CHAPTER 8

57 2 0
                                    




Nagising ako ng may marinig akong katok mula sa pinto-an, napasarap ata ang tulog ko, bumangon ako at binuksan ang pinto-an,

"Get ready, it's already 5pm, 7pm tayu aalis" Nakita ko itong basa pa Ang buhok mukhang kakatapos nya lang ding maligo, tumango ako at Sinara narin ang pinto, dumeritsyo narin ako sa Cr para maligo at makapag ready narin dahil alam kung matatagalan na naman akong pumili kung akong susuotin ko,

Matapos kung maligo ay blinower ko muna ang aking buhok dahil matagal itong matutuyo sobrang kapal kasi Ng aking buhok at mahaba abot Hanggang bewang, pagkatapos kung mag blower ay pumunta na ako sa closet para maghanap ng aking susuotin, sobrang hirap talaga pumili ng susuotin gusto ko kasi maayos ako sa harap ng family nya nakakahiya naman kung para akong ewan sa harap nila, napagpasyahan kung suotin ay yung dress na bigay ng mama ni Raiko sa akin binigyan nya kasi ako ng dress nong kakauwi nya lang galing Canada, isa itong mamahaling dress na abot Hanggang tuhod maroon ang kulay nito at sobrang Ganda nakaka sexy sya at tama lang sa akin, pagkatapos kung mag bihis ay nag retouch lang ako saglit kunting make up lang Ang nilagay ko para simple lang at tsaka Hindi din ako masyadong magaling mag make up, naka half ponytail ang buhok ko at nakalabas ang mga babe hair, Tinignan ko relo ko para tignan ang oras 6:20 na pala kaya sinuot ko na ang sandal's at kinuha ang bag at bumaba narin, Nakita ko si Raiko na nag-aantay sa kin sa sala, pagkababa ko ng hangdan ay tinignan muna ako nito mula ulo Hanggang paa,

"Bakit? Hindi ba maganda?" Tinignan ko ang sarili ko at ang mukha ko wala namang mali ah!

"A-ah no! let's go! mahaba-haba pa ang byahe" tanggi nito at lumakad na papuntang pinto-an,

Pinag buksan nya ako ng pinto at pumasok narin sya sa drivers seat, sinimulan nya ng mag drive at as usual sobrang tahimik lang namin, tumingin nalang ako sa labas at tinanaw ang magagandang ilaw galing sa nagtataasang building,
Lumipas ang 20 minutes ay papasok na kami ng subdivision, panay ang tingin nya sa akin at kinataka ko! kanina pa sya tingin ng tingin!

"May mali ba sa suot ko or sa mukha ko?!" Nakabusangot ko syang tinignan! Pinagbuksan nadin kami ng guard nakarating na pala kami, tinignan lang ako nito!

"You look even prettier in that dress." Pagkasabi nya non ay lumabas na sya ng kotse, Namula naman ang pisngi ko sa sinabi nya, kainis! lumabas nadin ako ng kotse at hinitintay nya pala ako,

"Tagal mo" Pagkarating ko sa harap nya ay pinulupot nya ang kanyang kamay sa akong bewang, nakaramdam ako ng kung ano sa aking tyan! Sobrang saya ng puso ko sa pinapakita nya or baka palabas na naman ito,

"Goodevening ma'am, sir" Binati kami ng kasambahay pagpasok namin nasa aking bewang parin ang kamay ni Raiko Hanggang makapunta kami sa sala ng mansion, binitawan nya lang ang aking bewang ng bumati nya sa kanyang mommy,

"Hi anak, namiss kita" yumakap naman ang kanyang mommy sa kanya, napansin naman ako ni tita kaya lalong lumapad ang kanyang ngiti,

"Amaya ija! namiss din kita, kamusta na anak?" Niyakap nya rin ako, tinanggap ko naman ang yakap nya,

"Okay lang po ako tita, namiss ko din po kayo" Sobrang sarap sa feeling na tanggap ka nang nanay ng Asawa mo, Parang nanay narin ang turing ko kay tita Amelia dahil sya lang din ang nagparamdam sa akin na may nanay pa ko

"You look so beautiful! Sabi ko na eh bagay sayu yang dress na yan" tumawa naman ito at tinignan ang aking suot, nahiya naman akong yumoko,

"Hi ija!" Nakangiti naman akong binati ni Tito Alfred ang daddy ni Raiko

"Hello po tito, kamusta po!"

"I'm fine ija, still breathing" pabiro nitong Sabi at tumawa

"Let's eat, come on" lumapit naman si Raiko sa akin at nilagay ang kamay nya sa bewang ko, papunta na kami ng kusina ng may maalala ako, yung brownies na binake ko!

"Yung brownies naiwan!" Gulat akong tumingin kay Raiko, nako nakalimutan ko pa!

"Nasa kotse nilagay ko kanina while waiting for you" Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya,

"Hay akala ko naiwan na"

"I'll just tell the maid to take it, let's go I'm starving" Tumango ako at lumakad nadin papuntang kusina,

Pagkarating namin sa kusina ay tumambad sa akin ang napaka raming pagkain parang my fiesta ah, mukhang mapaparami na naman ang kain ko, pinaghila naman ako ni Raiko ng upuan, umupo narin ito sa harap ko,
Nagsimula na kaming kumain tamihik lang ang kain namin ng magsalita si tita

"Kamusta naman kayong dalawa?"

"we're fine ma" Si Raiko naman ang sumagot sa ina

"When will you give us a grandchild?" Nagulat naman ako sa Tanong ng papa nya, Apo? Juskopo!

"Dad! It's too early for that, We want to enjoy married life, and besides, I'm also busy with the company" Sumagot naman si Raiko sa tanong ng tatay nya, may kunting kirot akong naramdaman dahil sa sinabi nya, ayaw nya lang talagang magka-anak sa akin! Tahimik lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila, Bigla akong nawala sa mood kumain kaya hindi na natapos ang nasa plato ko,

Tapos nadin naman silang kumain at nag uusap si Raiko at ang papa nya tungkol sa company, nakayuko lang ako habang nag-uusap sila,

"Amaya, let's talk" Tinawag naman ako ng mama nya at tinuro ang sala,

"Sa sala lang muna kami hon" nagp-alam naman si tita kay tiro Alfredo at tumamgo naman ito at pinagpatuloy ang kanilang pag-uusap,

Hinawakan naman si tita ang braso ko at dinala ako sa sala.

"Okay lang ba talaga kayong dalawa?" Tumingin si tita sa akin na parang sinusuri ang aking mukha. Ngumiti ako na parang pinapakita na okay lang kami,

"I know ma mahal mona ang anak ko, I can see it in your eyes Amaya, hinawakan nito ang kamay ko at hinaplos

"I leave my son to you, because I know he will learn to love you too, Ikaw na ang bahala sa anak ko" Ngumiti ako at hinawakan din ang kamay nya! Pinapaubaya nya ma talaga si Raiko sa akin sobrang laki ng tiwala nya sa akin! At sobrang na touch ako sa sinabi nya,

"Wag po kayong mag-alala tita ako napong bahala sa anak nyo, hindi ko po sya pababayaan, aalagan ko sya gaya ng pag-aalaga nyo sa kanya, Mahal na mahal ko po ang anak nyo," niyakap naman ako nito at hinaplos ang likod ng aking ulo,

"Aasahan ko yan" makaka-asa kayo tita.



A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon