UD na po ulit!!!!!
Pasensiya na po medyo busy si Author. Pasukan na kasi sa Monday. Sana po mag enjoy kayo! (~_~)
_______________________________________________________________________
*Dumating mula sa America sina Zia at Coco. Silang walo nila Anne, Vhong, Coleen, Billy at Nikki ang madamag na naghintay sa pagtawag ng kidnappers. Hindi umalis si Karylle sa tabi ng telepono.
Zia: Ate K, magpahinga ka na muna. Nagbe-bleed na ang sugat mo.
Coco: Oo nga, Ate. Kami na ang maghihintay sa tawag ng mga kidnappers.
*Puno ng pag-aalalang sabi nina Zia at Coco.
Karylle: Ayoko. Hindi rin naman ako makakatulog. Hangga't hindi ko pa nalalaman kung ano ang nangyayari kay Sophia. K-Kung sinasaktan ba nila ang bata... kung uhay pa ba ito?
*Napahikbi si Karylle.
Anne: May awa ang Diyos, Karylle. Hindi niya pababayaan si Sophia.
*Napatitig siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Palundag na dinampot ni Karylle ang telepono ng tumunog ito.
Karylle: Anong ginawa n'yo sa bata? Magkano... Magkano ang kailangan ninyo, ibibigay ko. Huwag ninyo lamang sasaktan ang anak ko! Please.... huwag ninyo siyang sasaktan.
Vice: Karylle.. si Vice ito.
*Vice! Hindi ang tumangay kay Sophia. Napahagulhol siya sa telepono. Hindi dahil nabigo siya sa inaasahang nasa kabilang linya, kundi ay dahil sa pakiramdam niya ay nakatagpo siya ng kakampi. Nang karamay.
Vice: Karylle, please.... I want to help.
*Narinig niyang sabi ni Vice. Nabitawan niya ang telepono at walang lingon-likod na umalis at iniwan ang mga kasama na nagtatakang nakatingin sa kanya. Nagkulong sa kanyang silid si Karylle. Bumasag sa katahimikan ng gabi ang lagaslas ng pagsalin ng alak sa baso. Kailangan niyang makalimutan kahit saglit ang mga pangyayari sa buhay niya.