UD na poh........
Pagpasensiyahan niyo na medyo natagalan and napaka short lang po nito.
This is my version of INA, KAPATID, ANAK. Hahaha wala lang napag tripan lang. Sana po magustuhan niyo. This is for all of you! :))
__________________________________________________________________________
*Kinabukasan maagang umalis si Vice para pumunta sa mansiyon ng mga Tatlonghari. Nakapagdesisyon na siya.
Iya: Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Kuya?
Vice: This is what I want Iya. I want a family. And I love Karylle, and Sophia -- dumating ssa puntong kailangan kong mamili at sinunod ko ang gusto ng puso ko.
Iya: Sana matagpuan mo ang kaligayahan sa piling ng babaengminamahal mo.
Vice: Salamat, Iya. Maraming salamat.
Iya: Okay, pagbutihin mo ang pangungumpisal kay Karylle.
*Tumawa silang dalawa.
Vice: Sige, Iya. Tutuloy na ako.
*Paalam niya tsaka tumuloy na siya sa paradahan ng kanyang motorsiklo. Alam niyang magiging masaya siya sa bubuuing pamilya sa piling nina Karylle at Sophia. Ngayon niya ipaglalaban ang pag-ibig niya sa babae -- sa babaeng alam niyang mamahalin niya ng panghabam-buhay.
*Subalit ang inaasahan niyang mangyari ay hindi naganap. Sapagkat hindi na niya naabutan si Karylle sa mansiyon. Ang sabi ng nakausap niyang Guard ay umalis na daw ang mga ito at ngayon ang flight pabalik ng LA. Nanlulumong napasandal siya sa kanyang motor.
-------Samantala----------
*Malungkot na tinatanaw ni Karylle ang daan -- ma mi-miss niya ang mga bagayat lugar sa Pilipinas. Alam niyang matatagalan bago ulit siyang makabalik. Lihim niyang sinulyapan mula sa rear view mirror sina Anne at Sophia. Magkayakap ang dalawa, ninanamnam ang mga huling sandali na magkatabi ito, na nasa malapit ang isa't isa. Napayuko siya. Tanggap naman niyang naging makasarili ang pagmamahal na taglay niya. Tanggap niya.
Anne: Karylle.....
*Mahinang tawag ni Anne. Tinignan niya lang ito mula sa salamin.
Anne: Hindi ko na inaasahan na muli kang aalis mula nung magbalik ka. Akala ko....makakasama na tayo hanggang sa makapag-asawa ako at tumanda.
*Mahina siyang tumawa.
Karylle: Anne, you're not old. Ikaw lang ang nagsasabi niyan.
Anne: Huwag mong daanin sa biro ang lahat, Karylle. Sa mga nangyayare ako ang isa sa mga taong naapektuhan. Nasasaktan , dahil sa tingin ko ay wala ka nang peace of mind. Malungkot, sapagkat malalayo na naman ang pinakamatalik kung kaibigan.
Karylle: Anne, pinag-usapan na natin ito, hindi ba?
Anne: You don't understand. Mahirap mamuhay ng mag-isa. Mas masaya kung may sarili yaong pamilya....subalit, tinatakasan mo ito, Karylle. Kinalimutan ko ang sarili kong buhay pag-ibig para harapin ang resposibilidad na iniwan mo sa akin. Itinuturing na kitang parang kapatid. Hindi sa sinusumbatan kita.....ang gusto ko lang ay intindihin mo naman ang nararamdaman ng mga taong nilalayuan mo.....Na kailangan kayo ni Vice bilang pamilya niya.
Karylle: Anne, di ba sabi ko, sa pag-alis kong ito ay iniiwan ko sa iyo ang lahat ng karapatanng pamahalaan ang mga pag-aari ko. Kung ayaw mu na pwede kang magpahinga. Makipag date ka.
*Napailing si Anne.
Anne: Masyadong matigas ang puso mo, Karylle. Man does not live with bread alone -- kailangan ng tao ng kapwa niya. Kailangan natin sila. Kailangan mo si Vice.
*Nagbingi-bingihan si Karylle. Itinuon niya ang paningin at atensyon sa daan. Kung hindi niya pinagana ang kanyang isip, matagal na siyang tinakasan ng katinuan dahil sa kapwa niya. Bumagal ang usad ng kanilang sasakyan -- ilang sandali pa ay nasa parking area na sila ng NAIA.
* Naunang lumabas ang tsyper at pinagbuksan sila ng pintuan, maraming lalabas ng bansa, naisip niya. Mga tulad niyang may tinatakasan -- tumatakas ang ilan sa kahirapan, mangingibang bansa para kumita. Siya. Mangingibang-bansa upang hindi patuloy na masaktan.
*Siksikan. May mga hindi magkandaugaga sa mga bagahe. Kaiibis pa lamang niya sa kotse, hindi pa niya nagawang isara ang pinto nang may biglang bumangga sa nakalahad na pintong nakakapitan ng isa niyang kamay. Napatili si Karylle. Ilang segundo ang nakalipas bago niya naramdamang may nakatutok sa kanyang batok.
?????: Huwag kang kikilos ng masama kundi'y sasabog ang bao ng ulo mo.
*Parang tuod sa pagkakatayo si Karylle -- nanigas ang buo niyang katawan sa matinding pagkabigla at takot. Mula kung saan ay apat pang armado at nakamaskarang kalalakihan ang lumitaw. Tig-isa ang mga ito kina Sophia at Anne at sa driver -- ang isa naman ay naghahalungkat sa kotse. Inutusan ito ng may hawak kay Karylle.
?????: Kunin ninyo ang lahat ng mapapakinabangan.
Anne: Kunin ninyo lahat basta huwag n'yo lang kaming sasaktan.
*Pagmamakaawa ni Anne nang bitbitin ng isa sa mga ito si Sophia. Ramdam na ramdam ni Anne ang panganib.
Anne: Huwag niyong idadamay ang bata. Maawa kayo sa kanya.
Karylle: Ano ang kailangan niyo sa amin?
*Matapang na tanong ni Karylle.
?????: Wala naman binibining Tatlonghari. Trabaho lang namin ang bawasan ng kaunti ang pera ng mga taong katulad niyo!
*Humahalakhak na sabi nito. Napatingin si Karylle kay Sophia na umiiyak sa takot sa taong kumikilik rito. Kidnap for ransom ang mga pakay nito, mabilis niyang naisip.
?????: Sige nn! Dalhin niyo na ang batang 'yan! Bilisan ninyo!
Karylle: Huwag!
*Aniya sa mahinang boses. Itinulak siya ng lalake.... Sumubsob siya sa sementadong sahig. Narinig niyan sumigaw si Anne.
Anne: Saan ninyo dadalhin ang bata! Mgawalanghiya kayo!
*Nang makatayo si Karylle ay wala na ang mga lalakeng armado. Wala na rin si Sophia. Hysterical siyang nagsisigaw.
Karylle: Sophia...!!! Ang anak ko.....!!!! Nasaan na ang anak ko?!
*Walang tiyak na patutunguhan nagtatatakbo si Karylle. Mahigpit siyang niyakap ni Anne.
Anne: Tama na, Karylle.
Karylle: Saan nila dadalhin ang anak ko.
*Napahagulgol siya, naitakip niya ang palad sa mukha. Nanlaki ang mga mata niya nang mapuno ng dugo ang palad niya.
Anne: God! Naliligo ka sa dugo.
*Bulalas ni Anne nang mapatingala sa mukha ng dalaga. Magkahalo ang luha at dugo na umaagos sa mukha nito pumapatak sa damit. Nang muli niyang salatin ng kamay ang noo, ay saka niya napagtantong pumutok pala ang noo niyang tumama sa semento.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy..............
______________________________________________________________________
Bukas na lang po ulit yung karugtong. Sana nagustuhan niyo. Malapit na silang sumaya don't worry! (~_~)
Ahy sasamantalahin ko na pala ang pagkakataon na ito para i-congratulate yung Pamangkin ko for WINNING BINIBINING ROSALES 2013, CONGRATS!!!! ibang klase talga pag galing FEU. Ang talino. Alam ko mas ,matanda ka sa akin pero wag mo kakalimutang pamangkin parin kita. Hahaha Joke lang! We are proud of you! GALIIIIIIIIIINNNNNNNGGGGG!!!!