CHAPTER 50

265 5 0
                                    


Kinuha ko ang bag na dala dala nya at kinuha ang bimpo para punasan ang pawis nya dahil sobrang basa nang kanyang likod.

"Bakit hindi nyo po ako sinundo my?" Napatingin ako sa orasan dito sa Coffee Shop.

12 na???

Diko namalayan ang oras, teka sino nag hatid sa kanya.
Napatingin ako sa lalaking pumasok sa pinto.

"Mom! Anak po sya ni Teacher Elizabeth, sya po ang naghatid sa akin."

"yeah I am, kanina pa kasi ang labasan nila, si Raikhyn nalang ang walang sundo kaya pinahatid sa akin ni mama." Tumingin ito sa akin at ngumiti kaya nginitian ko din sya pabalik.

"Thank you sa pag hatid sa anak ko, at pasensya nadin sa abala hindi ko talaga na pansin ang oras."

"No worries, I'm Jason by the way." Nilahad nya Ang kamay nya.

"Amaya." Tinanggap ko ang kamay nya.

"Sige alis na ako, Bye Raikhyn." Kumaway si Raikhyn sa kanya.

Napansin kung may naka tingin sa akin at doon ko natagpuan ang malamig na tingin ni Raiko sa amin.
Matapos nya akong titigan ang agad dumapo ang tingin nito sa batang nasa tabi ko.
Kita ko ang gulat sa mga mata nya habang ang mata ay nakay Raikhyn pa rin, bumaling ang mata nito sa akin na parang nagtatanong.

Hindi! Hindi ito pwede!

Agad kung pinapasok si Raikhyn sa loob nang Opisina ko, baka Makita sya ni Raikhyn Kilala na sya nang anak nya! Nag aantay pa nga nang tamang oras eh bat naman ngayun at Dito pa talaga.

"I'm sorry anak hindi namalayan ni mommy ang oras eh." Bakit Naman sa lahat nang makakalimotan ko ang oras pa talaga!

"Eh titig na titig ba naman sa gwapong customer talagang makakalimutan ang oras." Pagpaparinig ni Emma akin, inirapan ko lang sya. At lumabas nadin sya pagka tapos

"No worries mommy!" naka ngiting sambit nya kaya hindi ko mapigilang halikan ang makinis nyang pisngi.

"Did you eat your lunch?" Tumango ito habang naglalaro sa Ipad nya.

"Bihis mo na sobrang pawis mo na oh." Binitawan nito ang Ipad nya at humarap sa akin para mabihisan. Pagkatapos ko syang bihisan at bumalik din sya sa couch at tutok na tutok sa Ipad nya.

"Behave lang dito ah, just play with your Ipad nalang mo na, maraming customer si mommy sa labas." Tumango ito, hinalikan ko muna sya bago ako lumabas.

Pagka labas ko palang ay agad dumapo ang mata ko sa kinauupoan nila Raiko kanina pero wala na sila roon.

"Wala na naka alis na! Tagal mo eh may goodbye kiss ka pa sana." Panunukso ni Emma.

"Tumigil ka nga baka may maka rinig sayo." Bumungis-ngis lang ito at parang nasisiyahan sa pang aasar sa akin.

Lumipas din ang oras at pa gabi na din at kunti nalang ang tao sa shop kaya nag aantay nalang kami na matapos sila, nag linis at nag ligpit na rin kami,Si Raikhyn ayon bagong gising naglalaro na naman sa Ipad nya.

"Ano next plan mo? Nakita na ni Raiko Ang anak nya kanina." Napaisip ako sa sinabi ni Emma.

"Sa Totoo lang...Hindi ko pa alam." Napabuntong hininga ako sa Dami nang ini-isip.

"Sabihan mo ko pag kailangan mo nang tulong, kung gusto mo gulpihin natin ang lalaking yon eh."

"Sira ka talaga! Ihahatid na kita para makagpahinga kana rin." Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Closed na po balik nalang kayo next year-" Hindi natapos ni Emma ang sasabihin nya nang Makita ang Matangkad at Matipunong lalaki sa pinto, Naka White polo ito at black trouser napaka linis tignan, may dala itong paper bag sa kaliwang kamay at ang kanang kamay ay nanatili sa loob nang bulsa nya.

"Sabi mo Mamaya ka pa?" Lumapit si Emma sa Lalaki

"Surprise?"Napanguso si Emma sa sinabi nang lalaki kaya napatawa ito nang mahina nang makita ang Reaksyon nang Babae.

" I brought your favorite." Pinakita nya ang paper bag na dala nya at lumiwanag naman ang mukha ni Emma sa Nakita. Hinalikan nang lalaki ang Noo nya at niyakap sya.

Napaubo ako at doon lang nila napansin ang presensya ko kaya agad napabitaw si Emma sa bisig nang Lalaki at humarap sa akin.

"A-ah Amaya si Theo, Theo si Amaya kaibigan ko yung kinikwento ko sayo." Tumitig ako sa lalaki dahil parang pamilyar sya sa akin.

"Ikaw yung Doctor ni Raikhyn di ba?" Tumango ito at naglahad nang kamay.

So itong Doctor nato ang naka buntis kay Emma?






A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon