CHAPTER 4

77 1 0
                                    

Umuwi nadin ako pagkatapos naming mag kwentuhan ni Emma dahil may trabaho padin sya, tinour naman nya ako sa buong resort grabe sobrang Ganda talaga, nag Plano din kami ni Emma na mag kikita kami bago ako uuwi, Manager kasi sya sa resort kaya hindi nya maiwan iwan ang trabaho nya Lalo nat maraming bisita ang resort.

"Apo samahan mo akong mamalengke bibili ako ng uulamin natin" mag bihis nadin ako dahil tinawag na Ako ni Lola

Andito na kami sa palengke Hindi naman masyadong maraming tao kaya naka ikot² pa kami nabili na namin lahat pero bumalik si Lola sa loob ng palengke dahil may bibilhin lang daw sya, kaya naiwan ako dito sa labas maraming mga street foods akong nakikita pati nadin mga store na nagbebenta ng mga souvenir at iba,

"Kotse ba no Raiko yun?" Tukoy ko sa Isang mamahaling sasakyan sa malapitan parang kotse talaga ni Raiko pero impossible naman na pumunta yun dito, kakaisip ko to sa kanya eh kaya halos nakikita ko naaalala ko sya,

Hindi din nag tagal ay bumalik na si Lola kuniha ko naman ang dala nya at pumara na kami ng tricycle. Pagkarating namin sa bahay ay dumeritsyo na akong kusina dahil ako Ang magluluto ng aming hapunan, nagluto ako ng adobo, pusit at nag ihaw nang isda kunti lang yung niluto ko dahil dalawa lang naman kaming kakain ni Lola.

Habang nagluluto ako ay narinig ko ang boses ni Lola sa likod.

"Asawang Asawa na talaga ang dating ah, napaka swerte naman si Raiko dito sa apo ko" mapait akong napangiti dahil sa sinabi nya,

"Lola talaga oh" sinamaan ko sya ng tingin, tumawa lang ito

"Totoo naman eh, napaka Ganda at napaka mabait ng aking apo, marunong pang magluto, wala kanang hahanapin pa, madali kalang namang magustohan apo"

"I can't love you Monique" Bumalik naman sa isip ko ang sinabi sa akin ni Raiko, sana nga la ganon sya sa akin pero hindi,

Lumipas ang mga Araw at halos nalibot ko na ang Lugar namin gusto kung mapuntaha lahat bago ako umuwi, andito ako ngayun sa resort at magkikita kami ni Emma dahil uuwi na Ako bukas hinihintay ko nalang sya Dito sa lobby ng hotel, tagal ng babaeng yun.

Mga 4pm na ako ng hapon pumunta dahil sabi nya ay may party ngayung gabi ang resort kaya maraming tao may magaganap daw na celebration, mga ilang menuto ay nandito nadin si Emma at naka bihis nadin ito.

"Sorry natagalan ako"

"Tagal mo talaga, lebri moko ngayun ha" pabiro kung sabi at hinila na ako papuntang harap ng dalampasigan dahil duon daw ang venue ng party, pagkapunta namin don ay marami ngang tao may mga disco lights may mga nag iinuman din ang iba ay naka two piece pa at ang iba ay naka summer outfit, may food section din at bar section may nagsasayawan at iba pa.

Umopo kami sa isang table at kumoha na ng pagkain si Emma at kumain nadin kami kunti lang yung kinain ko dahil medjo busog padin ako pero itong kasama ko parang hindi pinapakain sa kanila sa katakawan eh, Hinintay ko nalang syang kumain pagkatapos ay dinala nya ako sa Bar section andaming alak umorder sya duon at binigay sa akin ang isa,

"Hindi ako umiinom" binigay ko sa kanya ang baso dahil nababahoan ako sa amoy, Hindi naman talaga ako mahilig uminom eh

"Ano ba te 27 years old kana ha, inom² din pag may time no"  inirapan ko lang sya at tinignan ay basong hawak ko.

Nilagok nya ang baso at umorder pa ulit ang dami nya ng nainom ah, tong babaeng talagang to oh, nagpa-alam mo na Ako na pupunta lang ako duon sa tabing dagat, may kausap pa syang lalaki kaya hinayaan ko na,

Habang naglalakad ako ay may humarang sa aking lalaki matangkad sya ay maputi naka beach outfit ito at mukhang mayaman

"hi miss, my name is Jacob, and you are?" pagkasabi nya non ay nilahad nga ang kamay nya,

"I'm Amaya" Tinanggap ko naman ang kamay nya, babawiin ko na sana ang kamay ko nag hinila nya ako papunta sa kanya kaya nagyakapan kami, nagulat ako sa nagawa nya at tinulak sya,

"Ano ba!" inis ma sabi ko at lumayo ng kaunti sa kanya, akmang hahawakan nya ako ay lumakad ako palayu, sinundan naman ako nito kaya natakot ako Bigla nyang hinugot ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya,

"Ano ba, bitawan mo ko! ano bang kailangan mo?" Pilit kung binabawi ang kamay ko pagkakahawak nya,

"Oh matapang, that's my type!"

"Bitawan mo ako,  Sabi!" Sinampal ko sya gamit ang isa kung kamay kaya nabitawan nya ako,

"Wag kanang magpakipot" hinawakan ako nito sa dalawang braso at pilit na hinahalikan ang leeg ko, sumisigaw na Ako pero walang nakakarinig dahil sa malakas na music at medjo malayu kami sa party, Parang nawalan na ako nang pag-asa na makatakas sa lalaking to.

"Tulong!" naiiyak kung sigaw, nabigla ako ng may sumontok sa lalaki kaya nabitawan nya ako tinignan ko ang lalaki naka dapa na ito sa sahig at may dugo ang ibabang labi napaupo nalang ako dahil sa takot ko, tiningnan ko naman kung sino ang lalaking tumulong sa akin, Para akong bata na umiiyak ng makilala ko kung sino ito lumapit sya sa akin at pinatayo ako, niyakap ko sya ng mahigpit at duon umiiyak sa dibdib nya,

"Are you okay?!" Niyakap ko lang sya, Hindi ko kayang magsalita dahil sa nangyari, Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung natuloy ang balak Ng lalaking yon, Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kakaiyak.

A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon