CHAPTER 55

562 8 0
                                    


Nakasunod lang ako sakanya habang hinahanap nya ang sasakyan nya.

Huminto sya sa Black BMW na sasakyan at kinuha Ang susi sa bulsa nya pinatunog nya muna to bago nya ako binalingan.

"Ano?" Masungit kung tanong.

"Get in." Binuksan nya ang passenger seat.
Akala ko ay ibibigay nya sa akin si Raikhyn pero Hindi.

"Akin na, mag dadrive ka." Kukunin ko na sana nang ilayo nya ang bata.

"I can drive with one hands, kung ibibigay ko sya sayo he would wake up. and he's tired right? just let him sleep." Bumuntong hininga ako at iyos nalang ang pagkakahiga ni Raikhyn sa balikat nya.

Napahinto ako sapag aayos kay Raikhyn nang maramdam ko ang titig si Raiko at doon ko lang napansin kung gaano kami ka lapit sa isat isa.

Lumayo ako agad kanya.

"I-inayos ko lang ang ulo n-ya."  Nanginit tuloy ang pisngi ko! Tumikhim ako at agad pumasok sa passenger seat.
Pagkaupo ko palang ay naamoy kona agad ang bango nang sasakyan nya naiwan pa sa sasakyan nya Ang gamit nyang perfume.

so awkward!

Pumasok nadin sya sa driver seat at pinaandar na ang makina, dahan dahan lang ang pagmamaneho nya at paminsan minsan ay napapasulyap sya sa akin at kay Raikhyn.

May kung anong naramdaman ako sa aking tiyan na Hindi ko mawari kung ano nang Makita ko kung gaano ka komportable si Raikhyn sa bisig nang ama, Nakakunot ang mga kilay nya habang natutulog manang mana sa Tatay! ang maliliit na kamay nito ay bahagyang kumakapit sa suot ni Raiko.

"What his name?" Tanong nya at tumingin sa akin at agad din binalik ang tingin sa kalsada.

"Raikhyn Matthew"

Nakita ko kung paano umawang labi nya at napahinto sa ginagawa nanunubug ang mata nya sa sinabi ko.
Hindi na din ako nagsalita pa at tinoon nalang ang atensyon sa harap.

Tahimik lang kami sa loob nang kotse Hanggang sa marating namin ang familiar subdivision so  sa bahay nang mga parents nya kami dadalhin.

Ano kayang Magiging reaksyon nang mga magulang nya kung bigla bigla nalang nya kaming dadalhin rito.
Huminto ang sasakyan pero hindi pa din kami bumababa napatingin ako sa labas nandon pa din yung malaking fountain nila at mas dumami ang mga bulakbulak sa gilid nito.

"Let's go, Iwan muna ang gamit nyo dyan ipapakuha ko nalang yan mamaya." Bumaba na sya sasasakyan kaya bumaba na din ako.

Naglakad na kami papasok nang bahay ay agad kaming sinalubong nang kasambahay bumati ito kay Raiko bago sa akin.
Bago kami makarating sa sala ay naririnig ko na ang boses ni Tita kaya medyo kinabahan ako naka sunod lang ako sa likod ni Raiko.

Nakarating na kami sa sala pero naka talikod si tita sa amin nag lalagay sya nang bulaklak sa flower vase kaya hindi nya napansin ang pagdating namin.

"Ma'am nandito na po si sir Raiko." Pagkasabi non nang kasambahay ay umalis agad ito.

Nang humarap sya ay Nanlaki ang mata ni Tita nang Makita ako at agad bumaling ang atensyon nya sa Batang nasa bisig si Raiko kaya mas Lalo syang nagulat at napatakip nalang sa bibig nya.

"Oh...my gosh!" Dahan dahan syang lumapit sa gawi namin.

"g-goodafternoon po." Bati ko sakanya.

Nagpa-alam muna si Raiko sa amin na dadalhin nya muna si Raikhyn sa taas para makapagpahinga nang mabuti.

Sinabi ko kay Tita Ang lahat nang nangyari kanina at humingi sya nang tawad  sa akin tungkol sa sinabi ni Raiko na nagkikita si tita at si Raikhyn.
Sabi ni Tita ay nagalit daw si Raiko sa kanila dahil tinago nila.
Kaya pala lakas nang loob nang lalaking yon na kanina.

"Ako dapat Ang humingi nang tawad sa Inyo Tita dahil ako naman ang nag disisyon na itago muna kay Raiko." Hinawakan nya ang kamay ko at umiling.

"No hija, alam ko naman na hindi madali sayo ang lahat lalo na at napakalaki nang kasalanan nang anak ko sayo. Kaya mo tinago Ang anak nyo." Naiintindihan ko na yun kinalimutan ko na yun sapag Ali's noon iniwan ko na din ang mga ala-ala na yon.

"Tita okay na po yon kinalimutan ko na ang mga iyon okay na po ako ngayon  wag na po nating ibalik ang nakaraan tita ang importante po ay ang ngayon." Ngumiti ako sakanya at niyakap sya.

"Bakit ba napakabait mong bata ka, impossible man pero gusto kung maging Daughter in Law ka ulit." Nakangiting aniya kaya ginantihan ko nalang din sya nang ngiti dahil hindi ko alam kung aning isasagot ko sa kanya.

Sinawalang bahala ko nalang ang sinabi ni Tita at nagpa-alam na pupuntahan ko muna si Raikhyn sa Taas.

Ang sabi nang kasambahay sa akin ay sa kwarto daw ni Raiko natutulog Ang anak ko kaya dumeritsyo na ako roon kumatok muna ako sa pinto bago ito buksan.
Malamig na hangin na nanggagaling sa Aircon agad ang naramdam ko at humakbang papasok nang tuloyan na akong nakapasok ay nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto kulang white gray ang loob at may malaking tv at may mini ref din agad dumako ang mata ko sa king size bed kung saan agad kung nakita Ang anak kung mahimbing na natutulog kaya agad ko syang nilapitan.
Inayos ang kumot nya dahil medyo malakas ang aircon madali pa naman syang ginawin.

Tumabi ako sa anak ko at agad naman nitong naramdaman ang presensya ko ay agad ako nitong niyakap sa bewang.

"Gising kana ba?" Malambing kung sabi.

"Still sleepy mommy." Agad itong sumiksik sa leeg ko.

Akala siguro nito ay nasa bahay kami komportableng komportable pa sa higaan Akala mo ay kwarto nya, hinaplos haplos ko ang likod nya at nakatulog ulit ito Hindi ko namalayan na nakatulog din pala ako kaya mga bandang 5pm na ako nagising nakakumot ako at pati nadin si Raikhyn.
Mga ilang minuto lang din ay nagising na si Raikhyn at kusot kusot pa nito ang mata nya pagkatapos ay tumingin sa akin.

Nangunot naman ang kilay nya nang tignan nya ang paligid.

"Mommy, where are we?"

"Bihis muna tayo dali, naka uniform kapa oh."
Tumayo ito at kumandong sa akin.

Sumiksik sya sa leeg ko at humikab. Hinayaan ko muna sya sa ganoong posisyon.

"I have something to tell you love." pagsisimula ko.

Pinaharap ko sya sa akin.

"Diba you want to meet Daddy?" Ang inaantok na mukha nya ay agad lumiwanag dahil sa sinabi ko.

Tumango sya sa sinabi ko.

"Daddy is here Raikhyn and he wants to meet you too." Mahinang Sabi ko at hinawakan ang mukha nya at hinaplos haplos.

"R-really Mommy?!" Naiiyak nyang tanong.
Pinunasan ko ang luhang lumalandas na pisngi nya.

aw my baby!

Tumango ako at agad syang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Where is he Mama? I want to see him."

"Nasababa sya kaya magbibihis ka muna bago tayo magpapakita sa Daddy mo hmm?"

Binihisan ko muna sya nang simpleng damit at short lang.

"I'm pogi na po ba Mama?" Napangiti ako.

"Of course you are." He giggled.

"Come here, give Mama a hug." Agad ako nitong dinambahan nang yakap.

Nasa ganon kaming posisyon nang biglang bumukas ang pinto at Niluwan nito si Raiko.











A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon