UD na po.....
Sorry if late na po yung UD.. Sana magustuhan niyo. (~_~)
______________________________________________________________________
Vice: Halika.
*Nakangiting yaya ni Vice sa batang babae na nasa pampang ng ilog. Nakasakay siya sa bangka, malinaw at malamig ang tubig kung kaya't na-engganyo siyang maglayag. Ngumiti ang bata sa kanya. Ang ganda-ganda nito sa suot na puting damit, na nililipad ng hangin ang laylayan. Hinahayaan din lang ng bata na sumabog ang mga hibla ng buhok sa maamo nitong mukha. Inabot niya ang kamay nito.
Vice: Halika na. Mamamasyal tayo.
*Marahan itong umiling.
Vice: Ayaw mo? Bakit?
*Marahan lang itong umiling. At saka tumalikod. Tinawag niya ang bata.
Vice: Teka, sandali....
*Ngunit patuloy ito sa paglayo. Unti-unting lumalabo sa kanyang paningin. Bago tuluyang nawala ay patagilid na nilingonsiya nito, kumaway. Gusto niyang habulin ang bata ngunit dinala ng malakas na alon palayo sa pampang ang kinalululanang bangka.
Vice: Sophiaaaaaaa......!!!!
*Sigaw niya. Hindi si Sophia ang mukha ng bata ngunit iyon ang naisigaw ni Vice.
Vice: Sophia!
*Nagising si Vice nang sariling sigaw. Humahangos na napabalikwas siya sa kanyang kinauupuan. Nakatulog siya habang nakaupo sa loob ng opisina. Madilim na pala sa labas.