CHAPTER 25

70 1 0
                                    


Napag-isipan ko nang mabuti ang sinabi ni manang na magpa check up ako para malaman kung buntis ba ako o Hindi, pero sobrang lakas ng kutob kung may bata talaga sa sinapupunan ko.

Dali dali nadin akong bumaba para maaga din akong makauwi   Hindi ko na pinasama si manang dahil alam kung pagod sya, kaya ako nalang mag-isa ang aalis nagpahatid nalang din ako dahil sa kakulitan ni manang na magpahatid na daw ako baka kasi mapano,

"Siguro ka bang hindi kana magpapasama ija?" Palabas na ako ng pinto nag sumonod si manang.

"manang kaya ko naman po, tsaka mag iingat din po ako" hinawakan ko ang braso nya para kumbinsihin syang kaya ko.

"oh sya sige, mag iingat ka uwi agad pagkatapos ha, balitaan mo ako" ngumiti ako at niyakap sya,

Pumasok na ako at umaandar na ang sasakyan, medyo malayu ang ospital na pupuntahan ko dahil sabi ni manang ay dun daw ako mag papacheck-up sa private doctor ng mga Fontenilla kaya sumang-ayun nadin ako,

Hindi din nag tagal ay nakarating nadin ako sa ospital na sinasabi ni manang, sobrang laki naman ng ospital nato halatang puro mayayaman ang nandito,

Bago ako bumaba ay sinabihan ko nalang ang driver na sa kotse nalang ako hintayin, pagkababa ko ay bigla akong nakaramdam ng kaba kinakabahan ako sa posibleng maging resulta, pero alam kung handa na ako kung ano man ang magiging kahihinatnan.

Pagpasok ko sa ospital ay dumeritsyo ako sa lobby para mag tanong kung saan ko makikita ang opisina ng mga OB, sinamahan ako ng nurse sa opisina ni doctora perez isa daw sa magagaling na ob doctor dito sa hospital nila, huminto kami sa isang pinto at kumatok muna sya bago nya ito buksan,

"Goodmorning doc!" Pagpasok namin ay may pasyente pa pala syang inaasikaso.

Umopo muna ako dito sa gilid at nagpasalamat sa nurse.

"Okay, thank you!" Tapos na silang mag-usap ay agad akong tumayo,

"Hi goodmorning, how may I help you?" Sininyasan nya akong umopo sa tapat ng mesa dito sa opisan nya ata sumunod agad ako.

"Gusto ko lang sana pong malaman kung totoo po ba ang kutob ko" napatango² naman sya at parang alam na kung anong tinutonoy ko.

"Ano bang nararamdaman mo?" May kinuha ito sa drawer at alam ko kung ano iyon.

"Nagsusuka at palagi po akong nahihilo at pihikan nadin ako sa pagkain tsaka may hinahanap po akong amoy" binigay nya sa akin ang kinuha nya kanina.

"Lahat ng yun ay sintomas ng pag bubuntis ija, subukan mo muna yan" tumingin naman ako sa binigay nya,

Hinihintay ko nalang ang resulta ng PT at sobrang kinakabahan ako, namilog ang mata ko ng Makita ko ang dalawang linya!

"B-buntis ako..." Biglang tumulo ang luha sa aking mga mata dahil sa tuwa, thank you lord sobrang thank you po sa napaka gandang blessing ito.
Pinakita ko na kay doc ang resulta ng PT.

"Inaasahan ko na yan" napangiti sya ng makita nya ang dalawang guhit sa pt.

"I will check you first para alam mo kung ano ang kailangan mong iwasan" napatango ako sa sinabi nya.

Matapos ang test na ginawa ni doc ay Hinintay ko nalang syang lumabas, napatayu agad ako ng lumabas na si doc.

"Congrats ija, you're 3 week's pregnant!" Napangiti ako sa sinabi ni doc,

"You're baby is healthy here's ur vitamins ija, drink that on time and please wag kang magpaka stress, iwasan din ang pagbubuhat ng mabibigat" may binigay nya sa akin ang maliit na papel.

"Thank you po doc!" Malaki ang ngiti ko ng palabas ako ng hospital, napahawak ako sa tiyan ko at napangiti.

Sinabihan ko ang driver na dumaan muna sa malapit na pharmacy dahil bibilhin ko muna tong vitamins na niresita ni doc, kailangan ko ka talagang mag-ingat sa ngayun dahil may bata na sa sinapupunan ko.
Pagkabili ko nang vitamins ay agad akong umuwi

Anditu ako sa kwarto at iniisip kung paano ko sasabihin kay Raiko ang tungkol sa pagbubuntis ko, may part sa akin na excited na sabihin sa kanya baka sa pamamagitan ng batang to ay magbago sya, pero nababahala padin ako baka hindi nya matanggap na may anak sya sa akin, sya lang din ang nag sabi na hindi nya ako Mahal ang anak ko pa kaya.

A Tear's in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon