CHAPTER 6

63 1 0
                                    

Nang makapasok na sya sa sasakyan ay pumikit parin ako para hindi nya mahalata ang mugto kung mata, Hindi parin umaandar ang sasakyan at naramdaman ko nalang na kinumotan nya ako gamit ang jacket nya pagkatapos non ay pinaandar nya na rin ang makina at sinimulan ng magmaneho, naramdaman kung huminto kami kaya minulat ko ang aking mata at tumingin sa labas,

"Bat tayu huminto?" Tumingin ako sa kanya na nagtataka.

"Magpapa gas lang ako, you can go to the restroom" Turo nito sa likod ng gas station nakita ko naman ang mga restroom doon, naiihi din kasi ako at kailangan kung ayusin ang sarili ko kaya tumango ako, kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kotse,

Nagpa gas na sya at dumiretsyo naman ako ng restroom pumasok ako sa Isang cubicle at umihi, lumabas nadin ako pagka tapos at tinignan ang aking sarili Dito sa salamin ng restroom kita padin ang mugto ng aking mata kaya nag retouch lang ako saglit, pagka labas ko may kausap pa si Raiko sa phone nya at nagpapa gas pa, napalingon ako sa paligid at may nakita akong mini park Dito sa Lugar na hininto-an namin maramirami din ang mga tao kahit pasado alas nwebe na ng gabi, lumiwanag ang mata ko ng may makita akong stall ng mga street food, may mga ihaw-ihaw, kwek-kwek, fish ball, milk tea at iba pa, natakam ako bigla pizza lang din kasi ang kinain ko kanina, tumawid muna ako ng kalsada bago marating ang mini park nila dito dumeritsyo ako sa mga food stall dito, lumiwanag ang mata ko ng Makita ko ang aking paboritong siopao at crispy isaw,

"Magkano ang isaw kuya?"

"Limang piso lang ma'am" kumuha ako ng limang isaw at may ihaw² din sila kaya kumoha ako ng tatlong atay ng manok, habang niluluto pa ang mga binili ko ay pumunta muna ako sa tapat na stall at bumli ng dalawang siopao, sobrang na namiss ko ang mga pagkain na to kaya naparami ang bili ko, kinain ko muna ang Isang siopao habang Hinintay maluto ang binili ko, tumonog ang phone ko tining-nan ko kung sino ang tumawag at nanlaki ang mata to ng tumawag si raiko, nakalimotan ko kasama ko pala sya naaliw kasi ako sa mga pagkain na nakita ko kaya hindi ko sya napansin,

"Where are you?! are you still in the restroom?" Bungad nya ng masagot ko ang tawag,

"Tingin ka rito sa harap" Nakita ko itong naka pamewang na parang naiinis na, kumaway ako para makita nya ako, nakita ko naman itong humarap at napalingon-lingon sa paligid

"Dito!" Kumakaway parin ako Hanggang sa nakita na nya din ako.

"Stay there, wait for me" pagkasabi nya non ay pinark nya muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada,

"What are you doing here? We need to go it's already late" tumingin ito sa relo nya at tiningnan ako na parang Hinintay ang sagot ko,

"May binili lang ako, nagutom kasi ako eh nakulangan ako sa pizza kanina" pagkasabi ko non ay tumingin ito sa paligid

"Okay let's go! hahanap tayu ng bukas na restaurant" hinawakan na nito ang balikat ko at akmang lalakad na ng pinigilan ko sya nagtataka naman itong tumingin sa akin.

"Ayoko sa restaurant! Dito nalang"

"There is no food here"

"Meron andon oh!" Turo ko sa mga food stall hinila ko Naman sya papunta doon, yung pinaluto ko baka tapos na nagugutom na talaga ako,

"Kuya luto napo ba?" Tanong ko ng makarating ako,

"Opo ma'am, may upoan pa po doon sa dulo don nalang po kayo umopo" binigay naman ni kuya ang aking pinaluto at pumunta don sa bakanting upoan, sumonod Naman si Raiko sa likod ko,

Umopo na kaming dalawa at nilapag ko na ang pagkain sa lamesa, nilantakan ko naman ito dahil sa sobrang gutom,

"What's kind of a food is that? is that safe to eat?" Nagtatakang tanong nito at tumingin sa kinakain ko,
Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago sya tinignan ng masama,

"Masarap kaya to mas masarap pa nga ito sa mga restaurant na kinakainan mo eh, Dito mas mura kaya mabubusog ka" lintana ko at sumobo ulit, sobrang sarap talaga,

"Slow down, wala namang aagaw nyan" saway nito sa akin dahil sinubo ko ang tatlong stick ng isaw

"What's that?" Turo nito sa atay ng manok na kinuha ko

"Atay ng manok" Sabi ko at sinubo ito

"What? A liver?" Gulat na tanong nito

"Arte mo!" Hindi ko nalang ito pinansin at kumain nalang, binigay ko sa kanya ang isaw atay at tumanggi naman ito dahil hindi daw sya kumakain nito, Arte talaga!

Natapos nadin akong kumain kaya tumayo nadin kami para makaalis na dahil anong oras nadin, may tumawag sa kanya kaya bumili ako ng dawalang milk tea, Hindi ko pinalagyan ng pearl ang sakanya dahil hindi sya kumain non,

Nakita ko itong papalapit na sa akin, Nangmakalapit na sya at binigay ko sakanya ang milk tea, kinuha nya ito at tinignan kung may pearl ba,

"Walang pearl yan" Tinikman naman nya at parang nasarapan.

Tumawid nadin kami sa kabilang kalsada dahil doon nya pinark ang kotse, pumasok nadin kami at mag drive nadin sya, habang mag da-drive sya ang kinuha ko ang natirang siopao sa bag at kinain,

"are you not done yet?" Naka kunot ang kanyang kilay habang sinasabi yun, inalok ko nalang sya sa kinakain ko,

"Tikman mo, masarap yan"Alok ko sa kanya

"I'm full"

"Ayaw mo lang talaga, Arte!" Nag fucos na ito sa pagmamaneto, inobos ko nalang ang milk tea at tumingin sa labas ng bintana,

Mga Isang oras nalang din bago kami makarating ng manila dahil hindi naman masyadong traffic kaya umidlip muna ako,
Nagising ako ng bumosina ang kotse, nasa Bahay na pala kami binuksan naman ng guard ang gate at pinasok nadin ni Raiko ang kotse, tinignan ko naman ang oras malapit ng mag 11,

Pagka park nya sa garahe ay lumabas nadin ako ng kotse, nagpa-alam na ako sa kanya na mauuna na akong pumasik dahil napagod ako sa byahe kailangan ko din maligo dahil sobrang lagkit ko na,

Pagpasok ko sa kwarto ay diritsyo ako sa Cr at naligo na, nagbihis nadin ako ng pangtulog at binagsak ang katawan sa higaan, sobrang saya ko ngayun dahil kahit na sa kunting oras ay nakasama ko si Raiko, kahit papano ay napapasaya nya ako kahit na sa simpleng mga bagay lang, napapansin ko din lately na parang nagaa-alala sya sa akin.

A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon