CHAPTER 12

54 1 0
                                    


Lumipas ang tatlong araw pero walang Raiko ang umuwi, kahit na text man lang o tawag galing sa kanya ay wala akong natanggap, gabi-gabi nalang kulang ang tulog ko dahil sa kaka-isip kung asan na sya, hindi ko mapigilang hindi mag-alala sa kanya, at kahit na ganon ang ginawa nya ay hindi ko kayang magalit. nilibang ko nalang ang sarili ko sa kapanonood ng nga Korean Novela kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam ko at nalilimutan ko ang mga sakit na naramdaman ko ng mga nakaraang Araw.

Bumaba na ako dahil tinatawag na ako ni manang para kumain,

"Okay kana ba?" Kuryusong tanong ni manang at tinitigan ang mga mata ko,

"Syempre po, ako pa ba!?" Ngumiti ako at tinaas pa ang braso ko,

"Sobrang maga oh!" Tukoy nito sa mata ko "magaling ka talagang mag tago ng tunay mong nararamdaman eh!" Pag ipapakita ko kung anong tunay kung nararamdaman ay parang ang hina-hina ko, ayoko ding mag-alala sila at isipin pa ang nararamdaman ko, kaya ko namang dalhin ang sakit na naramdaman ko, Isang tao lang naman ang gusto kung damayan ako sa lahat, ang taong sasamahan ako sa lungkot, pero ang taong yun ay malabong maging akin.

"Oh sya para gumaan naman yang pakiramdam mo isasama kitang mag Grocery at mag bayad nadin ng Tubig at kuryente, marami-rami din ang bibilhin ko dahil kunti nalang ang laman ng ref" Malaki naman ang ngiti ko sa sinabi ni manang, mas gusto ko talagang mamili kasi sobrang saya nyang gawin bibili din ako ng chichirya para may kakainin ako pag magmo-movie ako,

"Hindi ba umuwi si Raiko?" Tumingin ako kay manang at binalik din sa pagkain ang aking tingin,

"Hindi po eh" pinaglaruan ko nalang ang pagkain na nasa harapan ko dahil nawalan na ako ng gana.

"Sige na mag ready kana, ililista ko muna ang bibilhin natin" tumayo na ako at niligpit ang aking pinagkainan.

"Dalian mo ha" tumakbo naman akong bumalik papunta sa kwarto, nag-ayos lang ako at simple lang din ang suot ko nagsuot lang ako ng trouser at fitted crop-top at pinarisan ko ito ng white shoes at yung sling bag na nabili ko sa la union,

Bumaba nadin ako kaagad at Hinintay nalang si manang na Matapos mag sulat ng bibilhin namin, di nagtagal ay natapos nadin si manang at umalis nadin kami kaagad. Sumakay na kami sa Van at tahimik lang ang byahe, ilang minuto lang ay narating nadin namin ang mall bumaba na kami at pumasok, cheneck muna ng guard ang bag ko at bag ni manang bago pumasok Sabi ni manang eh uunahin muna daw naming bayaran at kuryente at Tubig at huli na ang pag g-grocery,
Sumakay na kami sa escalator papuntang third floor dahil doon kami magbabayad, Hinintay ko nalang si manang sa labas dahil marami-rami din ang tao na nagbayad, tumingin tingin lang ako sa paligid, bigla akong na nainggit ng my dumaang couple sa harapan ko magkahawak ang kanilang kamay habang naglalakad panay naman salita ang babae habang nakikinig ang lalaki sa kanya sobrang cute nilang tignan, how I wish ganyan din kami. May Nakita din akong magpapamilya at magkakaibigang masayang kumakain Dito sa mall, Kinalabit ako ni manang ng makarating sya sa pwesto ko,

"Andaming tao, natagalan tuloy ako" Reklamo ni manang kaya tumingin naman ako don sa pinagbayaran nya madami ngang tao buti nalang hindi ako sumama sa luob.

"Halikana at marami pa tayung bibilhin" tumayo nadin ako at humawak sa braso ni manang na parang takot mawala, pagkarating namin sa Grocery-han ay kumuha nadin ako ng cart tig-iisa kami ni manang dahil may bibilhin din ako, naghiwalay kami ni manang dahil may bibilhin ako don sa mga chocolate's at sa gulayan naman pumunta si manang,

"Excuse me miss, may ibang flavor pa ba kayo nito?" Pinakita ko sa kanya ang hawak kung Cookies

"Meron po andon po sa kabila" sinundan ko ang kamay nya na tumoro doon sa kabilang stall ng mga cookie's, pumunta ako agad doon at kumoha ng tatlong box non nasa bisig ko ang tatlong box, papalapit na ako cart ko ng maybiglang bumonggo sa akin, kaya natumba ako sa at tumilapon ang dala kung Cookies.

"ah!" Napahawak ako sa siko ko ng ito ang natukod ko sa pagkatumba ko

"Oh sh*t!, I'm sorry miss" pinatayu naman ako nito at kinuha nya ang box ng cookies doon sa sahig nakahawak padin ako sa siko ko, tinignan ko ang lalaking nakabunggo sa akin naka  oversized jacket lang ito at Isang simpleng White shorts, ng binigay nya sa akin ang box ay tumingin ako sa mukha nya, mukhang familiar ang lalaking to.

"I'm sorry miss, I didn't see you" kinuha ko ang box mula sa kanya at tumingin din ito sa akin,

"you look so very familiar" napaisip naman ito kung saan nya ako nakita.

"Oh I forgot, but you look so very familiar, I'm sorry again" nilagay ko sa cart ko ang box

"Okay lang, Hindi din kita nakita na papalapit" pinagpagan ko aking damit dahil maalikabok ang sahig.

"by the way I'm Theo," Nilahad nya ang kamay nya at tinanggap ko naman yun

"Amaya! Amaya ang pangalan ko" ngumiti ako at binitawan ang kamay nya,

"Do you need help? is it hurt?" Tumingin naman ito sa kamay kung naka hawak sa siko,

"Ah hindi na, hindi namang masyadong masakit" lumingo ako at ngumiti nalang,

"Sige una na ako, pasensya na ulit" tinulak ko na ang cart at hinanap si manang. Tumango lang ito at tumabi para padaanin ako.

Nilingon ko ulit ang lalaki at nakita kung nakatingin padin ito sa akin kaya umiwas agad ko, he's tall naman at maputi
din he's chinito din may itsyura.

A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon