Stuff Toy

3.3K 70 18
                                    

Nakabalik na sila Vice at Karylle mula sa mahabang bakasyon sa La Union.

May ngiti sa labi si Karylle dahil pangalan ni Vice ang nakita niyang nakarehistro sa cell phone niya.

Karylle: Hello?

Vice:  Hi, love ko. Kamusta kana?

Karylle: I'm good and I'm in love.

Napangiti siy kahit di naman nakikita ni Vice ang mukha niya.

Vice: I called your Mom and Sophia.

Karylle: Bakit?

Vice: Nagpaalam ako sa kanila na yayayain kitang lumabas ngayon. Sinabi ko sa kanila na huwag mag alala at iuuwi din kita.

Karylle: Sira ka talaga Vice!

Vice: Well? Papayag ka bang makipagdate sa gwapo mong fiance?

Karylle: Pag-iisipan ko pa.

Pang-aasar ni Karylle kay Vice.

Vice: I'm afraid you don't have much time for that.

Karylle: At bakit naman?

Biglang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwal niyon si Vice na hawak-hawak pa rin ang cell phone sa isang kamay at sa osang kamay naman ay may hawak itong malaking paper bag.

Sinalubong niya ito ng yakap.

Karylle: You're crazy Vice!

Vice: Yes, I'm so crazy about you.

Tinampal niya ito ng mahina sa balikat at saka masuyong hinalikan sa labi.

Karylle: Isang araw lang kitang hindi nakita, na-miss na agad kita.

Vice: Talaga? Ako, hindi kita na-miss.

Karylle: Hmpt...

Humaba ang nguso niya tsaka humalukipkip.

Vice: Eh, kasi andito ka naman sa puso ko eh.

Karylle laughed.

Karylle: Bolero.

Vice: Here.

Iniabot nito ang dalang paper bag.

Karylle: O, ano na naman ' to?

Vice: Well I'm not sure kung ganyang stuff toy ang gusto mo.

Nagkamot ito ulo ng silipin ni Karylle ang cute na teddy bear sa loob ng paper bag.

Vice: Nalito ako no'ng asa loob na ako ng toy shop. Baka hindi mo magustuhan ang pipiliin ko kaya...

Lumingon si Vice sa labas ni pintuan. May walong unipormadong lalaki roon na naghihintay na maraming dalang paper bag at boxes.

Karylle: Ano yan??

Vice: Binili ko na lang lahat ng design ng stuff toy doon sa shop para sigiradong may magugustuhan ka.

Karylle: Ano?

Namilog ang mata ni Karylle sabay ang pagtawa.

Karylle: At anung gagawin ko sa lahat ng yan? Magtatayo ako ng sariling toy shop?

Nagkibit balikat si Vice.

Vice: Pwede rin.

Karylle: You're one weird guy, Vice.

Vice: See? Ganyan magmahal ang isang Viceral. Imposibleng mangyari, pero once na na-in love, everyday is heaven.

Karylle: hmm...May ideya na ako kung anong gagawin natin sa iba riyan.

Excited na hinila niya si Vice palabas ng opisina niya.

Karylle: Looks like mabibisita natin ang mga bata sa child house.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.itutuloy...........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man That I Desire (Vicerylle edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon