This Chapter is dedicated to @SarahLovesViceRylle.,.,:))
Hope magustuhan mo!! :)))
Thanks for reading!!!!!
_________________________________________________
Kinabukasan. Pagkagising ni Vice ay tumayo siya agad at dumeretso sa CR para maligo. Pagkatpos niyang maligo ay dumeretso siya sa kusina para mag almusal. Naabutan niya si Nanay Agnes na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Napansin naman nito ang magandang aura niya sa araw na iyon.
Nanay Agnes: Good Morning Totoy! Mukhang ang saya natin ah!
Vice: Good Morning din po! Masaya nga po ako kasi uuwi na si K mamaya.
Nanay Agnes: Ah kaya naman pala hanggang tenga ang ngiti mo. Teka akala ko ba tatlong linggo sila dun? Aba eh tatlong araw pa lang siyang nawawala ah. Ganun na ba kabilis ang tatalong linggo?
Vice: Nanay talaga. Pinauwi na daw po kasi sila. Pinostpone na lang yung activities kasi may bagyo raw at doon ata tatama. Kaya yun napaaga ang uwi nila.
Nanay Agnes: Ah ganun ba? Oh siya sige kain kana ng makapasok kana sa Opisina at ako'y may pupuntahan pa.
Vice: Sige po Nay! Ingat po kayo.
Tumayo na si Nanay Agnes at umalis. Nagsimula nang kumain si Vice. Pagkatapos niyang kumain ay dumeretso na siya sa kanyang sasakyan at pumasok ng opisina. Pagpasok niya ng Opisina ay nakita siya ni Jhong. Halatang nagulat ito na makita siya sa araw na iyon. Lumapit ito sa kanya ng nakangiti.
Jhong: So Kuya, bakit ka nandito? Akala ko ba pupunta ka sa Palawan?
Vice: Nah! Hindi na ako tumuloy Bro. Naisip ko kasi na tama yung mga sinabi mo na baka pag tumuloy ako eh yun pa maging dahilan para mawala sa akin ng tuluyan si K. Hindi ko ata makakaya kung nagkataon.
Jhong: Mabuti naman at natauhan kana sa katangahan mo.
Vice: Araaaaa......araaaaaaa.......araaaaayyyyy...... Ang hard Bro,ah! Pero tama ka nga. Buti na lang nagising ako sa kalukuhan ko. Salamat sayo Bro!
*Nakangiting tinapik niya ito sa balikat.*
Jhong: Walang anuman Kuya. I'm happy for you. So anong plano mo? Susundan mo si K sa Alaminos?
Vice: No need, Bro.
*Nakangiting sagot niya. Kumunot naman ang noo ni Jhong.*
Jhong: What do you mean?
Vice: She's going home. Susunduin ko nga siya mamaya eh.
Jhong: Kaya naman pala maliwalas ang aura natin. Tssssskkk.....