UD na poh!
Pasensiya na di po ako naka UD nung mga nakalipas na araw.. Busy po kasi sa pagbili ng school supplies. Malapit na din kasi pasukan. Hehehe
Nauumay na ba kayo sa kasungitan ni Karylle? Oh di hindi ko muna siya ipapakita sa inyo. Hahaha. ENJOY READING!
________________________________________________________________________
*Tahimik na nililibot ni Iya ang classroom. Tumigil siya every now and then para tingnang mabuti ang gawain ng mga batang nangangailangan ng tulong. The kids were now on thier third pace work. Naghahanda na ang mga itong magsulat ng lines at curves.
Sophia: Teacher! Pinutol ni Gio ang pink crayon ko!
Iya: Gio.
*Mahinahon niyang tawag sa pangalan ng 'Dennis the Menace' ng klase niya. Anak ito ni Jhong ang half brother ni Vice na pinsan ng asawa niyang si Drew.
Iya: Didn't I tell you not to disturb your seatmates?
*Her calm but firm manner never failed to shush her naughtiest pupil, nicknamed 'Twister' by the other kids.
Gio: Yes, Teacher.
*Mabait na tugon ng bata. Pagkatapos ay parang anghel na ibinalik nito ang atensyon sa sariling pacework. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalahaw na ang tunog ng dismissal bell. Muling umingay ang kapaligiran sa sabay-sabay na pagkilos ng mga bata.
Iya: Everyone! Fall in line properly and place your work on my desk. Walang magulo!
*Paalala niya sa mga anak-anakan. Pinanood ni Iya ang mga paslit na isa-isa nang naglalabasan sa silid. Bakas sa mga mukha nito ang excitement na makauwi agad. Nagpaalam ang isang gwapitong bata kay Iya bago ito lumabas ng classroom.
Nash: Bye, Teacher.