CHAPTER 57

575 6 0
                                    

Maaga din akong gumising kinaumagahan dahil pupunta pa akong coffee shop si Raikhyn ay nagpaiwan muna sa Daddy nya.

Nagpunta muna ako sa condo para maligo at mag bihis pagkatapos ay agad din akong dumeritsyo sa coffee shop.

"Hi ma'am, goodmorning po." Pagpasok ko palang sa coffee shop at agad akong binati nang mga staff ko.

"Goodmorning din asan si Emma?" Tinuro naman nito ang kusina.

Kumakain na naman siguro yun.

Sa Opisina muna ako dumeritsyo para ilagay ang bag ko bago ako nag tungo sa kusina.

"Kain na naman? trabaho ba yan nang isang empleyado?" Biro ko sa kanya.

"Ngayon lang pumasok ah? Trabaho bayan nang isang amo?" Pang-gagaya nya sa akin.

Talo ka talaga pag itong babaeng to kausap mo eh!

Napailing nalang ako at kumuha nang cookies na kinakain nya.

"Nag breakfast kana ba? cookies agad nasa bunganga mo ang aga pa." Sumobo ako sa cookies at umupo sa harap nang mesa kung saan sya kumakain.

"Nag breakfast na ako kanina kasama ang Fiance ko" wow! nilakasan pa talaga ang word na 'Fiance'

"Sarap mong kuritin girl!" Inirapan lang ako nito.

"Kwentohan mo na ako sa nangyari." bumaling ako sa kanya.

"Ano Hindi pa kayo nagbabalikan?"

Kumoton ang noo ko sa sinabi nya.

"Anong nagbabalikan? si Raikhyn lang ang kailangan nya tsaka wala pa sa isip namin yang bagay na naya." Wala naman talaga si Raikhyn lang ang kailangan nya sa akin ang bata lang.

"Nanay ka pa rin nang anak nya hello!" ayaw talaga magpatalo oh.

"hay ewan ko sayo, ang importante ngayon masaya ang anak ko okay na ako don, hindi ko na ini-isip ang sarili ko sa mga bagay na yan."
Tumayo ako at nag hugas nang kamay para simulan nang mag bake nang nga pastry.

"Pero Mahal mo pa?"

Napatigil ako sa paghuhugas nang kamay dahil sa tanong nya.

Mahal ko pa ba?

Nabalik sa akin ang nakaraan nong kasal pa kami hindi ko makakalimutan na nagmamaka-awa sya akin na tanggihan ang kasal ilang beses nya akong tinaboy ilang beses nya akong pinagsalitaan nang mga masasakit na salita ilang beses akong umiyak dahil sa kanya.
Sa mga panahon na nagluluto ako pero hindi nya kinakain!
he's been denying me!

Ni hindi ko matanong sa kanya kung bakit sya late umuwi kung saan sya pupunta kung sino ang kasama nya ni Ang nga bagay na yun Hindi ko mabigkas kung kaharap ko sya dahil wala akong karapatan!

Tama naman ang sabi nya noon hindi matuturoan ang puso kung sino ang mamahalin nito.

Hindi ko sinagot si Emma sa tanong nya at bumalik na din kami sa trabaho.

Marami akong na bake dahil maraming orders especially sa cakes namin dahil pa weekend na din kaya pila pila talaga ang order's.

Mga tatlong oras akong nasa kitchen nag nag linis na rin ako pagkatapos ay lumabas ako at Tumolong sa counter.

"Hi welcome to Coffee & Sweet's" Bati ko sa isang customer.

"Can I please get a creme brulee latte, and one strawberry cake please."

Pagkatapos nyang magbayad ay agad syang umopo.

Bumukas ang pinto nang coffee shop at lumabas don si Raiko na karga karga si Raikhyn sa nga bisig nya.

Lumipad ang tingin nito sa akin at pinaglakbay ang mata sa suot ko. Naka apron pa kasi ako.

Parang tinambol ang puso ko nang ngumiti sya at kita ang dimple's nya.

"Mommy!" Binaba nya si Raikhyn at tumakbong pumunta sa pwesto ko lumabas muna ako nang counter para salubungin sya.

"Hi babe! how's your day?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Humalik sya sa pisngi ko at pinakita ang dala nyang laruan nyang sasakyan.

"Daddy buy's me a lot of toys Mommy." Masayang masaya pa itong tinignan ang laruan nya.

Parang Mahal to ah.

Binalingan ko si Raiko.

"Hindi mo na kailangan bilhan sya nang ganyan magsasawa din sya dyan." Naglakad sya papunta sa pwesto namin ni Raikhyn at ginulo ang buhok nang anak nya.

"It's fine, I can buy all what he wants as long as he's happy." Iniispoil nya ang anak ko sa ginagawa nya.

"Nagsasayang ka lang nang pera mo, wag mong bilhan kung hindi nya kailangan." Tumitig sya sa akin.

"I didn't waste my money gusto ko lang bumawi sa kanya....sa Inyo"

"Can...we talk?"

"Nagluluto pa ako." Andito kami sa condo umalis din kasi kami agad sa coffee shop pagkatapos nang trabaho ko.

Nagluluto ako nang dinner namin ngayon si Raikhyn nandon sa sala nanonood nang cartoons.

"I will wait, I just want to talk to you about something." Hinarap ko sya at pinatay ang stove.

"Anong something ba yan?" Pa suplada Kong tanong.

"About... Us?"

Nawala ang pagmamaldita ko nang lumapit sya sa akin at hinapit ang bewang ko.

"I'm sorry...for everything I've done before." Sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko habang ang dalawang kamay nya ay nasa bewang ko.

"I know my sorry is not enough sa lahat nang nagawa ko sayo noon, sa lahat nang pasakit na binigay ko. I'm really sorry...for not denying you I'm sorry for pushing you I'm sorry for treating you like a trash...I'm s-sorry." Ramdam ko ang basa sa balikat ko.
Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa sinabi nya.

"I didn't know how to say this but...nong umalis ka nang gabing yon hinanap kita dapat nga maging masaya ako kasi umalis kana p-pero parang m-may kulang days and month's haved passed pero hinahanap ko ang presensya mo, pag-uuwi ako wala nang sasalubong sa akin...wala nang magluluto wala nang nag-aayos nang necktie ko pagpapasok ako sa trabaho." Patuloy pa din sya sa iyak.

"Pag nagluluto ka kinakain ko ang mga iyon ka pag natutulog kana...gusto kung umuwi nang Maaga dahil alam kung magluluto ka nang masarap... it's not easy for me kung paano ko ipapakita ang totoo kung nararamdaman." Anong sinasabi nya nagugulohan ako.

"Sabi ko noon hindi kita kayang mahalin because you're the reason kung bakit naging miserable ang buhay ko...ikaw dahilan kung bakit...bakit hindi ko nagagawa ang gusto ko, ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako naging masaya, N-Natatakot akong magmahal noon natatakot a-akong mahalin ka...b-baka iiwan m-mo din ako sinaktan kita Pinagtaboyan kita dahil hindi ko matanggap na minamahal na kita...ginawa k-ko ang l-lahat para mawala ang nararamdaman ko sayo, pero Hindi mas Lalo lang kitang m-minahal." Umiiyak na aniya.

"H-hindi kita m-maintindihan." naiiyak kung tanong.

Umalis sya sa balikat ko at tinignan ako sa mata kita ko ang pamamaga nang mata nya, pinunasan nya ang luhang lumalandas sa pisngi ko.

"Give m-me another c-chance to prove m-myself." Tumotulo ang luha sa mga mata nya.

"H-hindi ko alam."






A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon