UD na poh ulit.,.,
(~_~)7
Ang pagpapatuloy.........................
___________________________________________________________________________
*Hindi sukat-akalain ni Karylle na aabot siya ng isang linggo sa La Union. Ang plano niyang pagbalik sa Maynila ay hindi natuloy dahil sa pamba-blackmail nina Anne, Coco at Zia, isama pa si Sophia na sobrang attached kay Vice. Itinuloy niya ang pagsususklay nang buhok habang tinatapos naman ni Anne ang pagme-make up nito. Dadalo kasi sila sa isang kasiyahan sa bayan. Bumaling si Anne sa kanya at buong paghangang pinagmasdan ang suot niya. Kapagkuwan ay ngumiti ito.
Anne: I'm glad you stayed.
Karylle: Yeah, pasalamat kayo.Ang gagaling niyo mam-blackmail.
*Natawa niyang sabi. Pilyang ngumiti naman si Anne.
Anne: Iyon lang ba talaga ang dahilan?
Karylle: Ano na naman ang iniisip mo, ha?
*Kahit hindi nito sabihin, alam niya na si Vice ang iniisip nitong dahilan kung bakit hindi siya umalis.
Anne: Come on, Karylle. Look at yourself. Ibang-iba ang aura mo ngayon, naggo-glow ka. Nagkaroon uli ng ningning ang mga mata mo gaya noong bago ka umalis patungong America.
*Pinagmasdan niya ang sarili sa harap ng salamin. Wala siyang nakitang kakaiba sa sarili niya bukod sa bahagyang naging tan ang kulay niya kaya hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito na nag-iba ang aura niya.
Karylle: Wala namang nagbago, ah.
Anne: Madalas ka nang ngumiti ngayon. At huwag mong itatanggi iyon dahil ilang beses na kitang nahuli na ngumingiting mag-isa, lalo na kapag dumadaan ang kartero sa harap ng bahay.
*Panunudyo nito. Napahiya siya. Pero kailangan niyang panindigan na wala talagang nag-iba sa kanya. Lumapit si Anne kay Karylle at tinitigan siya.
Karylle: Masama na bang maging masaya ngayon? Ayaw mo bang maging masaya ako?
Anne: I want you to be happy now, more than ever. Alam ko na sa kabila ng lahat ng tagumpay na narating mo, isa na lang ang kulang---ang taong mahal mo; ang taong naging laman ng puso mo mula noon hanggang ngayon.
Karylle: Bakit parang hindi ka man lang nagalit sa kanya? Hindi ba dapat kampihan mo ako dahil sinaktan niya ako? Alam mo kung gaano ako nasaktan.
Anne: Alam ko. May parte sa puso ko ang nagalit sa kanya. Dahil sa kanya naging ilag ka sa mga tao. Pero ano'ng magagawa ng galit ko kung sa kabila ng lahat ay nakikita kong mahl nito ang isa't isa? K, huwag mung hayaang lumipas uli ang ilang taon bago mo ma-realize na mali na pahirapan ninyo ang mga sarili ninyo. Alalahanin mong may batang involve dito. Kailangan ni Sophia ng ama, at si Vice ang amang iyon. Ipagkakait mo ba ang kaligayahan ng bata? Anak ka rin naman Karylle, alam mo kung gaano kasakit lumaking di kumpleto ang pamilya.
*Unti-unting nagsi-sink in sa isip niya ang mga sinabi nito. Nang mga nagdaang araw ay nakita niya kung paano bumawi si Vice sa kanya. Nadama niya ang sinseridad nito. Mula noong dumating sila roon, walang palya ang pag-aasikaso nito sa kanya.
*Bukod pa sa ginagawa nitong panunuyo sa kanya, nagsimula uli itong magpadala sa kartero ng sulat para sa kanya. Kalakip ng mga sulat na iyon ang pagpapahayag nito ng pagmamahal sa kanya. Tulad ng yelo naibinilad sa ilalim ng araw, unti-unting natutunaw ang harang na ipinalibot niya sa puso niya. Napayuko siya.
Karylle: Don't you think he's worth the risk?
Anne: Yes, he is. Hayaan mo siyang magpaliwanag.
Karylle: Paano kung---