Ito na.,.,.,.,.,.,UD na po.,., :)))
Pacnxa na doon sa mga nag alala tungkol doon sa THE END thing!!
Joke lang po yun.,., Biruan lang namin yun nina @jeyrain at @imlouissej023
SORRY po talaga.,., hehehe Diko na po uulitin!! :))
Sana po mapatawad niyo ako!! :)) (~_~)
________________________________________________
*May sasabihin pa sana si Iya pero hindi na natapos dahil ibinaba na niya ang telepono at pumasok sa kwarto. Ang akala niya ay matatag siya pero pagpasok niya sa kwarto ay nanginig ang tuhod niya. Ang akala niya ay kanya na si Vice. Now another woman was taking him back.. Bakit malupit ang mga lalaki sa kanya? Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang magmahal.*
*Naiwan namang sinusundan ng tingin ni Anne si Karylle. Naawa na siya sa kaibigan. Kung may magagawa lang sanasiya para matulungan ito kaso hindi niya alam kung saan sisimulan. Napapitlag si Anne ng may mag doorbell sa pintuan niya. Nagtataka kung sino ang bisitang dumating eh wala naman siyang inaasahan.*
*Tumayo na siya at tinungo ang pintuan. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang isang Vice na mukhang ilang araw ng walang tulog, pagod na pagod at parang pasan ang daigdig sa dami ng pinoproblema.*
Vice: Anne please! Tinakasan ko lang si Marian para mapuntahan ko si Karylle dito. Alam kung nandiyan si K at itinatago mo-----
Anne: Hindi ko siya tinatago.
Vice: Okay! Hindi mo siya tinatago. Anne, nagmamakaawa ako sayo. Isang linggo ko na siyang hinahanap. Ni hindi ko na magawa ng maayos ang mga trabaho ko dahil nag aalala ako sa kanya. Gusto kong makita si K, kung kinakailangang lumuhod ako sa harap mo makita ko lang siya gagawin ko. Mahal na mahal ko siya. Diko kakayanin kung mawala siya sa akin, namimiss ko na siya. Kaya parang awa mo na gusto ko siyang makita.
Anne: Hindi ko alam kung tama ang itong gagawin ko. Alam kung baka magalit sa akin si Karylle pero pareho na kayong nahihirapan. Pangako mo sa aking di mo na siya ulit sasaktan ha! Pag sinaktan mo siya ulit sinasabi ko sayo ako mismo ang mananapak sayo.
Vice: Ipinapangako kung di na ulit luluha ang kaibigan mo. Mas gugustuhin ko pang saktan ang sarili ko kesa saktan ulit si K.
Anne: Sige pasok ka. Andon siya sa kwarto. Mag iingat ka baka mapatay ka niya. Good luck!
Vice: Salamat! Babawi ako sayo pag natapos na to.
*Tinungo na ni Vice ang pinto ng kwarto ni K.*