Mag-gagabi na din ng makauwi kami ni manang dahil madami dami din talaga kaming binili, nag aya pa kasi akong kumain pagkatapos naming mag grocery dahil natakam na naman ako sa mga pagkain dito sa mall, pagka dating namin sa bahay ay pinasok na ni mang Daniel ang lahat ng binili namin,
"Tatawagin nalang kita kung kakain na ha" Rinig kung sabi ni manang kaya tumango lang ako, dumeritsyo na sa kwarto, nag punas nalang Ako diritsyo at nag bihis nadin ng pangtulog humiga muna ako sa kama dahil ramdam ko ang sakit ng aking mga paa habang naka pila kami sa counter kanina sobrang haba ng pila dahil dagsa ang mga tao matagal din kami sa counter dahil anim na malalaking cart ang mga nabili namin pang 1 month grocery na kasi yun, umidlip muna ako saglit at dimana ang sakit ng aking paa at ng siko ko,
Nagising ako sa katok mula sa pinto-an."Ija anak? kain na bumaba kana dyan." Pagmulat ko ay rinig ko na ang tawag ni manang galing sa labas
"Susunod napo ako!" Sigaw ko pabalik at bumangon nadin tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin at nag ayos kunti,
Pababa palang ako ng hagdan ay amoy na amoy kuna ang ulam galing sa kusina kaya napangiti Ako dahil takam na takam na naman ako, pagkain nalang ata ang nagpapasaya sa buhay ko, kahit na malakas akong kumain at hindi din ako nananaba ewan ko ba."Ang bangooooooooo!" tili ko ng makarating ako sa kusina kita ko namang nagulat si manang sa tili ko kaya napatawa ako sa reaksyon nya.
"ay anak ng kabayo!!! jusko naman tong batang ito oh!!" Napahawak naman sya sa dibdib nya dahil sa gulat kaya nag peace sign lang ako sa kanya,
"Upo kana jan ikaw talaga!"
"Halika na manang sabay na tayu, si mang Daniel po?" Pinasabay ko na si manang sa akin kumain para may kasama naman ako Ang lakilaki ng mesa tapos ako lang isa ang kakain kaya pinatawag ko na si mang Daniel at dinalhan nalang ni manang yung gwardya sa labas, kumain nadin kami ng makabalik na si manang galing sa labas,
**********
Alas 10 na nang gabi at hindi na naman ako makatulog, bumaba muna ako sa kusina para uminom ng tubig dahil nanunuyo ang lalamunan ko, pagkababa ko ng hagdan ang sobrang tahimik ng bahay dahil tulog nadin pala si manang, nagtungo na ako sa kusina at uminom na nang Tubig, habang binabalik ko ang tubig sa ref ay ramdam kung maynaka tingin sa akin pagka harap ko ay nagulat ako ng Makita ko si Raiko sa gilid ng pinto na naka tayo at nasa loob ng bulsa nya ang kanyang nga kamay, tumitig lang ito sa akin na parang sinusuri ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pagkaharap ko sya parang nanlalambot ako, sobrang lambot ng puso ko pagdating sa kanya,
"Kanina ka pa dyan?" Mahina kung tanong ng tumitig ito sa akin Hindi padin nito tinatanggal ang mga titig nito, iniwas ko ang tingin ko dahil baka Biglang tumolo na naman ang luha ko. aaminin kung namiss ko sya, sa mga araw na hindi ko sya nakita ay parang nangungulila ako gusto ko nakikita ko lagi ang presensya nya,
"yeah" paos nitong sabi kaya tumango tango ako,
"Kumain kana ba? may pagkain pa naman dyan iinitin ko nalang" akmang bubuksan kuna ang ref ay nagsalita ito.
"How are you? Did you eat on time?" Nakatalikod padin ako sa kanya at ramdam ko ang paninitig nito sa akin mula sa likod, Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong nya
May natitirang pake pa pala sya sa akin, natawa ako sa isip ko dahil pinapaasa ko naman ang sirili ko,"That's good" Sagot nito ng tango lang ang sinagot ko sa tanong nya.
"Kakain ka pa ba? Ipaghahain kita" humarap ako sa kanya at kita ko pa din na nakatayo ito samay pinto
"Uhm no, I already ate" Tumango lang ako at Sinara nadin ang ref, siguro nga tapos na syang kumain with that girl.
"Sige akyat na ko" pagkasabi ko non ay nilagpasan ko lang sya nang bigla nyang hinila ang kamay ko pabalik at sinandal ako sa pinto, sobrang lapit nya sa akin at nakatitig lang ito sa mata ko pababa sa aking labi, amoy na amoy ko ang pabango nito sa sobrang lapit namin, tinaas nito ang kamay ko at winaksi Ang buhok na humaharang sa mukha ko at nilagay sa likod ng aking Tenga, pagkalapat palang ng kamay sa mukha ko ay parang may kuryenteng dumaloy sa katakawan ko.
Naramdaman ko nalang ang kanyang malambot na labi sa akin, nanigas ako sa kinatatayuan ko dilat ang aking mata sa ginawa nya Akala ko Isang halik lang yun pero nagkamali ako, bigla nyang ginalaw ang ang kanyang labi kaya mas Lalo akong nagulat! Biglang nanlambot ang tuhod ko sa ginawa nya, Sobrang lalim ng ginagawa nyang pag halik. ang gulo ng isip ko sobrang blangko ng utak ko sa nangyayari, kalaunan ay tumugon din ako sa halik nya, hindi ko ma explain ang nararamdaman ko, parang ang lahat ng galit ko sa kanya ay nawala, ang mga halik nya ay puno ng pag-iingat napapikit ako habang dinadama ang halik nya niyakap nito ang bewang ko para mas ilapit pa ako sa kanya, pinulupot ko ang kamay ko sa leeg nya habang tuloy padin ang paghalik nito sa akin, Biglang tumolo ang luha ko habang tumotugon ako sa halik nya.
BINABASA MO ANG
A Tear's in My Heart
RomanceAmaya is a simple woman. who lives in the province of La Union with her grandmother. She is a hardworking and loving granddaughter. But her life changed when her grandmother got sick and needed surgery. He met a lady who helped him in exchange for...