isa, 'tapos sasabihin mong wala? Ano ka, nababaliw?

*Dahil sa kakangiti nito ay hindi na niya napigilan ang mahawa sa masayang aura nito. Naisip niya na alangan namang ngiting-ngiti ito tapos nakasambakol ang mukha niya. Siya na ang talo magmumukha pa siyang pangit. hindi pinansin ni Vice ang pasaring ni Karylle. Nagsalin uli ito ng pineapple juice sa baso nito.

Vice: Alam mo, kahit yata magpasabog ng bomba dito sa restaurant ngayon, mamamatay akong masaya.

Karylle: Okay ka lang? Sinong matinong tao ang gustong mag-isip na mabomba ang kinauupuan niya? Ikaw lang yata. Don't you know--

Vice: I can die a happy death, now that I'm with you.

*His eyes were focused on her. Natameme siya. Pakiramdam niya ay nalulon niya ang kanyang dila. Gusto niyang isipin na pagmamamahal ang nababakas niya sa mga mata nito. Gusto uli niyang umasa pero tumututol ang isip niya.

Karylle: Mr. Viceral, just finish your food. Kung anu-ano na ang sinasabi mo. May meeting ka pa, baka ma-late ka.

Vice: Well, okay lang. Ito ang unang beses na male-late ako. At saka nasabihan ko na sila na mahuhuli ako ng kaunti sa meeting.

Karylle: kahit na. Nakakahiya na kaya ka mahuhuli ay dahil sa amin.

Vice: Tapos ka na ba?

*Tumango siya. Hindi man niya aminin, iyon ang pinakaamasayang tanghalian niya sa nakalipas na anim na taon dahil kasama niya ito. Tumalima ito. Pagkatapos ay sumenyas ito sa isang waiter para kunin ang bill.

Karylle: Teka, bakit ikaw ang magbabayad? Hindi ba dapat ay ililibre kita? Iyon ang usapan natin, ah.

*Hinawakan ni Vice ang kamay niya.

Vice: Mas nakakahiya kung ikaw ang magbabayad ng lunch natin samantalang ako ang lalaki. Hindi ako papayag.

*Nakangiting sabi nito. She couldn't help but smile, too.

Karylle: Hindi ka parin nagbabago.

*Hewas as gentlemanly as ever. Nangalumbaba ito sa harap niya. He just stared at her which made her feel uncomfortable.

Karylle: Hoy! ano ka ba? Natutulala ka na naman diyan.

Vice: I'm glad na naaalala mo pa rin kung ano ako dati, K. At least, a part of me still lingers in your memory.

Karylle's POV:

Anong part lang? Everything about you is still in my mind.

End of Karylle's POV:

*Nagpasalamat si Karylle at dumating agad ang waiter. Naisalba siya sa sitwasyong iyon.

Vice: Let's go. Ihahatid pa kita.

*Noon lang niya napansin na hawak parin pala nito ang kamay niya. It felt good having his hand hold hers.

Karylle: Anong ihahatid? Ang labo mo naman. Kaya nga tayo sa labas nag-lunch para hindi ka ma-late sa pupuntahan mo, 'tapos ihahatid mo pa ako pauwi. Don't worry about me, kaya ko nang umuwing mag-isa.

The Man That I Desire (Vicerylle edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon