CHAPTER 51

134 3 0
                                    



" Goodmorning, Happy birthday my love." Dumilat ito at lumapit para yakapin ako.

At dumating na nga ang Birthday ni Raikhyn masayang masaya nga ito pagka gising, at balak ko doon sa La Union e celebrate ang birthday ni Raikhyn dahil nandon din si Lola Hindi kasi sanay si Lola sa byahe dahil matanda nadin nahihilo daw sya sa byahe kaya doon nalang kami mag celebrate, Ininvite ko din sina Tita at Tito dahil sa kagustohan din ni Raikhyn na Makita ang Lolo at Lola nya. Senend ko sa kanila ang Address namin doon para Hindi na sila maligaw.

Nandito padin kami sa Manila balak ko mamayang 1pm ba byahe kami nang La Union diito ko na din gagawin ang cake ni Raikhyn dahil request nyang ako ang gumawa nang cake nya kaya andito kami sa kusina ngayon nag hahanda nang ingredients.

"Mommy I want chocolate cake po" Kinarga ko sya at pinatong ko sa upoan, sinootan ko din sya ng apron dahil gusto nya din daw magsoot.

"Sure my love, anything else? may gusto kapa bang e bake ni mommy?" Ngumoso naman ito na parang nag-iisip.

"Brownies!!!" sigaw nya

Syempre he's favorite makakalimutan ba nya yan, napatawa nalang at tumango sa kanya agad din akong mag simula para matapos din kami agad, Nagpa cater lang din ako para Hindi na masyadong hassle tsaka nagpa decorate nadin kasama sa pina booked kung catering para pag dating namin don mag sisimula na, Hindi din naman ako mahilig sa bongga na birthday party kami kami lang din naman kaya simpleng handaan lang.
Sinabihan ko na din sina Tita na mga 5pm magsisimula.

Nalagay ko na sa oven ang cake at brownies kaya mag aantay lang kami nang ilang mga minuto, naglinis muna ako sa mesa dahil sa nag kalat na harina at mga chocolate ito namang si Raikhyn sobrang dungis nang mukha dahil nilantakan yung chocolate.

"Baba muna maglilinis lang si mommy, tignan mo mukha mo oh." Tinaas naman nito ang dalawang kamay kaya binuhat ko sya.
Kumoha ako ng wipes at pinunasan ang mukha nya.

"I want to eat the cake mommy." kanina pa sya nagpupumilit na kainin na nilalagay ko palang sa  gusto na nyang kainin kahit hindi pa luto.

" Mamaya po kasi oh binibake pa," Turo ko sa oven.

"So we will wait for more minutes?" Malungkot na aniya.

Tumango ako " Kakain tayo Mamaya pag naluto na okay?" Tumango din ito at sinabing Kakain nalang sya ng kanin.

Oh ayan nagutom na.

Habang naghihintay sa cake ay nagluto mo na ako ng uulamin namin dahil nagutom din ako sa pagbebake, nag request naman itong batang to na gusto nya ng sinigang kaya yun nalang ang niluto ko.

Nang matapos akong magluto ay nagsimula ma din kaming Kumain.

"Nabusog ka ba?" Nagliligpit na ako nang pinagkaininan namin.

" Ang delicious po ng sinigang" Abay dapat lang no masarap magluto ang mommy mo.

" Go brush your teeth na, aalis tayo maya maya." Agad itong pumunta sa kwarta nya.

Nang matapos ding ma bake ng cake ay agad ko din itong nilagyan nang icing at iba pang mga design nito at pagka tapos at nilagay kona din sa box. yung mga brownies naman ay nilagay ko din sa box para pwedeng pang dessert ito mamaya.

Pumunta muna kami ng mall ni Raikhyn para bilhan sya ng gift hindi naman mahilig si Raikhyn sa mga gifts pero dahil birthday nya pinilit ko syang pumili kung anong gusto nya.

"Do want toys?"

"No mom, marami na po akong toys sa house." Umiling iling na sabi nya.

" So anong gusto mong birthday gift ni mommy para sayo?" Lumohud ako para pantayan sya, andito pa naman kami sa toys section para bilhan sya kaso ayaw na nya ng toys nagbibinata na ata tong baby ko ayaw na mag toys.

" I just want to meet Daddy."






A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon