UD na po..
SHORT UD lang! :))
________________________________________________________________
*Mahigit isang buwan na ang nakakalipas mula nung makabalik sa Maynila sila Karylle. Isang buwan na rin na hindi sila nagkikita ni Vice. Nagresign na siya bilang writer at mas ginusto na lang na pamahalaan ang isa sa mga restaurant ng ama kung saan kasama niya si Anne sa pamamahala. Nagresign na rin ito sa pagsusulat ng ayain niya itong samahan siya sa pamamahala ng bagong restaurant niya.
*Wala siyang sinabi na kahit ano sa magulang at kapatid tungkol sa nangyari sa kanila ni Vice sa Palawan. Ayaw niyang magkwento, at hindi rin naman nagtanong ang mga ito. Sinarili niya ang sama ng loob. Sa sobrang sama ng loob niya ay ginawa biya ang makipag-date. Gusto niyang pawiin ang sakit ng kalooban.
*Christian was the one available kaya ito ang una niyang niyaya at kaagad itong nagpaunlak. Alam niyang nagtataka ang mga kaibigan at Kuya niya sa biglang pagbabago niya. Sa biglaang pagreresign niya, dahil alam ng mga ito kung gaano niya gustong magsulat. Pero walang sinasabi kung anuman ang mga ito. At ayaw niyang magpaliwanag.
* Hanggang sa magsawa siya sa pakikipag-date kung kanikanino ay itinigil na ni Karylle iyon. Walang magandang maidudulot sa kanya iyon. Dahil imbis na maibsan ang sama ng loob niya kay Vice ay mas tumutindi iyon,dahil lagi na'y ikinukumpara niya rito ang nakakasamang lalaki.
*Naging masigasig si Christian sa panliligaw sa kanya, pero sa bandang huli ay tinapat na ito ng dalaga. Hindi pa siya handang magmahal muli ng iba. Tinanggap ni Christian ang pagtanggi niya sa damdamin nito. Pareho nilang ipinasyang maging magkaibigan na lang. Ayon sa binata ay naiintindihan nito ang kanyang nararamdaman. Sapagkat tulad daw nito ay nahihirapan na alisin siya sa puso nito.
Modesto: Okay lang ba ang bunso ko?
*Narinig niyang tanong ni Modesto. Nagulat pa siya dahil hindi niya namalayang pumasok na pala ito ng kwarto niya. Nakahiga siya sa kama at walang ideya kung ilang oras na siyang nakatanga sa kisame. Si Vice ang laman ng isip.
Karylle: Yes Pa. Wala namang dahilan para hindi ako maging okay, di ba?
Modesto: Yeah, but you don't look okay. Simula nang dumating ka galing Palawan ay ganyan ka na. Alam ko may dinaramdam ka. Kahit na ilang lalaki pa ang i-date mo ay hindi mo maitatago sa 'min ng Kuya mo ang nararamdaman mo.
Karylle: I don't want to talk about it, Papa.
Modesto: Okay, then we will not talk about it. Tumawag sa akin ang Mama mo kanina. Ilang beses kana daw niyang kinakausap tungkol sa pagbabakasyon sa America na hinihiling niya pero ayaw mo daw.
*Totoo iyon. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ilang beses lang na tumawag ang Mama niya hinggil sa bagay na iyon, pero nagpatanggi-tanggi siya.
Karylle: I don't like to go there, Papa. Okay naman ako dito ah. In fact masaya ako at naeenjoy ko ang pagpapatakbo nung restaurant kasama si Anne.
Modesto: Pero namimiss ka na ng Mama mo. Ayaw mo bang makilala at maka bonding ang mga kapatid mo? Mapapalapit ka kina Zia at Nicole. Di ba iyon naman ang matagal mo ng gusto ang makilala sila at makasama.
Karylle: Papa, I really don't want to go.
Modesto: But you have to go, Baby. Ang sabi sa 'kin ng Mama mo ay gagawa siya ng paraan para mapapayag ka niyang sumama sa kanya sa America kahit bakasyon lang and I can't blame your Mom. Namimiss ka na rin niya anak. Kailan ba nung huli kayong nagkita at nagkasama? nung 6 years old ka pa lang. Your 25 na anak. Nagmamakaawa ako, pagbigyan mo naman ang hiling ng Mama mo, just this one, Baby. Please!
*Sa sinabi ng ama ay walang nagawa ang dalaga kundi sundin ang gusto ni Mr. Tatlonghari. Siguro nga kailangan niya munang lumayo para makalimot. Pagkakataon na rin iyon upang mapalapit siya sa pangalawang pamilya ng ina. Humingi siya ng dalawang linggo pa para maayos ang lahat ng dapat ayusin bago umalis patungong America.
*Nasa kitchen sila ng restaurant nang mga oras na iyon at tsine-chect ang ginagawa ng bagong kusinero.
Anne: Uy girl, naririnig mo ba ako?
Karylle: Oo, naririnig kita. So, nagkabalikan na si Kaye at Jhong?
Anne: Oo, girl. Ikaw naman kasi eh di ka na sumasama sa amin gumimik nila Vhong. Ang alam ko ikakasal na sila next month kasi malaki na rin yung tiyan ni Kaye. Ayaw naman daw ni Jhong na lumabas yung anak nila na hindi pa sila kasal.
*Hindi siya nagbigay ng reaction dahil tila biglang nablangko ang isip niya. Wala sa loob na napatitig siya sa kawali. Nang igisa ng kusinero ang bawang at maamoy niya iyon ay bigla na lamang sumama ang panlasa niya. Kasunod niyon ay nangasim ang sikmura niya na para siyang maduduwal. Natutop niya ang kanyang bibig nang maramdamang tila ibig bumalik ang kanyang kinain.
Anne: K, ano'ng nangyayari sa iyo? Namumutla ka, ah.
Karylle: N-nasusuka ako.
*Sabi niya bago mabilis na lumabas ng kitchen. Dumiretso siya sa banyo kung saan tuluyan siyang nagsuka. agad naman nakasunod si Anne sa kanya. Hinagod nito ang kanyang likod hanggang sa guminhawa ang pakiramdam niya.
Anne: Ano ba'ng kinain mo kanina sa almusal at nagsuka ka?
Karylle: Wala naman akong kinain kundi itlog at tocino.
Anne: Iyon din ang kinain ko pero bakit okay naman ang pakiramdam ko?
Karylle: Hindi ko alam?
*Dinukot niya sa bulsa ang panyo at pinunasan ang pawis sa mukha niya. Noong isang araw pa siya kinakabahan dahil hindi pa dumarating ang buwanang dalaw niya. At ngayon nga ay nangasim ang sikmura niya pagkaamoy pa lang niya sa bawang. Kinutuban siyang baka senyales na iyon ng pagdadalantao.
Anne: Gusto mong umuwi na lang muna?
Karylle: M-mabuti pa nga.
* Sang-ayon niya sa suhestiyon nito. Kailangan niyang makapag-isip kung ano ang gagawin niya sakaling tumama ang kutob niya. Bago umuwi ay pinadaan muna niya sa driver ang sasakyan sa isang drugstore. Tiniyak muna niyang walang makakakilala sa kanya roon bago sinabi sa babaeng nasa likod ng counter kung ano ang kanyang kailangan.
* Nang lumabas siya ng botika ay dala na niya ang test pack na kukumpirma sa hinala niyang nagdadalantao siya. Si Manang Rose lang ang tao sa bahay ng dumating siya. Kaaalis lang daw ng Papa niya kasama ang Kuya Billy niya. Nagpahinga muna siya ng ilang minuto bago pumasok sa banyo dala ang pregnancy test kit. Sinunod niya ang instruction na nakasulat doon at naghintay.
*Para siyang maiihi na hindi naman habang pabalik-balik sa loob ng banyo. Pinanlalamigan siya habang hinihintay ang resulta. Pinangarap na rin niyang sana ay siya ang maging ina ng magiging mga anak ni Vice, pero hindi sa paraang ganito. Gusto niyang kung magbubuntis siya ay iyong sila pa ni Vice.
Karylle: God, ano'ng nagawa ko? Paano kung positive? Ano 'ng gagawin ko?
*Huminga muna siya ng malalim bago tinignan kung ano ang resulta. At nang tunghayan naniya ang test pack ay dalawa ang guhit na nakita niya, katulad sa isang plus sign.
Karylle: I-I'm pregnant....
*Napaluha siya sa magkahalong takot at kaligayahan. Buntis siya ngunit ang batang dadalhin niya sa kanyang sinapupunan ay walang kikilalaning ama. Kailangan niyan maka-usap si Vice. Kailangan nitong malaman na nagdadalantao siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY...............................................