CHAPTER 40

198 6 0
                                    


Kanina lang nakita ko ang Tatay nya tapos ngayun nandito kami sa Ospital! Hindi pa nga ako naka get-over sa pagkikita namin tapos ngayun yung anak ko naman.

11pm na nang gabi at hinihintay pa namin ang doctor parihas kami ni Emma na wala pang kain pero Sabi nya busog pa naman daw sya pinilit ko syang umuwi na at magpa hinga Lalo nat buntis sya kaya kailangan nyang kumain at magpahinga pero matigas ang ulo gusto pa talaga akong samahan dito.

"Kumain ka muna ako na muna mag babantay kay Raikhyn." Sabi nito kaya pinandilatan ko sya.

"Dapat nga Ikaw ang kumain kasi buntis ka!"

"Busog pa ako Amaya" Umopo sya at hinawakan ang tyan nya.

"Halata naman na busog ka!" Bumosangot naman sya dahil sa sinabi ko.

Nakarinig kami nang katok mula sa pinto.

"Ako na" Tumayo si Emma at binuksan ang pinto.

Pagbukas nya nang pinto ay bigla syang napako kinatatayuan nya at hindi gumalaw nang makita kung sino ang nasa pinto.
Tumayo ako tinignan ang doctor na papasok sa kwarto nang anak ko, kita ko din ang gulat sa mukha nya nangmakita nya si Emma. Nangunot ang noo ko sa inasal ni emma, nilakihan nya ang siwang nang pinto upang makapasok nang tuloyan ang Doctor.

Umopo si Emma sa couch at tinuon ang sarili sa cellphone nya.

"I'm Doc Theodore Leo Martinez, I'm Raikhyn's Doctor!" Magalang na pagpapakilala nito at nilahad ang kamay nya.
Pagkatanggal nya nang eyeglasses nya ay parang familiar sya sa akin.

"Nice to meet you doc! Kumosta na po ang kalagayan nang anak ko?"

"He's fine now, he needs some rest at may ibibigay akong gamot na kailangan nyang I take para mawala ang pamumula nang balat nya." Binigay nya sa akin ang maliit na papel na nakalagay dun ang gamot nang anak ko.
Chineck nya muna si Raikhyn.

Ito namang si Emma ay parang hindi mapakali sa kinauupo-an nya. Parang may iniiwasan.

"I'll go now, babalik-"

"L-labas muna a-ako Amaya." Hindi natapos ni Doc ang sasabihin nya nang dali daling lumabas si Emma.
Sinundan naman sya nang tingin nang Doctor na kinataka ko.

Nagpasalamat nadin ako sa kanya at Sabi nya ay babalik nalang sya bukas para e check ulit si Raikhyn.

Asan naman kaya nag punta ang buntis na yun. Tinago ko muna ang niresita nang doctor na gamot ni Raikhyn, at nilagay sa bag ko.

"Mommy...." Napabaling ako sa anak ko nang magsalita ito.

"Raikhyn. May masakit ba sayo? gusto mo ba kumain? Anong gusto mong kainin?"

"N-no mommy... I'm not h-hungry p-po."

"Are you sure? just tell mommy if you want to eat ha." Tumango say at hinalikan ko sa noo.

"Next time Raikhyn if you want to eat something please tell mommy or tita Emma, you know naman diba na you have allergies." Mahinang sabi ko sa kanya, kailangan ko na din talagang mag ingat sa mga kinakain nya.

"yes mommy, I'm sorry." Malungkot na sabi nya at nangingilid na ang luha.

"Mommy is not mad Raikhyn, nag-aalala lang si Mommy," Niyakap ko sya at pinapatahan.

"Hush now, the doctor said you need to rest, para maging strong na ulit!" Hinalikan ko sya sa pisngi at inayos ang higaan nya.

A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon