Andito kami sa Hospital ngayun para e check kung okay lang ba si tita Amelia or baka ano ang nangyari sa kanya. Nalipat na sa kwarto si tita Amellia pagkatapos nyang ma check nang doctor.
"Okay na po ba ang pakiramdam nyo?" Lumapit ako kay tita para e check sya.
"Amaya is that really you?" Mahinang tanong ni tita.
"Tita ano po bang nangyari sa inyu?"nginitian ko lang sya at Iniba ko ang usapan dahil alam ko kung saan papunta ang osapang yan.
Hind agad naka sagot si tita nang bumokas ang pinto-an.
"Hon? What happened?" Pagkapasok palang si Tito Alfred ay agad nyang nilapitan ang asawa nya.
"I'm fine, nahilo lang ako kaya ako nahimatay." Nakahinga naman nang maluwag si Tito sa narinig pero hindi nya napansin na may ibang tao pa sa loob.
Kung kanina kinabahan ako ngayun mas domoble pa! parents ni Raiko ang nasa harapan ko ngayun sinabi ko na noon na hindi ko pa sila kayang harapin pero si Tadhana nga naman!
Buti nalang talaga at pinasama ko si Raikhyn kay Emma.Mukhang maayos naman si tita kaya aalis na din ako hindi ko kayang magtagal pa dito, baka biglang sumolpot si Raiko dito at baka Ako na Naman ang himatayin! Not now!
"uhm, u-na na po ako, pagaling po kayo t-tita." Napalingon si tita sa gawi ko at nagulat.
Ngumiti lang ako sa kanila at kinuha na ang bag ko at dali daling lumabas nang kwarto.
Nagtungo nadin ako sa elevator at gusto ko nang maka alis sa Lugar nato parang may nararamdaman akong mangyayaring hindi maganda talaga eh.Oh sh*t! ang phone ko! naiwan ko sa kwarto ni tita.
Paano ko tatawagan si emma nito! baka hinahanap na ako nang anak ko. wala akong choice kung hindi ang bumalik don.
Andito ako sa harap nang pinto at nagdadalawang isip kung papasok ba, kumatok na din ako at binuksan ang pinto.
Pagpasok ko loob ay nakita ko si tita at tito na kinakausap ang Doctor, Napatingin naman sila sa akin nang buksan ko ang pinto.
"a-ah yung phone ko" tipid kung ngiti nakakahiya.
"Can we talk for a while hija?" Tumingin ako kay tita at inabot nya sa akin ang phone ko.
"Ano pong pag-uusapan natin tita?" Kami nalang Tatlo nila tita at tito ang nasa loob.
"How are you?" Mahinang tanong nito sa akin.
"O-okay lang naman po, kayo po ba?" Balik kung tanong sa kanila.
"I'm so sorry hija! I know my sorry is not enough to ease the pain, I'm so sorry sa nagawa nang anak ko" Tinignan ko si tita nang hawakan nito ang kamay ko.
"Bakit po ba kayo nag so-sorry tita wala naman po kayong kasalanan, tsaka matagal na po yun, kalimotan nyo na po yun." Ngumiti ako mapait sa kanya at hinigpitan ang hawak sa kamay nya.
Wala naman talaga silang kasalanan talagang hindi lang sang-ayon ang Tadhana para sa amin ni Raiko.
BINABASA MO ANG
A Tear's in My Heart
RomansaAmaya is a simple woman. who lives in the province of La Union with her grandmother. She is a hardworking and loving granddaughter. But her life changed when her grandmother got sick and needed surgery. He met a lady who helped him in exchange for...