Pagkatapos nang sagutan namin ni Raiko ka gabi ay hindi na ito lumabas ng kwarto nya, baka dun na naman sya nagmoumukmok sa office nya, akala ko nga ay aalis na naman sya.
"San ka pupunta?" Tinignan ko sya pagkababa nya sa hagdan."Somewhere." Sinundan ko sya tingin ng pumunta ito sa kusina at uminom ng tubig.
"Aalis ako m-mamaya may bibilhin lang a-ako saglit." Humarap sya sa akin.
"Do what ever you want, I don't care." Nilagpasan lang ako nito at umalis agad sya, maya maya lang ay narinig ko na ang sasakyan nya paalis.
He always doesn't care.
Pag sinabi ko bang buntis ako mag-aalala sya?
-------
Makikita kami ni Emma ngayun dahil rest day nya sabi nya sa akin ay dun nalang daw kami magkikita sa hotel na pinag tatrabahoan nya, kaya pagkatapos kung magbihis ay agad akong umalis ng Bahay.
Medjo malayu ang hotel kaya hindi agad ako naka abot sa call time namin dahil nadin Sobrang traffic kahit na alas 3 palang ng hapon.Pagpasok ko palang ng hotel ay agad kung nakita si Emma,
"huy bruha!" Niyakap nya agad ako pagkalapit ko sa pwesto nya.
"Oh kamusta na? sobrang busy batin ah" Naglalakad kami papuntang cafeteria nitong hotel, nagugutom daw sya kaya kakain daw muna sya.
"nakakapagod mag trabaho jusko!" Napatawa naman ako sa mukha nya.
Habang nag lalakad kami ay ang ibang empleyado ay panay ang bati kay Emma, mataas na ata ang position nang babaeng to Dito,
"Parang artista ah" Natatawa kung sabi sa kanya.
Pa kaway kaway naman sya at nag lakad na parang model, kaya napatawa ako Lalo.
"Kinarer mo naman no" napatawa nalang kaming dalawa.
Habang kumakain si Emma ay bigla akong naihi kaya nag banyo muna ako saglit, pagkalabas ko ng banyo ay may nakabangga akong babae at nahulog ang cellphone ko.
"I'm very sorry" pinulupot ko ang cellphone ko ka nahulog at tinignan ang babae para maka hingi ng paumanhin.
"Pasensya na din po" pagka harap ko sa kanya ay natigilan sya.
"You look very familiar... Oh Raiko's wife" Tama sya yung kausap ni Raiko sa La Union.
"A-ah ako nga po, hello po" Nakipag beso sya sa akin at ngumiti.
Hindi din naman nag tagal ang usapan namin ni tita marie dahil may nag-aantay daw sa kanya.
Pabalik na sana ako sa cafeteria ng tumonog ang phone ko,
"Emma? pabalik na ako" dali dali akong naglakad pabalik sa cafeteria.
"Pinatawag ako saglit, may aasikasohin lang ako antayin mo ako sa lobby"
"Okay sige " binaba ko na ang tawag at tumingin sa paligid.
Naglakad lakad muna ako saglit bago ako pumunta sa lobby, Nang mapagod ako ay agad din akong naglakad pabalik sa lobby.
Napahinto ako ng makita kung lumabas sa Isang pinto si Raiko, napatigil din ito ng makita ako wala akong makitang gulat sa mukha nito at nanatili lang ang seryuso sa mukha nya.
"R-raiko......"
May Biglang lumabas ka babae sa nilabasan nyang pinto kaya parihas kaming napatingin sa babae, napahinto din ito ng makita ako tinignan nya ako at parang sinusuri.
Lumapit sya kay Raiko at hinawakan ang braso nito na parang nagsusumamo.
"Where are you going ba? you didn't hintay me naman eh"maarting Sabi ng babae, Napantig naman ang tenga ko sa sinabi nya.
Nanlambot naman ang tuhod ko sa eksenang nasaksihan ko ngayun."Who are you? Sino sya?" Tumingin ito sa akin at sunod kay Raiko.
"I don't know, I didn't know her." Nanubig ang mata kung tinignan sya, paano nya nasasabi to.
"I thought she's the one of you're flings, at parang hindi mo naman taste ang mga ganyan" Tinigna nya ako mula ulo hanggang paa,
Bigla akong nawalan ng kumpyansa sa sarili, I'm not one of his flings! I'm his wife! Naramdaman ko nalang ang sarili kung naglakad paalis sa pwesto nila, hindi ko kayang Makita sya at ang babaeng yun na ganon ang eksena sa harap ko pa,
He always give me pain.
BINABASA MO ANG
A Tear's in My Heart
RomanceAmaya is a simple woman. who lives in the province of La Union with her grandmother. She is a hardworking and loving granddaughter. But her life changed when her grandmother got sick and needed surgery. He met a lady who helped him in exchange for...