CHAPTER 2

100 1 0
                                    

Mabigat sa dibdib akong lumabas ng mall dahil sa nakita hindi ko e nexpect na makikita ko syang may kasamang babae at kayakap pa nya! Sabi nya mag importante lang syang gagawin yun ba ang something na gagawin nya?!! Hindi ko inaasahan na gagawin nya yun sa akin pero wala akong magagawa, sya na mismo ang nag sabi na wag namin pakielamanan ang isat isa, nirespeto ko yun dahil yun ang gusto nya may limitations ang relasyon namin,

Nagpa sundo na ako sa driver namin at pagkarating ko ng bahay ay dumeritsyo na ako sa kwarto at don nag mukmok, bahadyang tumolo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Bakit ba ang sakit mong mahalin Raiko" Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak,
Nagising ako dahil sa lakas ng katok sa kwarto ko tiningnan ko ang bintana at madilim na alas 7 na pala ng gabi napahaba ata ang tulog ko, narinig ko naman ang katok kaya bumangon ako para tingnan, Hindi ko inaasahan na si Raiko ang bubungad sa akin

"Let's eat, I brought food" pagkatapos nyang sabihin yun ay tumitig ito sa mga mata ko. Umiwas ako sa titig nito dahil parang sinusuri ako nito

"Fix your self first" tumingin naman ako sa sarili ko Hindi pa pala ako nakapag bihis kanina galing mall

"Hurry up, I'm starving " Pahabol nito ng mapansin nyang nakatulala padin ako

"Oo na" Sinara ko na ang pinto ang dumeritsyo na sa banyo para mag hilamos

"Saan ka pumunta kanina?" Tanong ko habang kumain kami
Tumingin muna ito sa akin bago sumagot

"I just have a client meeting"

"Saan kayu nag meeting?"

"don't ask too many questions, just eat" Tinikom ko nalang ay bibig ko at kumain nalang, bat ba ayaw nya nalang sabihin na may ka date sya kanina!

"May babae ka ba?" mahina kung tanong

"what?"

"are you cheating on me?" Oh yan English para maintindihan mo!

"What do you mean by that? we are not together! what do want me to do?" Mahina nitong sabi pero may diin bawat bigkas ng mga salita na iyun, nagbabadya ang mga luha ko sa narinig

"So meron nga?" Napahilamos naman ito sa tanong ko

"shall I say it again? wag mong pakialaman ang buhay ko at ganon din ako sayu!" matigas na tagalog Sabi sa akin ramdam ko ang namumuong galit sakanya,

"Don't cross the line Monique! wala kang pakialam kung meron man, at wala ka ding magagawa Hindi mo hawak ang puso ko"
Pahabol nyang Sabi at nakatingin padin sa akin

"Alam ko yun pero hindi padin yun tama! kasal tayu sa mata nag Dios asawa kita! Alam mo yan! nangako ka sa harap ng altar na magiging mabuti kang Asawa sa akin!" Naiiyak kung sabi dahil parang sasabog Ang puso ko sa mga sinasabi nya!

"Alin don ang hindi mo maintindihan?! In the first place Ikaw lang ang may gusto nito! buong buhay ko hindi ko naranasan ang mag disisyon nang para sa sarili ko! My life is like a hell Monique! I can't even choose kung sinong mamahalin ko because it's already planned! planado na nila ang buhay ko! I can't disappoint them! pati sa pag-ibig kailangan sila ang masunod! you really think that it's easy for me huh?!" Puno ng galit, puot at sakit ang mga mata nya habang sinasabi nya yun sakin, nakaramdam naman ako ng sakit sa aking dibdib sa narinig mula sa kanya Hindi ko inaasahan na ganito ang nararamdaman nya sa luob nag tatlong taon nong kinasal kami ganito pala ang nararamdaman nya, naaawa ako sa kalagayan nya ngayun,

"I can't love you Monique." Mahina nyang sabi at tumitig sa mga mata ko, Pinagmasdan ko lang sya habang papalayo sa akin, nag situloan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan, napaupo nalang ako sa sahig at humikbi.

A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon