UD na po......
(-_-) nung una yung anak ang hinanap niyo sa akin tapos ngayon pinapabalik niyo yung dating Karylle, eh diko naman po siya ninakaw paano ko ibabalik?? (>_<)
Maghysterical muna kayo!! Hahaha LOL.......
____________________________________________________________________
Anne: Karylle?
*Mahinang kinatok ni Anne ang pinto ng silid nito. Mula nang pinagsabihan ito ng ina kahapon ay hindi pa sila nag-usap. Alam niyang masakit ang salitang binitiwan ng ina sa kaibigan, pero kailangan nitong sabihin iyon upang matauhan ang dalaga.
Anne: Karylle.
*Nagulat si Anne si Anne nang kusang bumukas ang pinto, hindi ugali ni Karylle ang iwanang hindi makakandado ang silid. Nadagdagan ang pagkagulat niya nang makitang ayos at malinis ang kwarto. Wlang Karylle na maghapong nagmukmok sa kwarto. Lumabas ang isang Maid mula sa banyo.
Maid: Ma'am Anne, kayo ho pala? May ipag-uutos ho kayo?
Anne: Wala. Si Ma'am Karylle mo?
Maid: Maaga pong umalis, may bilin nga hong paghinanap n'yo raw siya ay sabihin kong magkita na lang kayo sa opisina.
Anne: Bakit daw?
Maid: Hindi ko po alam, Ma'am. Basta, sinabihan niya akong linisin ko raw ng maigi itong silid niya.
Anne: Ganoon ba? Sige na gawin mo na iniutos sa iyo.
*Tinungo niya ang pinto na hindi parin nawawala ang pagtataka sa ginawang paglabas ng bahay ng dalaga.
*Marami ng bukas na shopping mall na pinasukan niya. Tama ang sabi ng Mama niya. Nag-ikot sa kabuuan ng establisemento si Karylle, namili ng damit at mga business magazine. Kailangan niyang paghandaan ang buhay na nakalaan sa kanya. Nakaagaw pansin sa kanya ang pabalat ng isang magazine. Dali niyang hinanap ang cover story para makasiguro.
Karylle: Christian Bautista... He's story of success.
*Napangiti siya, masarap pala sa pakiramdam na kakilala mo ang taong kinikilala ng lahat. Hinahangaan. Sa kaibuturan ng kanyang pagkatao ay may nakapa siyang pagkaawa sa sarili. Mabuti pa ang mga ito at maligaya na sa napili nilang landas na tinahak, samantalang siya, magpahanggang ngayon ay nangangapa pa rin sa dilim.
*Kinuha niya ang magazine at binayaran sa counter. Buo na ang kanyang desisyon, gagawin niyang inspirasyon ang tagumpay ni Christian. Pumasok siya sa kotse at sinabi sa driver kung saan sila pupunta.
Karylle: Sa opisina tayo.
?????: Good Morning, Ma'am.
*Masayang bati ng halos lahat na madaanan niya. Tango lamang ang tugon ni Karylle. Masyadong nakakapanibago, sa America ay siya ang nagbibigay galang. At nakakatawa ring hindi niya kabisado ang opisinang iniwanan sa kanya ng ama. Office of the President. tiningala niya ang sign board ng nakasaradong pinto. Napatayo ang secretarya ni Billy na si Sandy nang puamsok siya sa pribadong silid.
Sandy: Good morning, Ma'am Karylle. Nasa loob hos i Sir Billy at Ma'am Anne.
*Iginiya siya ng Babae sa loob. Double meaning ang ngiting ibinigay sa kanya ni Anne.
Billy: what do you think you're doing here, my dear?
Karylle: This is supposedly my office. And that chair you are sitting in, Kuya Billy.
*Nasa bakas ng mukha niya ang pagbibiro. Tumayo ito.
Billy: Now, that you're here. This chair is yours. Welcome to your office, Karylle!