CHAPTER 22

56 1 0
                                    


Kinabukasan ay pumunta kami ni manang sa mall at sinamahan syang bumili ng regalo para sa apo nya, mag t-three year's old palang daw ang apo nya kaya dito kami dumeritsyo sa mga baby's clothe's namili na si manang at ako naman ay nilibot ko ang aking paningin sa buong store Sobrang gaganda ng mga damit ng mga baby's ang dadami pa, maynakita akong buntis na inaabot ang Isang panglalaking damit nahihirapan syang abutin ito dahil nadin sa laki ng kanyang tyan kaya lumapit ako at kinuha na ang damit para sa kanya,

Pagkakuha ko ay nabigla pa ito at kalaunan din ay ngumiti ito sa akin,

"ay salamat" ngumiti ito at kinuha ang damit sa aking kamay.

"ur welcome po, ilang buwan na po yan?" Kuryuso kung tanong kasi Malaki na ang tyan nya parang kabuwanan na nga nya eh.

"Mag 8 months na," hinawakan nya ang tyan nya at hinaplos ito.

"Ikaw lang ba mag-isa? asan ang asawa mo?" Hindi naman pwedeng sya lang mag-isa buntis pa naman.

"Ah oo may binili lang dun" tumingin naman ako labas ng store at nakita ko ang Isang lalaki na may dalang water bottle, pagkalapit nya ay binigay nya ang tubig sa babae, hinawakan naman nito ang tyan ng kanyang asawa.

Ang cute nilang tignan, naiiinggit tuloy ako sana ako din may ganyan, ganyang asawa.
Ano kayang pakiramdam na tinatawag kag mama? Masaya sigurong may anak, sa ngayun mukhang mahirap sa sitwasyon palang namin ni Raiko ang labo labo na, hindi nga nya magampanan ang pagiging Asawa, maging ama pa kaya?

Kitang kita ko talaga sa mata ng lalaki ang pagmamahal nya sa asawa nya, sa paraan ng paghawak nya sobrang nakaka taba ng puso,

Parang gusto ko tuloy magka-anak.




Tapos ka kaming bumili nag e reregalo ni manang sa apo nya at palabas na kami ng mall, Sabi ni manang ay mag Simba daw muna kami saglit dahil maaga aga pa naman, sumang-ayun naman Ako dahil matagal tagal nadin bong huli kung nag simba, nagpahatid lang kami sa driver at pinag hintay saglit, pagkababa bamin nang kotse ay dumeritsyo kami sa mag titinda ng mga kandila bumili lang kami ng dalawang piraso at pumasok nadin sa loob ng simbahan.

Hindi din kami nag tagal sa loob pagkatapos naming masindihan ang kandila ay paalis nadin kami, pag punta namin ng parking lot ay nakita ko si Emma sa kabilang karsada na parang may hinihintay, tinawag ko sya pero hindi nya ako madinig dahil nadin sa mga dumadaang mga sasakyan,
May isang mamahaling sasakyan ang huminto sa harap nya ngumiti ito pagkabukas nya ng pinto at pumasok na din,

Nangunot ang noo ko sa nakita, sino ang kasama nya?

"Ija halika na, sino ba yang tinitignan mo?" Tinignan din ni manang ang tinitignan ko pero wala na yung kotse na sinakyan ni Emma dahil naka alis nadin.

"Wala po manang, Tara napo" humawak ako sa braso ni manang at inalalayan sya papuntang kotse.

"Nagkausap naba kayo ni raiko?" Binasag ni manang ang katahimikan sa loob ng kotse napatingin naman ako sa gawi nya,

"Hindi pa po eh, hindi pa sya umuuwi." Napabuntong hininga si manang at hinawakan ang kamay ko.

"Intindihin mo muna sya, wag mo syang sukoan," ngumiti nalang ako sa sinabi ni manang at hindi na sumagot, wala akong maisasagot sa sinabi nya.

Pagkarating namin sa bahay ay dumeritsyo agad si manang sa kusina para magluto nag tanghalian.

Pumunta muna din ako ng kwarto dahil nakaramdam ako ng pagod.

A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon