Ang Pagtuklas sa Katotohanan!

5K 35 10
                                    

UD na po ulit!

Short UD lang. Pagpasensiyahan na. Babawi ako bukas! :))

_______________________________________________________________________

*Pagkatapos ng meeting ni Vice sa umaga ay nagpaalam na siya sa kanyang secretarya at nagtungo sa opisina kung saan nag-aaral si Sophia. Dumeretso siya sa opisina ng kanyang Tita at sinabing may kailangan lang siyang malaman tungkol kay Sophia. Hinayaan naman siya ng tiyahin.

*Pinakiusapan niya ang Tiyahin na kung maaari sana ay walang makakaalam sa bagay na nagpapa-busy sa kanya at sa dahilan ng pagpunta niya doon. Tumango naman ito. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

Vice: Two thousand seven.....

*Mabilis ang pagturo ng hintuturo niya sa listahan ng mga batang ipinanganak sa taong iyon. Nang makita ay agarang binuklat at pinasadahan ng tingin.

Vice: Wala talaga.

*Muling binasa ang kalakip na baptismal certificate nang information sheet ni Sophia. Natuklasan niyang binago ang lugar ng kapanganakan ng bata dahil sa hospital ng states na kinatitirhan ni Karylle ang nakarehistro sa papeles. Nakadama ng kawalan ng pag-asa si Vice--maaring lahat ng may kaugnayan rito ay binago ng pera ng mga Tatlonghari.

* Parang may liwanag ng pag-asang nakita si Vice nang hindi sinasadyang mahagip ng tingin ang shelf na may nakasulat na "International List of Caring Home For Less Fortunate Children." Agarang binuklat ito ng binata. Hinanap ang mga bahay-ampunan sa LA.

Vice: Hello Home of St. Bernadette....

????: Yes, what can I do for you?

Vice: This is Jose Marie Viceral calling from the Philippines. I would like to know if there was a filipino couple who legally adopted a baby girl last February 2013. The couple's name, Mr. and Mrs. Modesto Tatlonghari.

????: Okay, Mr. Viceral, just a minute. We'll check it on the computer.

*Mga ilang sandali ring naghintay si Vice. Naririnig niya sa background ang tunog ng computer.

????: Sir, we could not find it on our list.

Vice: okay, thank you.

*Nadidismaya niyang pasalamat sa magandang pakikitungo ng empleyada sa request niya. Naidial na niya ang lahat ng bahay-ampunan sa LA ay pulos hindi matagpuan ang pangalan ni Modesto Tatlonghari. May bumangong kasiyahan sa dibdib niya sa nalaman. Parang bumuhos ang katanungan sa isip ni Vice.

*Kung walang Mr. and Mrs. Modesto Tatlonghari na umampon ng bata. Saan nanggaling si Sophia? Hindi namn pwedeng umampon si Karylle. Bawal umampon kung ikaw ay single by status. Bakit nasa poder ni Karylle ang bata gayong si Modesto ang umampon nito?

*2007. Anim na taon mula ngayon. taon kung kailan nagkahiwalay ang landas nilang dalawa ni Karylle sa Palawan. February. Siyam na buwan, mula nang maganap ang huling gabi nila. At bakit, lumipad pa America ang dalaga dalawang buwan matapos ang mga pangyayari? Nasaktan? Galit sa kanya? O, nagbunga ang huling gabi nila? Para siyang masisiraan ng ulo sa kaiisip.

*Nagagalit siya sa sarili na hindi niya hinanap ang dalaga at hindi niya nagawang sabihin dito na handa siyang panagutan ang lahat. Hindi dahil sa nakukunsensiya siya sa hindi paghanap kay Karylle at hindi sinasadyang pagsira ng magandang kinabukasan ng bata, kundi....dahil iniibig niya si Karylle. Iniibig niya ang lahat ng bagay na may kaugnayan dito. Malungkot na napaupo si Vice. Nailagay sa sentido ang mga daliri.

.

.

.

.

.

.

..

Itutuloy........

______________________________________________________________________

Uy ha. Wag kayo mainis binibiro ko lang kayo. Ayaw niyo kasing maniwala na hindi talaga ako galit. Hahaha PEACE! (~_~)V.,.,.,,babatiin ko na din sarili ko para sayo... BELATED HAPPY BIRTHDAY TO ME! Oh happy? PEACE na tayo ha! :))

The Man That I Desire (Vicerylle edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon