CHAPTER 44

130 2 0
                                    



"Ready na ba yan lahat? paki double check kung nandyan na lahat." It's already 5pm at  ni ready ko na ang mga brownies na ereregalo ko kay tita dahil ito daw ang ipapa souvenir nya sa kanyang mga bisita kaya nilagay ko muna ito sa malilit na box at Tig sasampo ang laman naka gawa naman din ako nang 50+ kaya okay na siguro to sa mga bisita nya, Dumating na ang Araw nang birthday nya kaya doble nadin ang kabang naramdaman ko! tapos kailangan ko pang isama ang anak ko dahil wala si Emma umuwi muna nang la union.

"Liza, pwede bang mauna nyo nang dalhin yan sa venue? paki display nalang lahat nang yan at siguradohin mong maayos ang pagkaka lagay sa table." Binigay ko sa kanya ang address nang bahay ni tita Amelia para ma ready na bago magsimula ang party.

"Sige po ma'am, walang problema."

"Ingat sa byahe, susunod din ako roon." pinasama ko na din ang dawala kung staff para naman may katulong sya sa pag re ready doon dahil madami dami nga ito.

"Ingat din po ma'am." Ngumiti lang ako kay Liza at pumasok nadin sya sa sasakyan.

Pumasok na din ako sa coffee shop at sinilip Ang anak ko sa office, Hanggang ngayun nag iisip pa Ako kung paano ko Dadalhin si Raikhyn ayaw ko din naman na ipakilala lang si Raikhyn nang ganon-ganon lang! Oo gusto kung ipa Kilala si Raikhyn sa kanila pero hindi pa ngayun! paano kung may pamilya na si Raiko tapos susulpot agad ako at sasabihin na may anak sya sa akin? No!
Sinabi ko din kay tita na pupunta ako hindi naman pwede na hindi ako pumunta dahil nag promise na Ako! Umo-o lang kasi ako nong nag invite na sya nakakahiyang tumanggi!

yeah right amaya! paano mo itatago ang anak mo ngayun!

"mama....are you alright?" napabaling ako sa anak kung nasa hamba nang pinto nang office ko dala-dala ang ipad nya.
kanina pa ata ako nakatulala dito na parang baliw.

"yes baby, mama is fine, let's go we need to get ready may pupuntahan tayo." Lumapit sya sa akin at binigay ang ipad nya.

"saan po tayo pupunta?" Kinarga ko sya paupo sa kandongan ko.

"A Big Birthday party." sumilay naman ang pagka mangha sa mukha nya, he likes party.

"Big party? is there a clown there mama?!" excited na ani nito kaya natawa ako.

"wala po! kasi matanda na yung may birthday." Lola mo anak.
Ngumoso naman ito at siniksik nalang ang mukha sa dibdib ko.

"Let's go, we need to go na mag re ready pa tayo." Kusa naman syang bumaba sa kandongan ko.

"Go get Mama's bag in the Office, aayusin ko lang to." Tumango sya at naglakad papuntang office.

Niligpit ko muna ang maliliit na kalat at nag linis nang kaunti at Nakita ko na Ang anak kung palabas nang opisina ko dala-dala ang bag ko.

"Here mama, it's so heavy!"

"Okay okay." Natatawa kung sambit dahil bigat na bigat sya sa bag.

Sinigurado ko munang e lock ang coffee shop bago umalis dahil mahirap na marami pa namang mga masasamang loob ngayun.

"Come on mama!" excited itong tumakbo papuntang kotse.

Paano to ngayon! anong gagawin ko paano ko itatago ang anak ko,

wag nalang kaya akong pumunta?



A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon