I Will Be Fine!

5.1K 42 13
                                    


UD na po ulit!!!

Pasensiya na sa mga nag-aantay!

___________________________________________________________

LA

________

Karylle: Sinabi nang huwag kang lalapit sa akin. Alis!

*Natatawa sina Zia at Ms. Zsazsa habang pinagmamasdan si Karylle na nilalambing ni Coco. Nasa kalagitnaan ito ng paglilihi at ayaw na ayaw nitong nakikita o naaamoy man lang si Coco lalo nakapag ganoong umaga. Dahil sadyang makulit si Coco, minsan ay inaasar niya rin ang Ate niya. Nagsilbing bonding na rin yun sa kanilang magkapatid.

Coco: Ate, naman.......

Karylle: Anong 'Ate naman'----Huwag ka sabing lalapit!

*Patiling sabi ni Karylle. Mabilis itong lumapit sa kinauupuan ng Mama niya nang akmang susundan ito ni Coco.

Karylle: Sinasabi ko sa 'yo, Nicole, kapag naging biringot ang pamangkin mo dahil sa consomisyon ko sa 'yo, ipapakulong kita.

*Nilingon ni Coco ang Mama nila na nagpipigil bumunghalit ang tawa.

Coco: Mama, o!

*Mabilis na binato ito ni Karylle ng mansanas na nadampot sa lamesa.

Karylle: Sumbungera!

*Gnoon na lang ang halakhak ng Mama nila at ni Zia sa asaran ng dalawa. Mag-dadalawang buwan na mula ng umalis patungong America si Karylle. Naalala pa niya ang araw na ipagtapat niya sa Mama niya ang tunay na dahilan ng pagpunta niya ng America. Gaya nga ng inaasahan niya ay naintindihan siya ng ina. Noong una ay gusto nitong sabihin sa Papa at Kuya niya pero nakiusap siya na huwag na lang. Labag man sa loob nito ay pumayag na rin para sa panganay na anak.

The Man That I Desire (Vicerylle edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon