UD na po ulit!!!
Ayoko sanang I-UD ito ta masakit sa heart pero sige na nga.,.,
Bahala na kayong mang murder nung mga character.,., hehehe
Miss ko na si MOMMY KURBA....... :(((
Nakaka-STRESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!
________________________________________________
Sa pagpapatuloy ng ating istorya!!! :)))
.
.
.
.
Karylle felt uncomfortable. Lumipas na ang isang araw pero di parin siya kinakausap ni Vice tungkol kay Marian. Normal na uli ito at nakikipag-usap ng nakangiti sa mga bisita. Pero hindi iyon ang gusti ni Karylle. Kahit ba pahapyaw ay hindi nito sasabihin sa kanya ang tungkol sa Marian na yun? Sino ba kasi si Marian? Ito ba ang tinutukoy ni Sam na nang iwan kay Vice?
Madilim na ang gabi pero nagsisimula pa lang ang kasiyahan sa Villa Borja. Kilala ang mga Borja sa La Union dahil na rin sa naitulong ng mga ito sa komunidad kaya naman naroon mula sa mayor hanggang sa mga studyante ng night school program na si Vice ang nagpasimula.
(Ang mga nabanggit ay pawang gawa gawa lamang at walang katutuhanan.....:))) .,.,)
Sa kabila ng napakaraming tao ay parang nag-iisa lang si Karylle. Pinili niyang umupo sa tabi ng fountain sa garden habang pinakikinggan ang pagtugtug ng pinsan ni Vice na si KC sa piano. Nilapitan siya ni Jen.
Jen: Bakit mag-isa ka lang dito? Hindi mo dapat iniiwan si Kuya Vice.
Karylle: Matao kasi sa loob. Saka masyadong busy si Vice. Hindi siguro niya mapapansin kung wala ako sa loob.
Jen: Napag-usapan na ba ninyo ang tungkol kay Marian?
Karylle: No. Wala nga akong idea kung sino siya o ano siya sa buhay ng Pinsan mo.
*Umiling siya ng marahan. Hanggang sabi-sabi lang ang nalalaman niya pero wala pang nagkukwento sa kanya ng buong istorya.*
Jen: Dapat kasi, si Kuya Vice ang magkwento nito sayo. Pero dahil girlfriend ka na niya, dapat mo sigurong malaman ang tungkol kay Marian. (Uminom ito ng red wine galing sa hawak nitong kopita.) Marian Rivera was Kuya Vice's girlfriend for four years. Nagkakilala sila nung college sila. Kung hindi dahil sa pag-alalay ni Kuya Vice sa pag-aaral niya, malamang hindi yun makakatapos ng college. Halos si Kuya na ang gumawa ng thesis niya.