CHAPTER 21

64 1 0
                                    


Pagkagising ko palang ay nakita kung mahimbing parin ang tulog ni Raiko sa tabi ko kaya dahan dahan akong bumangon Hindi ko ininda ang sakit na aking nararamdaman sa pagitan Ng aking hita, kailangang maka alis ako agad dito, ayaw kung madatnan nya ako sa kwarto nya at magkatabi pa, alam kung wala rin syang maaalala dahil lasing sya ng maymangyari sa amin.

Kinuha ko na ang mga damit kung naka kalat sa sahig at dali daling lumabasa ng kwarto nya,

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong dumeritsyo sa banyo para maligo, ngayun kolang naramdaman ang sakit nang aking katawan para akong binubugbog. Hindi rin ako nag tagal sa banyo dahil sobrang lamig ng tubig dahil alas 6 palang ng umaga, Humiga muna ako sa kama para naman mabawasan ang sakit ng aking katawan,

******

Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm pagka dilat ko ay may araw na pagkatingin ko sa orasan ay mag aalas 12 na, napahaba talaga ang tulog ko. Sino ba naman ang hindi.

Pa ika ika akong naglakad papuntang banyo para mag hilamos at mag toothbrush, gusto ko ka din bumaba dahil nagugutom nadin ako wala naman na siguro si Raiko ngayun dahil alas 12 nadin alas 10 ang pasok nya sa trabaho kaya sigurado akong wala na sya ngayun.
Pagkababa ko nang kwarto ay inayos ko ka agad ang lakad ko para hindi mapansin ni manang ang lakad ko,

Pagkarating ko sa kusina ay hindi ko naabutan si manang kaya kumain nalang ako mag-isa, sinigang na Karne ng baboy ang ulam kaya naparami ang kain ko, habang kumakain ako ay pumasok si manang sa kusina.

"Tagal mo atang nagising ngayun ah" tumingin ako sa kanya sumobo.

"Napasarap ang tulog ko manang eh" ngumiti lang ako at niligpit na ang pinagkainan ko,

Lumipas ang mga araw na andito lang ako lagi sa bahay Minsan ay na babagot nadin ako dito, Hindi naman pwedeng ayain ko si Emma na gumala dahil kakapasok palang nya sa trabaho nya mag t-three weeks pa sya sa work nya,
Busy din kasi si Emma dahil Hindi din biro ang trabaho nya bilang manager, at tsaka Hindi din biro ang hotel na pinag-t-trabahoan nya Isang sikat daw na hotel Dito sa maynila,

In the future gusto kung makapagtayu na Isang coffee shop at mga pastry, dahil nga din mahilig din akong mag bake why not na gawin kung negosyo diba, kahit naman papano ay matupad ko ang aking pangarap simula nong bata pa ako.
But Right now itatabi ko muna ang plano kung yan,

And again Raiko is still busy with his business hindi kona nga sya masyadong nakikita dahil madaling Araw nadin sya minsan umuuwi at maaga din aalis kinabukasan, nabalitaan ko din na mag business trip sya sa Japan I don't know kung kailangan, baka dun nadin aga umuuwi sa condo nya malapit sa kompanya nya,

"Ija magpapasama ulit ako sayu sa mall bukas birthday kasi ng apo ko sa makalawa bibilhan ko ng munting regalo" masayang ani ni manang andito kami ngayun sa sala nanonood ng tv.

"sure po manang, isasama ko si Emma rest day din nya kasi bukas kaya makakasama yun"

"Oh sya sige para naman makilala ko yang kaibigan mo"

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si emma,
Ilang ring lang din bago nya ito sinagot.

"Hi Amaya! oh napa tawag ka?* Masiglang bati nito.

"Free ka ba bukas? sama ka samin ni manang" Hinintay ko itong sumagot pero natigilan ito.

"a-ahh eh..."
"may aasikasohin kasi kami b-bukas, oo bukas hindi a-ako pwede eh" nauutal nitong sabi,

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi nya, parang hindi sure sa sinagot nya ah!

"Sige babye na muna may trabaho pa ako"
May narinig akong tumawag sa pangalan nya kaya dali dali nyang pinatay ang tawag.

Magtinatago talaga ang babaeng yun.

A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon