Inulit na naman ni Raiko na hindi umuwi, simula ng pumunta kami sa bahay ng mga magulang nya ay hindi sya umuwi, Gabi na kaya sa sala lang ako nakatambay habang nanood ng tv natapos na ang pinapanood ko ay nilipat ko ng channel para maghanap ng magandang panonoorin.
"CELEBRITY NEWS! JULIA TIM SPOTTED IN FRANCE WITH A MAN?
ANG MODEL NA SI JULIA TIM AY NAMATAAN SA ISANG RESTAURANT SA FRANCE, MAY MGA FANS NA NAG UPLOAD NG LITRATO NITO KAYAKAP ANG ISANG MISTERYOSONG LALAKI, ANG LALAKI AY NAKILALANG SI VINCE RAIKO FONTENILLA NA ISANG BUSINESSMAN AT ISANG CEO NG MALAKING KOMPANYA! AYON SA NAG UPLOAD NAG MGA PICTURE'S AY PARANG NAG D-DATE LANG DAW ANG DALAWA!
ANG TANONG TULOY NG MGA FANS KUNG ANONG STATUS NG DALAWA.WALA PANG CONFIRMATION ANG ACTRESS TUNGKOL SA MGA LITRATO ONLINE!
THIS IS NICOLE PEREZ AND THAT'S OUR CELEBRITY NEWS THIS EVENING! " Biglang huminto ang pintig ng puso ko sa aking nakita at narinig, nagsituloan ang mga luha sa aking mata napatakip ako sa aking bibig habang humihikbi! Akala ko busy lang sya sa trabaho kaya hindi sya nakauwi akala ko sa condo sya nag s-stay! yan ba ang dahilan kaya hindi sya umuwi? bakit nya ako kailangang ganitohin? Pinatay ko ang tv at dahan-dahang umakyat ng hagdan papuntang kwarto, pagkasara ko ng pinto ay doon na Ako napa-upo, hindi ko na maramdaman ang tuhod ko wala na akong lakas para tumayo, umiyak lang ako ng umiyak,
Tinry kung tumayo ulit para pumunta sa aking kama, nangmarating ko ang aking kama ay nagtalukbong ako ng kumot at duon iniyak ang sakit na aking nararamdaman, bakit kailangang mangyari to sakin?
**********
Nagising ako sa tunog ng aking alarm, Nangpagmulat ko sa aking mata ay ramdam ko ang pamamaga nito, naalala ko ang nakita ko kagabi sa news, tumulo na naman ang mga luha ko,
Tumayo na ako at pumuntang banyo para maghilamos dahil ramdam ko na ang lagkit ng luha sa aking mukha, tumingin ako sa salamin ng banyo at kitang kita ko ang pamamaga ng aking mata, habang nag hihilamos ako ay Hindi ko mapigilang hindi umiyak, Akala ko okay na kami eh pero hindi pa pala!Gusto ko ng sagot mula sa kanya, Talaga bang hindi nya ako kahay mahalin? pagak naman akong napatawa sa sinabi nya noon na Hindi nya ako kayang mahalin. Naalala ko naman ang usapan nila ng mama nya sa telepono, sya ba yung babae na ng iwan kay Raiko dati? sya kaya yun? Naputol ang pagiisip ko ng may kumatok sa pinto ng aking kwarto, inayos ko muna ang aking sarili bago buksan ang pinto, pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si tita Amelia kita ko ang lungkot at pag-aalala sa mukha nya ngumiti lang ako sa kanya at bigla nya akong niyakap, napahikbi ako sa balikat nya na parang batang iniwan ng Ina, Nakita nya din ata ang balita ka gabi.
"I'm sorry ija" hinagod hagod nya ang aking likod para pakalmahin,
"Hindi po" humiwalay ako sa yakap ni tita at pinunasan ang aking luha "Hindi nyu naman po kasalanan, wag po kayong mag isip ng kung ano-ano, naiintindihan ko na po si Raiko ngayun"
"I'm really sorry ija, Akala ko non nakalimutan na ni Raiko ang babaeng yun, pero nagkamali ako" tumolo ang luha ni tita habang sinasabi nya yun sa akin, makikita mo sa mukha nya ang pagka dismaya at at pagka lungkot.
Matapos ang usapan namin ni tita ay umuwi agad sya dahil may gagawin pa daw ito, Hindi ko sinisisi si tita dahil lang sa kagagawan ng anak nya, oo mali at ginawa ni Raiko pero hindi ko sya masisisi dahil Hindi ko hawak ang puso nya, were just married in paper, at walang namamagitan sa amin dahil ako lang naman ang nagmahal ako lang ang niniwala na maypatutungohan ang kasal na to, na Akala ko mag w-work kaming dalawa, tanggap ko ng hindi nya ako kayang mahalin, kulong parin si Raiko sa nakaraan nya Hindi nya kayang papasukin ako sa puso nya, sa kabila ng ginawa nya ay hindi ko sya kayang sumbatan dahil wala akong karapatan. Gagawin ko padin ang trabaho bilang asawa, kaya ko pa at kakayanin pa kung ano man ang mangyari,
Kahit na sabihin pa na ako ang Asawa at may karapatan ako pero hindi ko magagawa ang karapatan na yun, At until until kung ta-tanggapin na hindi ko makukuha ang puso nya.
**********
Lumabas ako ng kwarto para pumuntang kusina dahil nagutom akong bigla, Hindi kasi ako kumain ng breakfast at lunch tinignan ko naman ang oras at alas 4 na nang hapon.
Wala din si manang dahil rest day nya ng tatlong araw, kaya ako lang mag-isa dito sa bahay, nag timpla na lang ako ng kape at dalawang bread, napagdisisyonan kung dun sa garden mag kape dahil maganda view at maaliwalas,Habang nagkakape ako ay tumonog ang cellphone ko galing sa sala naiwan ko pala kanina, kinuha ko ang phone ko sa sala at tinignan ito habang pabalik ako sa garden,
+09********
-huy bakla! luluwas ako ng maynila sa susunod na bwan, dyan na ako mag tatrabaho dyan ako ena-sign ng boss ko-
Kumonot ang noo ko sa nabasa kung text, pero sa unang text ang parang kilala kona kung sino to, nagulat ako ng may tumawag sa phone ko, pagkasagot ko palang sa tawag ay napalayu na ang phone sa tenga ko,
"owimji! amayaaa!!!!" grabe tong babaeng to!
"Huy Emma chill para kang kinidnap sa tili mo girl!" Tumawa naman ito na parang baliw
"Syempre naman teh!! palagi na tayung magkikita dahil dyan ako Ina sign ng boss ko!" Dama parin ang kasiyahan sa boses nya,
"Oh edi mabuti, saan ka ba Ina-sign?" Tinanong ko ito at sumimsim sa aking kape dahil baka lumamig
"Sabi ng boss ko sa isang hotel daw dyan sa maynila eh, nag resign na kasi yung manager kaya ako ang papalit"
"Tatawagan kita pag luluwas ako ah, Ikaw naman ang mag t-tour sakin" excited na ani nito kaya napatawa nalang ako.
"Oo na! tawagan mo ko!" Pinatay na nya din ang tawag dahil may trabaho pa daw sya,
Mas mabuti kung dito na sya para may kasama na akong gumala or pag aalis ako isasama ko si Emma para naman di ako mabagot dito sa bahay.
BINABASA MO ANG
A Tear's in My Heart
RomanceAmaya is a simple woman. who lives in the province of La Union with her grandmother. She is a hardworking and loving granddaughter. But her life changed when her grandmother got sick and needed surgery. He met a lady who helped him in exchange for...