UD na po ulit.........
Hay! kapagod pala magtype ng rush...
Enjoy po!
______________________________________________________________________
Karylle: We're going back to LA.
*Nanatiling nakatayo si Anne sa my pinto-- tahimik na nakamasid kay Karylle habang naglalagay ng mga gamit sa maleta.
Karylle: Bago ao umalis sa States ay naiayos ko na ang school na lilipatan ni Sophia, okey na rin ang mga papeles.
*Natigilan sa pagsasalita si Karylle mula sa salamin si Anne.
Karylle: Anne.......
*Walang ekspresyon ang mukha nito na nakatitig sa kanya.
Karylle: Huwag kang mag-alala, Anne. Sanay naman si Sophia sa ibang bansa, doon naman siya lumaki. At kung ang kompanya ang iniisip niyo ay payag na akong si Kuya ang mamamahala. Ikaw naman ang namamahala sa mga restauran, diba?
Anne: Hindi ka ba napapagod, Karylle?
*Natigilan si Karylle. Tumingi sa direksyon ni Anne.
Anne: Palagi ka na alang umiiwas, lumalayo, tumatakas sa tuwing may nangyayaring hindi mo gusto. At hindi naaayon sa kagustuhan mo.
*Pormal ang mukha ni Anne. Ipinasok niya ang huling gamit na nasa kanyang kamay sa bagahe.
Karylle: Ano ba ang gusto mong tukuyin?
Anne: Ang Papa mo. Si Billy. Si Sophia. Si Vice. Sila ang mga taong pinipilit mong tinatakasan ngunit kailan man ay hindi ka magtatagumpay na gawin iyon dahil nasa puso mo sila, parte sila ng buhay mo. Makakalimutan mo....subalit sa bawat pagpikit ng mata ay makikita mo sila. Sa bawat paglingon mo... ay matatanaw mo sila.
Karylle: I don't get your point, Anne.
*Dumantay sa braso niya ang palad ni Anne.
Anne: Karylle..... Makinig ka sa akin, Karylle. Kahit kailang ay hindi mo maitatago ang katotohanan, laalbas at lalabas ito sa ayaw at sa gusto mo. Ngayon, mamili ka. Ang mamuhay sa malayobaon ang isang lihim o mamumuhay ng malapit sa iyong mahal sa buhay at harapin ang katotohanan.
*Biglang tumayo si Karylle. Tinungo ang bintana, tumanaw sa malayo.
Karylle: Ayokong dumating ang panahon na sumbatan ako ni Sophia dahil sa mga pagkakamaling nagawa ko. Ayokong tuksuhin siya ng mga kapwa niya bata nang dahil sa akin. Ayokong maikabit sa pagkatao niya ang kahinaan at kahihiyang ginawa ko, ayokong dalhin niya ang masamang pangalan ko!
*Nagtagis ang mga ngipin ng dalaga.
Karylle: Dahil mahal na mahal ko siya. Mahal ko ang anak ko kaya magtitiis akong nasa malayo. Kaya ko natiis magsinungaling kay Papa at kay Kuya dahil kay Sophia--tiniis kong huwag sabihin sa kanila ang totoo. Naglubid ako ng kwento, niloko ko sila Anne...!
*Naglandas ang luha sa pisngi ni Karylle.
Karylle: Pinaniwala ko sila sa kasinungalingan ko, and I felt so guilty about it... kaya, paano ako magsasabi ngayon ng katotohanan gaayong wla na ang isa sa mga taong dapat makaalam ng pagkatao ni Sophia.
Billy: Karylle....
*Nagulat ang dalawa sa biglang pagsulpot ni Billy sa kanilang usapan. Kitang-kita ang pamumutla ng mukha ni Karylle. Gaano na katagal ang Kuya niya roon? Narinig ba ng Kuya niya ang mga napag-usapan nila ni Anne?
Billy: Lahat ng bagay may hangganan... at ngayon na ang araw n iyon. Ang pagkakamali ay hindi maitutuwid ng isa pang pagkakamali. Look at me, kaykay. Sa tingin mo ba hindi ka susumbatan ng bata kapag hindi mo sinabi sa kanya ang totoo? Paano kung dumating ang panahong magtanong siya? Anong isasagot mo? Mas masaakit kung ipagkakait din sa iyo ni Sophia ang pang-unawang hihingin mo.