It's been a 2 weeks ng nangyari ang sagutan namin ni Raiko masakit padin sa part ko ang mga sinabi nya, Sobrang lungkot ko sa mga nagdaang araw dahil don pero pinag sawalang bahala ko nalang, Hindi nadin kami nag kikita dahil don sya umuuwi sa condo nya, huling kita ko sa kanya ay nong kumoha sya ng damit pero umalis din kaagad, Doon ko na realize na parang wala ng pag-asa ang kasal nato at hindi magtatagal ay mag fa-file din sya ng annulment, dahil yun naman talaga ang gusto nya noon paman.
Andito ako ngayun sa probinsya namin dahil bibisitahin ko ang aking Lola matagal tagal nadin ng huli naming kita nagpa hatid lang ako sa driver namin papuntang La union,
malayulayu ang la union sa manila kaya nagpa hatid nalang ako mga 3 hrs ang byahe bago ako makarating."Maraming salamat Tay Daniel, ingat po kayu pauwi" tinanaw ko ang sasakyan paalis bago hinarap ang Bahay ni lola napangiti ako nang masilayang muli ang Bahay na kinalakihan ko ang Bahay na puno ng masasayang ala-ala,
"Lolaaaaa" sigaw ko ng nakita ko itong nagdidilig sa harap nang bahay lumingon naman ito at nagulat ng Makita ako
Dali dali naman nyang binuksan ang aming munting gate at niyakap ako,"Apo ko jusko" naiiyak nyang sabi habang naka yakap padin sa akin, niyakap ko sya ng mahigpit naiiyak nadin ako dahil mahigit dalawang buwan kaming Hindi nagkita, namiss ko tagala sya pati nadin ang Bahay nato at ang tahimik at magagandang tanawin dito sa probinsya namin.
"Okay napo ha kayu la?" Papasok na kami ng Bahay ay dala ko ang Isang maleta dinamihan ko na ang mga damit ko dahil mag s-stay muna ako dito ng mga dalawang linggo gusto kung kalimutan muna saglit ang problema ko sa maynila,
"Okay na ako apo, salamat ha" hinaplos nito ang mukha ko at hinalikan ako sa pisngi,
"Basta sayu la gagawin ko lahat, Mahal na mahal kaya kita"
"Oh asan si Raiko? Hindi mo ba kasama?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Lola ng banggitin nito ang pangalan ni Raiko, kilala nya si Raiko andon sya nong kinasal kami
"Marami kasi syang gagawin la kaya hindi na sya naka sama pero hayaan mo sa susunod isasama ko na sya" kailangan kog magsinungaling na okay kami, wala akong balak Sabihin kay Lola ang totoong nangyayari sa amin ni Raiko, ang tanging nakaka-alam lang sa sa totoo ay ang mommy ni Raiko.
"Wala talagang kupas ang luto mo la sobrang sarap padin" pinagluto ako ni Lola ng aking paboritong adobo at seafood, namiss ko ang ganitong pagkain,
"Bibig mo" sita nya dahil punong puno ang bibig ko ng pagkain habang nag sasalita, sinuklian ko lang sya ng ngiti at pinagpatuloy ng kumain.
Andito ako sa dati kung kwarto nilapag ko na ang mga gamit ko ay sumampa na sa aking higaan namis ko to talaga, Naligo nako at nag bihis pagkatapos, maaga akong matulog ngayun dahil pupunta ako sa resort na pinag tatrabaho-an ko dati isa nato ngayung sikat ka resort dito sa la union,
Nagising ako ng alas sais ng umaga naririnig ko na ang mga huni ng ibon naghilamos muna ako bago bumaba, nakita ko naman si Lola sa kusina at nagluluto,"Morning lola" yumakap ako sa likod nya at hinalikan sya sa pisngi
"Magandang umaga naman ija, maayos lang ba ang tulog mo?" Tumango ako
"Mabuti naman kung ganon, Sige na mag kape kana binilhan Kita nag tinapay" kinuha nya ang Isang supot na nakapatong sa ref at nilapag sa lamesa
"Mamaya na la, pupunta muna akong dalampasigan mukhang maganda ang alon ngayun naririg ko" masayang ani ko bago lumabas ng Bahay, pagka labas ko ng pinto ay nakikita ko na ang dalampasigan sobrang presko ng hangin, naglakad lakad ako sa dalampasigan sobrang Ganda ng mga alon ang sarap maligo
"Sana madala ko dito si Raiko" bulong ko nagiba na naman ang mood ko pag na-iisip ko sya, kumain na kaya yun? palagi nalang talaga ang trabaho nya ang inaatupag nya.
Bumalik ako sa bahay at naligo dahil pupunta ako sa resort gusto kung Makita ang resort namiss ko na ang mag trabaho don sobrang laki din nang tulong sa akin nag resort nayun, mag suot lang ako ng up shoulder floral dress na Hanggang tuhod at Isang flat sandals, kinuha ko na ang bag ko at lumabas nadin sumakay lang ako ng tricycle malapit lang naman ang resort sa bahay kaya madali lang din akong naka punta,Pagkababa ko ay nakikita ko na ang magagandang tanawin masasabi kung marami ngang nagbago sa resort mas Malaki na kumpara dati, sobrang daming tao Sabi ni Lola ay araw² daw maraming tao ang resort kaya mas nakikilala na ito ng husto,
"Amaya?" Napalingon ako sa tumawag sa akin
"hala Ikaw nga, ang ganda mo na" pagkaharap ko ay nakita ko ang aking beat friend Dito sa resort na si Emma,
"Emma!" niyakap nya naman ako at gumanti din ako ng yakap sa kanya
"Na miss kita, bakit ngayun ka lang bumalik? Ang ganda mo na ha"
"Sa maynila na kasi ako nakatira binisita ko lang si Lola" tinignan ko naman sya naka uniform pa ito at tama nga ako nag t-trabaho pa din sya Dito
"May boyfriend kana no?" Panunukso nito at kinurot pa ako sa tagiliran
"Wala akong boyfriend, Asawa meron" proud kung sabit at lumaki naman ang mata nya sa sinabi ko, nagtatatalon naman ito sa tuwa at niyakap ako
"Totoo ba?" Hindi makapaniwala nyang sabi, hay Ganon padin talaga sya Hindi tagala nag bago, natawa nalang Ako dahil sa kulitan nya.
BINABASA MO ANG
A Tear's in My Heart
RomanceAmaya is a simple woman. who lives in the province of La Union with her grandmother. She is a hardworking and loving granddaughter. But her life changed when her grandmother got sick and needed surgery. He met a lady who helped him in exchange for...