Andito ako ngayun sa isang coffee shop dahil ngayun kami magkikita ni Emma, iwan ko ba kung bakit napa-aga ang luwas nito nag text lang ito sa akin kanina na ngayun kami magkikita,
10am call time namin nang bruhang yun ah! 11 na oh, patingin tingin ako sa pinto nitong coffee shop pag maypapasok pero wala akong Emma na nakita, kuniha ko ang phone ko at tinext sya,
Hindi pa ako naka text sa kanya ng may marinig akong tili!
"Amayaaa!!!!!" Nakita ko ito sa pinto-an ng coffee shop at kumakaway sa akin, jusko nakakahiyaaa!! nakatingin ang mga customer sa aming dalawa, itong babaeng to talaga!
Nangmakalapit sya ay hinila ko ito paupo!
"Yang bibig mo talaga eh no!" Ngumoso ito at tinignan ang mga customer bago nag peace sign
"Sorry naman no na excited lang" humagikhik ito ng tawa.
"Oh bakit napa-aga ang luwas mo kala ko sa katapusan pa?" Tanong ko at umorder na din dahil gutom na Ako kakahintay sa kanya.
"Pina-aga ko talagang lumuwas dahil gusto ko munang Makita ang Ganda ng maynila, baka pag nag trabaho na ako hindi ko ma enjoy" mahabang linya nito, Maya maya lang din ang dumating na Ang order namin
Kumain muna kami at igagala ko sya sa mall para naman worth it ang punta nya dito sa manila, naiintindihan ko ang feeling ni Emma na excited dahil kahit na Ako noon ay ganon din iba talaga ang mga probinsyana, pero hindi halata na galing probinsya tong si Emma dahil maputi sya at maganda din maingay nga lang minsan.
Pagtapos naming kumain ay naglakad lang kami papuntang mall dahil malapit lang din naman, mangha naman itong tumingin sa paligid kaya natawa nalang ako sa mga reaksyon nya, habang papalapit na kami sa mall ay maraming nag kukumpolan na mga tao may artista ata, hahayaan kuna sana ito pero si Emma hinila ako papunta don kaya wala na akong nagawa,
"Emma tara na, napaka chismosa mo talaga" Hinila ko ito pabalik pero ayaw nyang magpatinag, kaya hinila din ako nito.
"Teka lang girl baka may artista" excited na sabi nito.
"Dito nalang tayu sa gilid baka ano pang mangyari sa atin dyan kung sasali pa tayu" Tukoy ko sa mga nagtutulakan napaka raming tao hindi ko alam kung anong meron.
Para syang baliw ngayun na nag-aantay kung sinong lalabas dyan sa van, eh wala namang lumalabas, may Biglang dumating na mamahaling sasakyan at huminto ito sa tapat ng mall, nagsitakbuhan naman ang mga tao at mga media sa sasakyan na yun, bumukas ang pinto at bumaba ang napakagandang babae,
Julia?
Nakatuon padin ang atensyon ko sa lalaking nasa drivers seat! kilalang kilala ko ang sasakyan na yan, nag antay ako kung lalabas sya pero hindi, pero kitang kita ko kung pano bumalik sa sasakyan ang babae at lumapit sa lalaki sa drivers seat at humalik sa pisngi nito."Tara na Emma" hinila ko na si Emma papasok mall baka bumaha nang luha ang Lugar nayun kung hindi pa ako aalis.
Hindi parin mawala sa isip ko ang nakita ko kanina, ginagag* nya ba ako?? He always give me mixed signals! he even kiss me the other day, tapos ngayun makikita ko syang maykahalikan ?? d*mn him.
Nabalik lang ako sa ulirat ng tapikin ako ni emma,
"Tulala ka dyan girl?" Napatingin naman rito na naka kunot ang noo,
"May iniisip lang"
"Samahan mo ko mag grocery, para naman may stocks ako sa condo" Hinila na nya ako papuntang entrance ng market Dito sa mall at kumoha na ito ng cart,
"Anong mas masarap ito or ito?" Tinignan ko naman ang hawak nitong tinapay,
"That one oh parang mas masarap"
"Ito? masarap ba to?" hay jusko tong babaeng to.
"Oo nga masarap yan"
"Sige.... Ah ito nalang" napatampal naman ako sa noo, nagtanong pa kung yung isa naman pala ang pipiliin.
Bumongisngis lang ito at hinila ang cart papunta sa drink section. Ewan ko sa babaeng to ang gulo.
Sinundan ko lang sya habang nag g-grocery sobrang daming binili ang gaga akala mo naman buong pamilya nya ang kakain eh sya lang naman mag-isa sa condo nya.
BINABASA MO ANG
A Tear's in My Heart
RomanceAmaya is a simple woman. who lives in the province of La Union with her grandmother. She is a hardworking and loving granddaughter. But her life changed when her grandmother got sick and needed surgery. He met a lady who helped him in exchange for...