This is it Pansit.,., UD na po.,., :)))
So Chinachallenge mo ako ha.,., ahahaha
This chappy is for you.,., :))) ahahaha
_________________________________________________________________
Madaling araw ng sumabay si Karylle sa pagbalik ni Drew at ang asawa nitong si Iya at ang anak nilang si Sam sa Maynila. Hindi na siya nag abalang magpaalam pa kay Vice dahil tulog pa ito. Iyon mismo ang sinamantala ni Karylle dahil ayaw niyang makasabay ito pabalik ng Maynila.
Sam: Tita Karylle, sabi mo di mo iiwan si Tito Vice. Ang bad mo. Kagaya ka rin nung witch na yun na iniwan si Tito Vice. Pinaiyak mo rin siya kagaya nung ginawa nung witch na yun. Di na kita bati. Sinaktan mo Tito vice ko. Sabi mo mahal mo siya. Ganyan ba ang nagmamahal nang iiwan?
*Sabi nito at tinalikuran si Karylle. Silang dalawa ang magkatabi sa likod ng kotse. Nagtinginan naman ang mag asawa. Napatingin naman si Karylle kay Iya at humingi ng saklolo. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin sa bata.*
Iya: Sam, anak. May mga bagay lang na hindi pinagkasunduan ang Tita Karylle mo at Tito Vice mo. Hindi porke't sa atin sumabay si Tita Karylle ay iiwan niya na si Tito Vice.
Sam: Eh ano ang tawag niyo don? Nakita ko sila kagabi. Niaaway niya si Tito Vice ko. Tapos iniwan niya ito. Kita ko ngang nakaluhod pa si Tito Vice at tinatawag yung name niya. Di man lang siya lumingon. Sabi ko na nga ba pareho kayo nung witch na yun. Sabi na kasing wag mag gigirlfriend si Tito Vice ta sakit lang kayo sa ulo. Sana di nasaktan ngayon si Tito Vice. Di sana masaya pa siya.
*Tinignan ni Sam ng matalim si Karylle*
Karylle: Sam, may mga bagay lang kasi na ang hirap ipaliwanag sa isang batang kagaya mo. Hindi ko alam kung maiintindihan mo. Pag laki mo maiintindihan mo rin ang mga bagay bagay sa paligid mo. Wag mong madaliing intindihin ang mga bagay-bagay, basta sa ngayon enjoyin mo ang pagiging bata mo.
Sam: Hindi na ako bata. I'm a lady. I understand everything. You left my Tito Vice. You make him cry. I hate you. Magsama kayo ng witch na yun. Pareho naman kayong sinasaktan ang Tito Vice ko. Nangako ka pang di mo siya iiwan pero hindi mo naman tinupad. I hate you. Di kita bati kahit kailan. Kawawa naman Tito ko lagi niyo na lang siya niiiwan.
*Umiyak na si Sam.*
Sam: Lagi naman ako nagdadasal kay Papa Jesus na sana dumating na yung girl na magpapasaya sa kanya. Akala ko ikaw na yun pero iniwan mo din pala siya. Gusto kita para sa kanya. Sana po balikan mo na si Tito ko. Please! Balikan mo na po siya. Please naman po.!
*Naaawa na si Karylle kay Sam.,., Nakikita niya kasi kung gaano kamahal ng bata si Vice. Napaluha na din siya. kung sana ganun lang kadali ang mga bagay bagay. Kung sana hindi pa siya sinaktan ni Vice.*