CHAPTER 16

69 1 0
                                    


"Oh? what a coincidence." Napatingin ako sa lalaking nag salita mula sa aking likoran kaya nilingon ko ito.

"yes?" Taka kung tanong at hinahanap ng mata ko si Emma.

"You forgot?" he chuckled.

"Okay I will introduce my self again." Umayos muna ito ng tayo, bago magsalita.

"I'm Theo, at the mall? remember?" Oh! the chinito guy!

"Ah oo, naalala ko na" ngumiti lang ako at tumawa naman sya,

"Are you with someone?" Tumingin muna ito sa paligid na parang hinahanap kung sino ang kasama ko.

"uhm yeah, I'm with my  friend" tumingin din ako sa paligid pero hindi mahanap ng mata ko si Emma.

Tumingin tingin padin ako nababakasakaling makikita ko ang babaeng yun, nagtagumpay naman ako ng Makita ko itong kumain doon sa mga pa free taste dito sa store.

"Emma?!" Tumingin naman ito sa akin at kumakaway na parang pinapapunta nya ako don,

Tumingin naman ito sa katabi ko at nanlaki ang mata nito ng makita ang lalaki, kaya dalidali nyang nilapag ang kinakain nya at pumunta sa diriksyon namin.

"Sino yan? ang gwapo!" Bumolong ito at Humawak sa braso ko hala sya kinikilig ang bruha.

"Theo this is Emma my best friend" pakilala ko kay Emma dahil parang alam ko na ang gusto nyang mangyari eh,

"Hi!" Masayang bati ni emma at nilahad ang kamay sa lalaki.

Tinanggap naman ito ni Theo at ngumiti pero ang tingin nito ay nasa akin,

Weird.

"I need to go, see you around girls" Nagpa-alam na ito sa amin at umalis nadin.

"Bye ingat ka!" Sumagot naman si Emma habang kumakaway kay Theo.

"Huy ang landi ah!" Kinurot ko ang tagiliran nya sobrang saya nang bruha.

"omaygad! girl!! na love at first sight ata ako!!" Umacting pa ito na parang naiiyak at tumingin doon sa nilabasan ng lalaki.

"Kadiri mo mainlove uy!" Tumawa ako at tinulak sya, simaan naman ako nito ng tingin.

"Wow ha? napaka supportive mo namang kaibigan!" Natawa nalang ako dahil sa sinabi nya, itong babaeng to talaga nakakita lang nang gwapo love at first sight ka agad?

"Halikana mataas na ang pila sa counter oh! tama na landi beh!" Tinulak ko na ang cart nya at iniwan syang tulala doon, hindi pa nga nya kilala inlove na agad, hay emma.

Tapos na din kaming magbayad at naghahanap nadin kami ng makakainan, napag disisyonan nalang namin na sa Jollibee nalang kumain dahil gutom na gutom na ako,
Pinapahanap ko na nang mauupoan si Emma at ako naman ay umorder na din, pagkatapos kung maka order ay pumunta na ako sa pwesto si Emma, Nakita ko naman itong nakangiti mag-isa,

"huy! para kang baliw dyan!" Umopo ako sa harap nya at nilagay ang sling bag ko sa mesa,

"Sobrang gwapo nya kasi hindi ako maka move on!" kinikilig naman ito at kinuha ang phone nya,

"Anong ig nya? may social media ba sya?" Excited nitong sabi at nagtipa sa phone nya,

"Andami namang lumabas na Theo! alin dito? Anong apelyido nya? " Tumingin ito sa akin na parang nagtatanong.

"Aba ewan ko, edi sana ininterview mo" Lumungkot naman ang mukha nito at tinago nalang ang phone nya,

Hindi din nag tagal ay dumating na ang order namin.

"Kumain ka nga muna para kanang baliw dyan!" Binigay ko sa kanya ang Isang Burger at sundae.

"Sobrang gwapo nya talaga" kinagat nito ang burger at hinayaan na sya para na syang mababaliw kaka-isip sa lalaking yun jusko.

Nahimasmasan na din sya at kumain na din kami, sobrang gutom kona talaga akalain mo ba naman na nagpalakad lakad lang kami kanina ngayun ko nga lang naramdaman ang sakit ng paa ko.

"Taga saan sya? alam mo?" Nagulat ako sa sinabi nito kaya pinanliitan ko ito nang mata.

"May balak ka bang maging stalker nya?"

"Hindi ah, bawal bang magtanong?" Inirapan ako nito at pinagpatuloy na ang kumain.

"Defensive mo ha" tumawa ako at sinusuri sya panay naman ang tingin nito sa labas.



AN; HAVE A BLESSED SUNDAY EVERYONE!!

A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon