Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari ka gabi, hindi ko alam kung bakit nya ginawa yun ginawa nya lang komplikado ang sitwasyon! pinapa-asa na naman ba nya ako?
Alas 8 na ng umaga ng magising ako pero hindi pa ako lumabas ng kwarto hihintayin ko muna na maka-alis sya bago ako bumaba tiniis ko ang hindi kumain ng umagahan para lang hindi ko sya makita, nahihiya ako sa nangyari ka gabi wala akong mukha na ihaharap sa kanya.
Sobrang nalilito ako sa pinapakita nya sa akin Hindi ko alam kung anong iisipin ko, he always give a mixed signals!!! Mga bandang alas 10 ay bumaba nadin ako dahil naramdaman kona ang gutom, pagka labas ko ng kwarto ay luminga linga muna ako sa paligid para tignan kung may tao ba, nang masiguro ko na walang tao ay dahan dahan na akong bumaba sa hagdan, dumeritsyo na ako sa kusina dahil kumakalam na ang sikmura ko, pagdating ko sa kusina ay kumuha ako ng tasa magkakape muna ako.
"Ay kabayooo!!" Napatalon ako sa gulat ng marinig ko si manang sa aking likod,
"Manang naman eh, bakit ka naman nanggugulat" tumingin ako rito na nakanguso, tumawa naman itong naka tingin sa akin.
"Late ka atang nagising ngayun? Mag tatanghalian na oh" Sabi nito at tumingin sa orasan dito sa kusina tumingin naman ko at nakita ko nga na malapit ng mag 11, napabuga nalang ako sa hangin ng maalala kung bakit ako late bumaba.
"Umalis napo ba si Raiko?" Tumingin si manang sa akin na parang sinusuri ako,
"Kaninang alas 8 pa, hindi na nga iyon kumain eh." Napatingin naman ako kay manang sa narinig, bakit hindi sya kumain? gusto nya bang magkasakit?!
**********
Alas 2 na nang hapon at sobrang na b-bored na ako rito sa bahay kaya napagpasyahan kung lumabas ng bahay at maglakad² sa loob ng village, habang nag lalakad ako ay napadpad ako dito sa mini park ng village marami rami din ang mga bata na nag lalaro dito kasama ang mga yaya nila, umopo ako habang tininignan ang masasayang mga bata na naglalaro, kutis palang parang alam muna na mayayaman ang mga batang ito, ngayun lang ako nakapunta dito hindi ko akalain na may ganito pala sa village nato, medjo malayu layu din kasi ito sa bahay at hindi rin namin nadadaanan pag-aalis kami, Biglang lumapit ang dalawang kasambahay sa akin at parang sinusuri ang mukha ko kung maka tingin,
"Bago ka ba rito?" Nakataas ang kilay nito habang tinatanong ako nito.
"Ah hindi" magalang na sagot ko.
"Ngayun lang kita nakita rito, taga san ka ba? may bahay kaba rito?" Andami namang tanong ng babaeng to, pwede naman siguro isa isa lang no!
"Minsan lang kasi akong lumabas, tsaka malayu layu rin ito sa bahay" tumingin naman ito sa akin mula ulo Hanggang paa! aba!
"Hi ako nga pala si jenny, Ikaw anong pangalan mo?" lumipat naman ang tingin ko sa Isang babae na kasama nya naka ngiti itong tumingin sa akin at nilahad nya ang kamay nya,
"Ah hello, Amaya!" Tinanggap ko naman ang kamay nya at ngumiti ito ng malapad sa akin, siniko naman sya ng babaeng nasa harap ko ngayun na kung makatanong parang kanya ang Lugar nato.
"Mukhang hindi ka naman kasambahay, basi sa pananamit mo parang may-ari kanang isa sa mga mansion dyan sa phase 3" Pabirong sabi nito ngumiti lang ako sa sinabi nya,
"Ay teka lang ha baka nauuhaw na ang alaga ko" dali dali namang umalis si jenny para puntahan ang alaga nya ngumiti lang ako bilang sagot rito, ang sumonod naman ang babaeng sobrang daming tanong kanina.
Umopo nalang ako ulit at dimana ang preskong hangin, andaming nangyari sa mga nagdaang Araw at thankful Ako dahil nakaya ko ang lahat na yun, hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa relasyon namin ni Raiko hindi ko alam.
napagpasyahan ko ng umuwi dahil mag aalas 4 na ng hapon baka hinahanap nadin ako ni manang, habang naglalakad ako pauwi ay may humintong sasakyan sa gilid ko, tinignan ko ito ng ibaba nito ang bintana,
Raiko.
"Where have you been? Anong ginagawa mo dito sa labas?" Sunod sunod na tanong nito at kumonot ang noo
"Don lang" Turo ko sa may mini park "gumala lang ako saglit"
"Get in" Napabuntong hininga ito.
Sumakay nadin ako dahil malayu layu pa nga yung nilakad ko at mag gagabi nadin, bakit ang aga nya atang umuwi ngayun.
Pagka park nya sa garahe ay bumaba nadin ako, nakasalubong ko pa si manang at gulat itong tumingin sa likod ko,
"Ang aga mo ata ngayung umuwi ijo?"
"Napa aga lang manang, I want to rest also" Iniwan ko na silang dalawa don at umakyat na sa kwarto ko,
BINABASA MO ANG
A Tear's in My Heart
Lãng mạnAmaya is a simple woman. who lives in the province of La Union with her grandmother. She is a hardworking and loving granddaughter. But her life changed when her grandmother got sick and needed surgery. He met a lady who helped him in exchange for...