Palabas na kami nang Building ay Hindi ko alam na sumonod pala sya sa amin ni Raiko palabas.
Kaya dali dali ang lakad ko."Monique..."
Napahinto ako sa harap ng kotse ko at binalingan sya.
"Anong kailangan mo?" Matapang na tanong ko sakanya.
"Let's talk! I really need you're explanation about this!" Pa galit at seryoso nyang sabi.
Handa na ako para rito.
Tumingin ako kay Raikhyn nang higpitan nya ang kapit sa kamay ko kita ko ang pamumula nang ilong nya at nangingilid ang luhang tumitig sa ama nya.
Tinatakot nya ang anak nya sa inaasta nya.
Tinalikuran ko sya at Binuksan ko ang backseat nang sasakyan ko at pinapasok don ang anak ko. "Stay here, may kakausapin lang si mama."
"Who is he mom?" Tumingin pa sya sa lalaking nasa likod ko.
"Basta, Dito ka lang muna." Hinalikan ko sya noo.
Sinarado ko ang pinto at huminga ng malalim bago harapin si Raiko.
"Bakit ba ako mag e explain sayo?" Matapang na tanong ko sakanya pero Hindi sya sumagot tinitigan ako nito at binaling ang mata sa sasakyan kung nasaan si Raikhyn.
"He's mine... right?" Sabi nya sa mahinang boses at kita ko ang sakit sa mga mata nya halo halong emosyon ang nakikita ko.
Hindi ako nakasagot at parang napipipi ako sa tanong nya, wala akong masabi hindi ko na matatanggi pa nakita nya na si Raikhyn at hindi ko na babawi yon.
Inaasahan ko naman to na mangyayari eh pinaghandaan ko na to! bakit walang lumabas sa bibig ko!"Please let me see my son, p-please Monique." Natulala ako nang Makita ang pangingilid nang mga luha nya, ngayon ko lang sya Nakita nang ganito ngayon ko lang nakilala ang ganitong side nya nagmamakawa sya sa akin na makita Ang anak nya.
"You didn't tell me about him! Nalaman ko nalang na nagkikita kayo ni Mama!" Aniya at hinawakan ang palapulsohan ko, hindi mahigpit pero alam kung hindi ako makakawala sa kanya.
"At bakit ko naman sasabihin sayo? Ni Minsan ayaw mong nalalapit sa akin noon kahit na nasa iisang Lugar tayo parang diring-diri ka kahit na makita ako ayaw mo! Tapos ngayon sasabihin mo sakin kung bakit hindi ko sinabi sayo. May Kahihiyan pa ba akong Sabihin sayo ang tungkol sa kanya? Nong pinagbubuntis ko sya Ikaw na ang nagsabi na sinira ko ang pangarap mo tapos aasahan mong sasabihin ko sayo?" Habol hininga kung sumbat sa kanya.
Gulat ang mukha nya at parang hindi inaasahan ang sinabi ko.Habol hinga ko syang tinignan namamasa na ang mata ko hindi kung anong tumatakbo dyan sa utak nya, alam kung may karapatan sya kay Raikhyn Hindi ko naman ipagkakait sa kanya yun eh kasi hinahanap din sya nang anak nya maski ako nahihirapan para sa anak ko lagi syang hinahanap nang anak nya tapos wala akong nasasagot sa anak ko kung magtatanong sya tungkol sa Daddy nya.
Magsasalita na sana sya pero inunahan ko sya.
"Ni ayaw mong magkaroon nang anak, paano ko ipapakilala sayo ang anak mo kung hindi mo palang sya nakikilala inaayawan mo na!" Naiiyak kung sumbat sa kanya."W-what?.....What are you saying?! I'm not ready yet! pero hindi ko sinabing ayaw ko, marami pa akong hindi napapatunayan noon, I'm not yet ready to build a family before. Kaya Ganon nalang ang galit ko nang ipakasal ako sayo." Naiintindihan ko naman sya noon eh kasi pinilit lang sya nang mga magulang nya napipilitan lang syang pakisamahan ako.
Paano ko sya paniniwalaan kung noon ayaw nya sa akin ni hawakan ako ayaw nya tapos ngayon hinahanapan nya ako nang anak.
"Bitawan mo ko." marahang sabi ko.
"N-no! just let me see my son please, I'm begging you Monique.... please." Mas lalo nyang Hinigpitan ang kapit sa pulsohan ko.
Ngayon ko lang sya nakitang ganito, Hindi ito ang Raiko na nakilala ko noon,sobrang tigas nang puso nya noon ni hindi mo nakikitaan nang emosyon sa mukha tapos ngayon ito sya nagmamakawa sa akin.
"Bitawan mo muna ako, hindi madali ang ipakilala ka sa kanya sumosulpot kanalang bigla! ayaw ko syang biglain." Sigaw ko.
"Hayaan mo munang kausapin ko sya."Dahan dahang nyang binitawan ang kamay ko at tumango patuloy parin sapag tulo ang mga luha nya.
Napabuntong hininga ako at binuksan ang backseat nang sasakyan.
Pagkabukas ko ay ang maamong mukha nang anak ko na sumalobong sa akin nakatulog na kakaantay.
Itong Daddy mo kasi ang tigas nang ulo! bakit ba Dito ka nagmana!
Sinarado ko ang pinto nang sasakyan at humarap kay Raiko.Nangunot ang noo nyang tumingin sa akin.
"Nakatulog sya napagod ata ayaw ko din gisingin dahil iiyak lang sya pag kulang ang tulog nya." Tumingin sya sa sasakyan akala mo ay nakikita Ang anak nya.
"Wag kang mag-alala kakausapin ko sya pagka gising."Pinunasan nya ang luha nya at tumingin sa akin.
"Sasama kayo sa akin." Nangunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Saan naman tayo pupunta? bakit naman kami sasama sayo?" Hinawakan nya ang batok nya at napabuntong hininga.
"Sa bahay, don muna kayo habang natutulog pa sya, just this time please i badly want to see him." Pagmamakaawa nya.
Nang hindi ako maka sagot ay agad nyang binuksan ang pinto nang sasakyan ko, pagkabukas nya ay napatigil sya nang Makita ang itsyura nang anak nya mga ilang minuto pa nyang tinititigan ang mukha ni Raikhyn na parang hindi sya makapaniwala sa nakikita nya.
Dahan dahan at ingat na ingat nyang nakuha si Raikhyn at pinahiga sa dibdib nya."Let's go home." Aniya pagka sirado nya nang pinto.
Home? home mo mukha mo!
"Sa akin sya sasakay, akin na."Kukunin ko na sana ang anak ko nang binaba nya ang mga kamay kung nasa ere.
"Let's go, I'll just get my car." Mahinahong aniya.
Wala na akong magagawa hawak na nya si Raikhyn at walang balak na ibigay sa akin Ang anak ko.
Hinintay nya muna ako dahil may Kinuha ako sa kotse.
Habang kinukoha ko ang bag ko sa sasakyan ay binalingan ko sya nang tingin naka office attire pa sya tapos si Raikhyn naka Uniform pa din.
Habang buhat nya si Raikhyn ay hinahaplos nya ang likod nito at hinahalikan ang toktok nang ulo may binubolong pa sya sa anak nya.
Kinuha ko na din ang bag ni Raikhyn at iba pa nyang gamit.Kinuha ko din ang phone ko at may mga missed calls na ito galing kay Emma e t-text ko nalang sya mamaya.
BINABASA MO ANG
A Tear's in My Heart
RomanceAmaya is a simple woman. who lives in the province of La Union with her grandmother. She is a hardworking and loving granddaughter. But her life changed when her grandmother got sick and needed surgery. He met a lady who helped him in exchange for...