ang pagpapatuloy.,.,.,,
__________________________________________________________________
Karylle: What are you trying to say, Sir? Ayoko ho ng paliguy-ligoy pa.
*Napalunok siya. Tumingin ito ng deretso sa mata niya.
Lolo: I have high hopes and dreams for Vice. Ayokong maging harsh, pero hindi ko nakikitang ikaw ang babaeng nababagay sa kanya. I don't want you for my grandson.
*Nasaktan siya sa pahayag nito. Parang piniga ang puso niya. Gusto niyang magalit dito pero alam niyang kaapag ginawa niya iyon ay siya rin ang talo at lalabas na masama. She had to trust Vice's words. She had to trust his love. Nagawa na nitong humakbang pabalik sa kanya. Panahon na para humakbang siya para sa kanila.
Karylle: I respect your decision, Sir, as much as I respect you. Pero palagay ko ho ay desisyon na ni Vice kung paano niya patatakbuhin ang buhay niya. Walang makapagdidikta sa sinuman ng dapat niyang gawin, lalo na kung sino ang dapat niyang mahalin. I may not be the perfect girl for him but I can love him more than a perfect girlfriend can.
*Nagsalubong ang mga kilay nito. Hindi marahil nito inaasahan ang pagsagot niya.
Lolo: Kapag sinabi ko bang hiwalayan mo ang apo ko, gagawin mo ba?
*Siguradong-sigurado siya sa isasagot niya dahil nagkakaisa na ang puso at isip niya..
Karylle: I'm so sorry, Sir. Hindi ko magagawa iyon. Kung iyon lang ho ang dahilan kung bakit kayo nakikipag-usap sa akin, I think we 're done here. Lalayuan ko lang ho ang apo n'yo kung siya mismo ang magsasabi n'on sa akin.
*Tumango-tango ito. Sa pagkagulat niya ay ngumiti ito sa kanya.
Lolo: You don't need to do that, Karylle. I was just testing you and you passed with flying colors. Ganyang-ganyan din ang isinagot ni Vice sa akin nang sabihin ko 'yon sa kanya. Hindi nagkamali ang apo ko sa pagpili sa'yo. Hindi ko alam ang buong kwento kung bakit kayo nagkahiwalay noon. Ang tanging alam ko ay mahal n'yo ang isa't isa.
*Kulang ang salitang "shock" para i-describe ang nararamdaman niya. Nang hindi siya makahuma ay ito na ang kusang yumakap sa kanya.
Karylle: S-sir?
Lolo: Stop calling me "Sir". Ngayong engaged na kayo ng apo ko, masanay ka nang tawagin akong 'Lolo.'
*Namilog ang mga mata niya. Ano ang sinasabi nito?
Karylle: Ho? Engaged po? Kasasagot ko lang po sa kanya kanina.
*Natampal nito ang noo.
Lolo: Uh-oh, you mean, wala pa siyang sinasabi sa'yo? Nasaan ba ang batang iyon?
Karylle: Umuwi ho siya dahil may nakalimutan daw po siya. Ibinilin daw po ninyo iyon sa kanya na dalhin niya.
Lolo: Oh, I see. Pasensiya ka na, hija, I was just excited for the both of you. bakit hindi mo na lang sundan si Vice? Teka, ipapahatid na lang kita.
*Hindi ito pumayag na hindi niya sundan si Vice. Ipinahatid talaga siya nitosa driver pauwi sa bahay ng mga ito. Hindi niya ma-decipher kung ano ang nagyayari. She just went with the flow.
..
.
..
..
.
.
.
.
.
.ITUTULOY..........