Eto na po UD na! sA wakas!
Pasensiya na kung medyo natagalan..nabura kasi yung mga nauna nang na i-type so kailangan ulit i-type,pagpasensiyahan niyo na muna ang kasing bagal ng pagong kung pag UD. Sana po maintindihan niyo. May nagbabasa pa ba nito??
ENJOY READING!!!
___________________________________________________
*Last night na nila sa Palawan kaya nilubos lubos na nila ang pamamasyal sa araw na iyon. Nagtatalo parin ang puso at isip ni Karylle kung tama bang sumama siya sa dinner date na iyon kasma si Vice. She was not in the mood to go out. Sariwa pa ang sugat na nilikha nito sa kanya nang nagdaang araw.
*At hindi niya mailabasa ang totoong nararamdaman, parang paulit ulit na sinasaksak ang puso niya. Hindi niya magawang ngumiti kahit pakunwari sa mga kaibigan nila. Tahimik lang siya at tumatango pag kinakausap nila Anne.
Flash back:
*Pagkagaling nila sa Videoke bar ay may tumawag kay Vice, Isa daw sa mga investor sa kompanya. Pagkatapos ng tawag ay nagpaalam si Vice na may dadaluhan itong tatlong araw na live-in seminar sa CEBU at kaakusapin na rin ang Investor na tumawag dito. Dahil mahalaga ito para sa kompanya ay pumayag si Karylle. Kinaumagahan nga ay umalis na si Vice
*Dahil walang magwa si Karylle naisipan niyang kamustahin si Vice kaya ipinasya niyang tawagan ang cellphone nito. But Vice' phone was probably off dahil iisa ang sinasabi ng boses sa automated telephone system--subscriber is out of reach, try your call later...
*Ipinasya niyang tawagan nalang ang hotel na sinabi nito kung saan ito nakacheck in. Matapos niyang ibigay ang pangalan ni Vice at iba pang detalye kung bakit ito naroon sa hotel ay ibinigay ng reception ang room number sa kanya.
Receptionist: He's in room 305, Ma'am. I'll connect you now.
*Nagpasalamat siya at naghintay. Matapos ang apat na ring ay may nag angat ng telepono sa kabilang linya. Ang antimanong balak niyang pagbigkas sa pangalan nito'y napigil sa lalamunan niya nang marinig ang tinig na sumagot. It's a woman.
????: Hello.....Hello....
Vice: Who's that, Marian?
*Iyon ang narinig ni Karylle na tinig sa background. Tinig ni Vice. Hindi siya maaaring magkamali.
Marian: Wala, darling.
*Malambing na sagot ni Marian at saka ibinaba ang telepono. Nanatiling nakatitig sa telepono si Karylle gayong ilang sandali nang naibaba iyon ng kabilang linya.
Marian.Marian.
*Iyon ang pangalang narinig niyang inusal ni Vice. A spasm of pain crossed her chest. Kasama ni Vice sa Cebu ang ex-girlfriend nito. Hindi niya pinagdududahan ang seminar nito dahil alam niya ang detalye, subalit ang makasama nito sa loob mismo ng hotel room ang babaeng iyon ay hindi niya kayang ilagay sa isip niya.